Ngayon ang day 1 ng field trip namin at 7am pa ang lintik na call time kaya humihikab pa ako habang paakyat ng bus.
"Hi Faye."
Tumango lang ako sa kumakaway na si Christine at napadaan sa upuan ni Bianca. Umirap ito sa akin na hindi ko naman pinansin.
Have no time for you, bitch.
Agad kong hinanap ang assigned seat ko. Wala pa ang katabi kong si Raven at mabuti nalang dahil sa bintana ang spot ng upuan ko.
Para tatalon nalang mamaya kapag naburyo.
"Wala pa si Yasher?"
Tanong ko kay Christine na kumakain. Her seat is number 10 kaya nasa likod ko lang siya.
"Wala pa. Teka, yang maliit na bag lang ba ang dala mo?"
Napatingin ako sa white sling bag ko na tinuturo niya.
"Oo. Bakit?"
"Wala kang ibang dala?!"
Kumunot ang noo ko sa kaniya.
Wala.
"I mean clothes and water, Faye. And foods!"
Is that necessary?
Nagmamadali na ako kanina dahil baka maiwan ako ng bus at nakakatamad din naman magbaon.
"I have my wallet with me, Christine."
"Kahit na dapat naghanda at baon ka! Ay bahala ka nga."
Sinabunutan niya ang sarili at umupo ng maayos sa upuan niya. Para siyang na-stress sa akin dahil parang napadaan lang akong sumama dito ngayon.
Napakunot ang noo ko at napatingin sa unahan ng bus dahil sa pagdating ni Raven. Nakita niya agad ako at ngumiti.
The sunny guy.
Malaki ang dala niyang bag at may bitbit pa na mga plastic na may lamang kung ano.
"Good morning." He greeted.
"Are you planning to live permanently in Baguio?"
"Huh?"
"Ang dami mong dala."
Tinignan niya ang hawak na plastics at agad tinabi sa gilid.
"Ah oo, pinadala ni mama."
Napalingon ako sa pagdating naman ni Yasher. Bagong ligo siya at may dalang back pack. Bored siyang tumingin sa akin bago umupo sa unahang upuan katabi ni Bianca.
Masama yata ang gising niya.
Pero sabagay, kung si Bianca lang din ang makakatabi ko ay siguradong maba-badtrip din ako sa buong byahe.
Kinuha ko ang cellphone ko ng makitang nag text siya.
Yasher: Ganyan ka Paye! Mas gusto mong katabi ang iba.
Ano daw? Hindi nya ba alam na hindi naman ako ang namili ng seat number ko?
Ako: I didn't choose my number, Yash. But if you ask me, Ikaw naman talaga ang gusto kong katabi.
Nilingon ko siya at nakitang binasa niya ang text ko pero hindi na nag reply. Tinago ko nadin ang cellphone ko dahil dumating nadin si Ma'am Dacillo.
"Good morning class, we will have our attendance later and for our activities it will be given as paired. Yung mga katabi nalang ninyo ang mga partner niyo sa activity natin."
What the fuck?
Lumingon sa akin si Raven at ngumisi.
"Paano ba yan partner na tayo? Dapat maging mabait kana sakin."
"Shut up."
He laughed.
Umirap ako sa kaniya at nilingon ulit si Yasher. Napakurap ako ng makitang nakatitig ito sa amin at masama ang tingin niya kay Raven.
Is he jealous?
"Oh eto."
Napabaling ang tingin ko kay Raven nang abutan ako nito ng kumot at neck pillow.
"Malamig at mahaba ang magiging biyahe natin, Baguio pa naman yon. Gamitin mo na yan."
"No thanks."
"Sige na Kunin mo na. Wag kanang mahiya."
I'm not shy.
Tumaas ang kilay ko sa kaniya at dahan dahang inabot ang binibigay niya.
"Is this clean?"
"Syempre HAHAHAHHAHHA judger ka talaga."
Tinignan ko ang kumot at napansing hindi iyon ganon kalaki pero sakto lang. Mabango din at halatang bago pa.
"Thank you."
Ngumiti lang siya at nagpatuloy sa pag aayos ng bag. Inayos ko din ang kumot sa katawan ko at ang neck pillow. Napalingon ako sa labas ng bintana dahil nagsimula nang umandar ang bus.
Anim na oras pa ang biyahe kaya pumikit muna ako at nagsimulang matulog. Tatlong oras lang kasi ang tulog ko kagabi.
I'm always having a trouble to sleep. Nakakatulog lang ako ng maayos kapag katabi si Yasher sa kama kaya—
"Faye?"
Inangat ko ang ulo ko at napalingon kay Raven na tumatawag sa akin. Napansin ko ding pati ang mga kaklase namin ay nakatingin at nakahinto na ang bus.
Did I slept?
"Ayieeeeeeeeeeeee"
Kantyaw nila dahil nakatulog pala ako sa balikat ni Raven. Agad akong umayos ng upo at hinawakan ang nagulong buhok. Tinignan ko sila ng masama at natawa naman sila Christine.
"Tse. Tara na nga."
Narinig kong bulong ni Yasher at yamot itong nauna pababa ng bus. Sumunod agad si Bianca sa kaniya at ang mga kaklase namin.
"You didn't wake me up." I told Raven.
"Sorry. Halata kasing puyat ka kaya hindi na kita ginising."
I was asleep for hours, at sa balikat niya pa ako nakatulog. Damn it.
"I slept for hours. Siguradong masakit na ang balikat mo dahil sakin kaya dapat ginising mo nalang ako."
"Ayos lang. Hindi ka naman naglalaway habang tulog ka kanina."
Tinignan ko siya ng masama kaya tinawanan niya nanaman ako at bumaba na ng bus. Bumaba nadin ako at nakitang excited ang buong klase pati na si Ma'am sa mga gagawin at pupuntahan namin.
Hinanap agad ng mga mata ko si Yasher at nakita siyang nasa malayo kausap ni Bianca.
and I feel like he's ignoring me.
YOU ARE READING
INLOVE WITH A GAY
Teen FictionSamara Faye Estacio is deeply inlove with Yasher Monteverde. Her gay bestfriend. and the worst part is, Yasher never look at her way, even if she grow penis in her body like a man or beg him to love her too. He's just too good for her. But Faye can'...