"Before we proceed in our game, I would like to ask kung sinong gustong sumali sa ating school varsity. For try out, we need atleast two representative."
Basketball?
Nagtaas ng kamay si Raven sa tabi ko kaya tumingin ang lahat sa kaniya.
Player pala 'to?
"Okay, si Aguerre. Sino pa? Anyone?"
Nagulat ako nang tumaas din ng kamay si Yasher. Player din naman siya pero sa volleyball. Hindi ko din alam na marunong pala siyang maglaro.
I haven't seen him play before.
"Okay it's settled. We have Yasher and Raven as our block representative for basketball play."
"Kailan try out ma'am?" Raven asked.
"Starting from nextweek. Aside in school varsity, we also need 3 pretty girls from our block to join the school pageant for upcoming university week."
The heck.
Graduating na nga ang dami pang mga pa ganyan.
"We already have one. Si Bianca Castro, dahil siya naman ang ating class muse."
Ngumiti ng matamis si Bianca at napairap naman ako.
Feelingera.
Mas maganda pa 'ko sa kanya noh!
For all I know, naging muse lang naman siya dahil absent ako nung botohan. Tse.
"SI FAYE MA'AM!"
Malakas na sigaw ni Mark kaya tinignan ko siya agad ng masama. Napasimangot ako dahil lahat ng kaklase namin ay tumango at oa na nag agree.
Tss.
"Well, Faye? Would you like to?"
Hindi ako mahilig sa mga pageant pero parang ang sarap tapatan ni Bianca. Mayabang kasi siya masyado dahil lang siya ang unang kasali.
Umirap ako at bored na tumango kay Ma'am. Mas naghiwayan ang mga kaklase namin.
"Ayos. Panalo na yan agad."
"Si Faye paba? Mukha palang winner na."
"Oo nga! Galingan mo Faye."
"That's good, Faye. Now we have Estacio and Castro. But we still need one. Sino pa? Girls?"
"O-Okay na yata yan ma'am. Wala ng iba eh." Sabi ni Dolfo habang nagkakamot ng pisngi.
"It's required to have atleast 3 pretty girls every block. We still need one."
Napatingin ako kay Christine na nakayuko sa gilid. Nagtaas agad ako ng kamay at tinuro siya.
"I vote for Christine, ma'am."
Napatingin ang lahat sa akin at sa gulat na gulat na si Christine. Literal na napanganga ang lahat at walang nagsalita.
"P-Pretty girl daw, Faye." Bulong ni Dolfo.
What?
She's pretty.
Mahiyain lang at maraming pimples sa mukha pero maganda naman siya. Hindi lang marunong manamit dahil mahahabang skirt ang laging soot niya pero kung aayusan ay paniguradong gaganda siya.
They just too stupid to realize that.
Inis akong tumingin kay Dolfo kaya namutla ito ng makita ang titig ko.
"Who are you to talk to her like that?"
"S-Sorry Faye."
Umirap ako at tumingin kay ma'am. Napalunok muna ito bago harapin si Christine.
"I-Is it okay with you, Encillo? Would you join the pageant?"
Tahimik ang lahat habang nakatingin sa kaniya. Pulang pula ang mukha niya na parang namumutla. Tumingin ito sa akin kaya tumango ako sa kaniya.
Mukha namang gusto niya sumali pero nahihiya.
"I-It's okay if you don't want to, Christine."
Parang mas ayaw nyo pa ma'am.
"S-Sige po."
"Sure?"
Napakunot ang noo ko kay ma'am at tumawa naman si Bianca.
"Opo."
"O-Okay."
Yumuko siya ulit at nakakunot naman ang noo ni ma'am habang sinusulat ang pangalan ni Christine.
"Let's take a break first, everyone."
Umalis agad ako at pumunta sa tagong parte para manigarilyo. Kakasindi ko lang ng lumapit sakin si Christine.
"Faye, b-bakit mo naman ako tinuro kanina?"
Kiming tanong niya habang nahihiyang nakangiti sakin.
"Why? You don't like it? You should refuse then."
"H-Hindi naman pero kasi hindi naman ako kagaya mo na confident at maganda."
Nagbuga ako ng usok at tinitigan siya.
She looks so awkward by just talking to me.
"Winning a pageant is not all about being confident or beautiful. Beauty is not the only factor that determines who win or lose."
"S-Sige Faye. Gusto ko din naman sumali kaso nahihiya talaga ako. S-Salamat."
"Don't mention it."
Napalingon kami ng biglang dumating si Bianca habang nakangisi.
Ito nanaman po siya.
"Leave us alone, Christine."
"H-Ha?"
Bingi yata.
Ang ayoko pa naman sa lahat ay yung paulit ulit.
Tinitigan ko lang siya kaya napatango ito at agad umalis.
"Bakit mo naman siya pinaalis, Faye? Are you afraid if tell her the truth?"
"What truth?"
"That she's too low to win a pageant. She's a freak and a stupid socially awkward nerd. Kaya nga ayaw ni ma'am at ng mga kaklase natin dahil mapapahiya lang siya."
Tumaas ang kilay niya sakin at mataray akong tinignan.
"Eh ano naman yon sayo? Are you worried na baka pag naayusan ay maging mas maganda pa siya sayo?"
Nanlaki ang mga niya kaya napangisi ako.
"You're crazy."
"and you're bubbling nonsense. Stop wasting my time and let me smoke in peace. Para kang langaw na laging nakasunod sakin."
"You bitch. Akala niyo ba matatalo nyo ako ng pangit na yon o ikaw sa darating na-"
"If I manage to beat you in a simple mathematical equation. How are you sure that I can't do it again?"
Wala siyang masabi kaya mas lalo akong napangisi. Galit niyang pinandyak ang mga paa bago inis na tumalikod sakin at umalis.
Tss.
Pathetic.
YOU ARE READING
INLOVE WITH A GAY
Roman pour AdolescentsSamara Faye Estacio is deeply inlove with Yasher Monteverde. Her gay bestfriend. and the worst part is, Yasher never look at her way, even if she grow penis in her body like a man or beg him to love her too. He's just too good for her. But Faye can'...