Paano ba magluto ng adobo?
Karne, toyo, suka, bawang, sibuyas, paminta, sili, bay leaves.
May asin paba?
Alam ko naman ang basic ingredients ng chicken adobo at ang procedures pero hindi ko na alam sa pag timpla.
Hindi rin naman kasi ako nagluluto talaga. Sa totoo lang ay mas alam ko pa magtimpla ng gin, mag billiards o mag car racing.
Prito lang ang alam ko na kung minsan ay nadudurog ko pa.
Magpapaturo nalang din sana ako kay Manang pero sakto pang day off siya ngayon kaya ang mga taga linis lang ang naiwan dito sa bahay.
"Shit!"
Napangiwi ako ng sumayad ang daliri ko sa mainit na lutuan. Napapalingon sa akin ang isang kasambahay habang nagpupunas ng lamesa.
"What are you looking at?!"
Napatalon ito sa pagsigaw ko at agad namutla.
"S-Sorry ma'am pero parang sobrang asin po ang nalagay nyo sa niluluto nyong adobo."
What?!
"Are you saying that I don't know how to cook?!"
"H-Hindi naman po pero kasi may toyo na yan kaya hindi napo kailangan ng maraming asin."
Hindi ko alam pero naiinis ako na parang mas alam pa niya ang ginagawa ko.
"What's your name?"
"P-Po?"
Stupid.
Hindi ba nakakaintindi ng simpleng ingles ang mga maid namin?
"Anong pangalan mo?"
"Neca ma'am. Prencess Neca."
"Neca?"
"Yes ma'am! N-E-C-A. Neca."
Whatever.
"Listen, Nica. Do you want to get fired?"
Nanlaki ang mga mata niya at agad umiling sa tanong ko.
"A-Ayaw ko pong mabaril, Ma'am."
What?!
"Fired means sisante, stupid. Umalis ka nga dito! Baka lalo akong mabwisit sayo."
"S-Sorry ma'am!"
Idiot.
Agad siyang tumakbo at umalis sa harapan ko. Umirap ako at binalikan ang nilulutong adobo.
Hindi ako sigurado sa lasa pero pinaghirapan ko naman ito.
Pagdating sa school ay late na ako sa unang subject kaya kalahating oras pa bago ang lunch break. Nagpunta muna ako sa tagong tambayan ng university at nagsindi ng yosi.
Mas iniisip ko pa kung magugustuhan ni Yasher ang adobo ko kesa sa hindi ko pagpasok ngayon.
"Look who's here."
Agad akong napalingon kay Bianca na biglang lumitaw sa harapan ko kasama ang dalawang lalaki. Hindi ko sila kilala pero hindi naman sila mga outsiders kaya schoolmates lang din namin.
Ngumisi ako sa kanya dahil namumula parin ang ilong nya.
Kung saan ko sya sinuntok kahapon.
"I'm glad buhay kapa. Did you enjoy your time in the storage room?"
YOU ARE READING
INLOVE WITH A GAY
Teen FictionSamara Faye Estacio is deeply inlove with Yasher Monteverde. Her gay bestfriend. and the worst part is, Yasher never look at her way, even if she grow penis in her body like a man or beg him to love her too. He's just too good for her. But Faye can'...