Sa Baguio cathedral ang unang destinasyon namin. Malamig ang simoy ng hangin at maraming turista ang makikita sa paligid. Maraming mga nagpi-picture at may mga foreigners din.
Napatigil ako sa paglalakad ng makita sa malayo ang isang malaking strawberry farm. Napahinto din si Raven na nasa tabi ko.
"Bakit?"
"Gusto kong bumili ng strawberry."
"Pwede naman bago tayo umuwi. Mura at fresh ang mga strawberry dito tapos-"
"HOY! BILISAN NYO NGA!"
Napalingon kaming dalawa kay Yasher na nakakunot ang noo sa amin. Nagtaka pa ako dahil ang alam ko ay nauna na siya sa paglalakad kasama nila Bianca.
Bumalik ba siya dito para lang sigawan kami?
"Sandali kasi. Kanina pa tayo naglalakad." Irap ko sa kaniya.
Hindi pa naman ako pala exercise kaya mabilis akong hingalin.
Hindi na kasi kami gumamit ng bus papuntang cathedral dahil mas maganda daw kung lalakarin nalang. Hindi din naman mainit pero parang ilang kilomentro pa bago makapunta doon.
"Nauuhaw ka ba, Faye? May tubig ako dito."
Nilabas ni Raven ang tumbler niya at binuksan niya pa iyon bago inabot sa akin.
He's really thoughtful.
Nagpasalamat naman ako at handa nang inumin ang tubig niya ng hablutin ito sa akin ni Yasher.
Nanlaki ang mga mata ko ng walang pasabi niyang ihilamos iyon hanggang maubos.
"YASHER!"
That's rude!
Gulat na gulat ako sa ginawa niya at ganoon din si Raven.
"Bakit? Nauuhaw ka ba?" Tanong niya pa.
Malamang!
"Paano pa ako makakainom kung pinang hilamos mo lang?!" Inis kong sabi.
Tinignan niya si Raven sa tabi ko at tiyaka ngumisi.
"Sorry, pre. Nainitan kasi ako kaya kailangan ko maghilamos."
Baguio, nainitan?!
At PRE?!!
"A-Ayos lang."
Binuksan niya ang bag at may kinuhang puting bottle na parang tubig. Tumingin siya sakin at inabot iyon.
"Ito, sparkling water yan Paye. Mas masarap pa yan sa tubig, galing pa sa kuya ko. Yan nalang ang inumin mo."
Napanganga ako dahil simple lang ang pagkakasabi niya na akala mo ay walang inagaw na tubig. Pagkatapos niyang ibigay ang sparkling water sa akin ay agad na siyang tumalikod.
"Maglalakad nalang kasi naglalandian pa. Bilisan nyo." Pahabol niya pa.
Umirap ako at napalingon kay Raven na nakangisi sa gilid ko. Kumunot ang noo ko sa kaniya.
"Why are you smirking?"
"Wala. Tara na."
Bukod sa pamamasyal ay may mangyayari mamaya na mga challenges na magsisilbing graded activities namin. Pero lunchtime na ngayon kaya binigyan kami ng oras para kumain.
YOU ARE READING
INLOVE WITH A GAY
أدب المراهقينSamara Faye Estacio is deeply inlove with Yasher Monteverde. Her gay bestfriend. and the worst part is, Yasher never look at her way, even if she grow penis in her body like a man or beg him to love her too. He's just too good for her. But Faye can'...