CHAPTER 8: NO GOOD

5 0 0
                                    

"Oh my god!! He's falling for you Faye!!"

I just smirked at Christine and drink my orange juice. Nasabi ko sa kanya ang nangyari kahapon.

"Shut up. Baka may makarinig sayo."

"Pero, kayo naba?"

Napahinto ako sa pag inom at agad napalingon sa kanya.

"Hindi pa."

"Ano?!"

Agad ko syang tinignan ng masama.

"Shut your goddamn mouth, Christine."

"Kasi naman, hindi pa talaga kayo? Seryoso?? Ano yun, walang label?"

"Wala. Is that important?"

"Syempre!! Baka mamaya laro lang sa kanya yan."

Ofcourse not.

"Pero sabagay, bago palang naman kayo ni Yasher and he's gay kaya paniguradong naga-adjust pa sya."

Adjust?

Maldita ang baklang yon sakin kaya pakiramdam ko, ako pa ang nag adjust sa kanya.

"Tyaka sabi ko na nga ba hahanapin ka nya kahapon eh! Imagine, iniwan nya ang history class natin para lang hatakin ka kay Brent! Nakaka kiligg naman!"

Napakunot ang noo ko sa kanya.

Paano pala nalaman ni Yasher na kasama ko si Brent that time?

"Did you fucking tell him that I'm with Brent?!"

Nagulat sya at napangiwi ng marinig ang tanong ko.

"Ahm...oo, hehe."

Unbelievable.

"He almost kill him with his punches, Christine!"

"Eh sorry naman, nagtanong kasi sya sakin. Alam mo naman na hindi ako marunong magsinungaling sa mga alpha na gaya ni Yasher."

"Anong alpha?"

"Gwapo!"

Tss.

"And speaking of gwapo, ayan na sya oh. Hinaharot harot nanaman ni Bianca."

Napatingin ako sa bagong dating na si Yasher at Bianca.

Nagtatawanan ang dalawa habang nag uusap. Napakunot ang noo ko ng mapansin na masyadong malapit ang mga katawan nila.

Panaka naka ding hinahaplos ng babae ang braso ni Yash.

Agad akong naglakad papunta sa kanila.

Tinatawag pa ako ni Christine pero hindi ko na sya nilingon. Diretso lang ang lakad at tingin ko.

Napatingin sila sakin at agad natahimik mula sa masayang pag uusap ng humarang ako sa mismong daraanan nila.

Naging bahaw ang mga ngiti ni Bianca at nagtaas naman ang mga kilay ni Yasher.

Siya pa ang may ganang mag taray?!

"Come with me, Yash."

"Where?"

"May kailangan akong hanapin na libro sa library. I texted you about it pero hindi ka nagrereply."

Madiin ang bawat bigkas ko habang nakatingin sa braso nyang hawak hawak ni Bianca.

INLOVE WITH A GAYWhere stories live. Discover now