Sabi nila masakit daw ma-friendzone?
Totoo ba?
Siguro nung una oo, kasi syempre ayaw ko din naman ma-reject lalo na kung gustong gusto ko talaga siya. Kahihiyan din yon dahil babae ako pero ako pa ang umamin.
Ako ang unang nahulog.
Pero dahil din doon ay mas na challenge pa ako na makuha si Yasher.
Para syang mangga na ayaw malaglag sa basket ko kahit bumagyo o magka-delubyo.
Para syang snow sa pilipinas.
Malabo pero gustong gusto kong mangyari.
Bakit ba ayaw nya sakin?
Maganda naman ako.
Gaya ng baklang yon ay marami ding nagkakagusto sa akin sa loob at labas ng school. Maraming ngang naiiingit dahil ako lang ang tanging babae na close sa kanya.
Matalino din naman ako.
Gaya din ng baklang yon ay kaming dalawa ang natatangi sa school dahil hatakan talaga kami ng mga parangal o awards. Ako mostly sa academic, ganon din sya pero mas madami lang sa sports.
Medyo mabait din ako.
Hindi man ako santa titang estudyante ay alam ko naman ang mga responsiblidad ko.
Ang problema kasi ay nasa akin man ang magagandang katangian na iyan, kung wala akong malaking ti—
tigas ng katawan. Hindi ako mapapansin ni Yasher.
Hindi. Bawal. No.
Cannot be talaga, mga 'te.
"HAHAHAHHAHAHAHHAHA so you mean na-friendzone ka lang nya?"
I rolled my eyes at Christine's stupid face.
Sinabi ko sa kanya ang nangyari kaya pinagtatawan nya ako ngayon.
"Bakit ka kasi umamin, Faye?"
"Gusto ko lang. Tyaka nagtanong sya eh, I couldn't lie to him."
"Anong plano mo ngayon?"
Hindi ko alam.
Simula kasi ng gumaling si Yasher sa lagnat nya at maka-pasok nadin sa school ay naging iwas na sya sa akin.
As in iwas na iwas.
Hindi nya na ako inaasar, binabati, kinakausap o tinatarayan man lang gaya ng dati.
Ni ayaw nya akong tignan.
Kapag pumupunta ako sa bahay nila ay ayaw nya na akong papasukin ng kwarto nya. Hindi nadin sya nagpupunta sa amin.
Ewan ko kung anong problema nya.
Kapag nakakasalubong ko naman sya sa school ay iiba sya ng daan at hindi ako papansinin kapag sinusubukan kong kausapin sya.
Hanep yan.
Friendzone na nga ako tapos ngayon umiiwas pa sya.
"Miss?"
Napalingon kaming dalawa ni Christine sa lalaking biglang sumulpot sa gilid namin.
Sa akin nakatingin ang mga mata nya kaya napakunot ang noo ko.
Sino ba 'to?
Nakasuot sya ng uniform ng school at itim na bag. Tinignan ko ang mukha nya at na realize agad na tatlong salita lang ang makakapag describe sa hitsura nya.
YOU ARE READING
INLOVE WITH A GAY
Teen FictionSamara Faye Estacio is deeply inlove with Yasher Monteverde. Her gay bestfriend. and the worst part is, Yasher never look at her way, even if she grow penis in her body like a man or beg him to love her too. He's just too good for her. But Faye can'...