Agad akong umupo sa harapan ni Yasher ng makita ko siya sa cafeteria. Bitbit ko ang lunch na niluto ko kanina para sa kaniya.
Nilagyan ko na ng band aid ang ilang gasgas ko pero hindi naitago ang pasa ko sa gilid ng labi.
"Anong nangyari sayo, Paye?!"
Gulat na gulat siya habang nakatingin sa mukha ko. Hinawakan nya pa ang pisngi ko at sinipat ang mga sugat.
"Sinong gumawa nyan sayo?!"
"I...was just hit by the door."
Mas kumunot ang noo nya sa sinabi ko at agad tumayo. Lumapit siya sakin at hinawakan ang kamay.
"Where are we going?"
"Home."
"What?! But we still have class, Yash!"
Tinignan ko ang wristwatch ko at nakitang may dalawang subject pa kami pagkatapos ng break.
"I don't care. You need to rest."
"I'm fine!"
Hindi niya pinansin ang sinabi ko at tahimik lang na pinasakay ako ng kotse niya. Habang mabilis siyang nagd-drive ay tinitignan ko siya dahil saradong sarado ang kamao niya at salubong ang mga kilay.
Parang may galit sa kalsada dahil sa mabilis na pagmamaneho. Nagulat ako ng dinala niya ako sa bahay.
Mabuti nalang wala si mommy kundi sesermunan nanaman ako non.
"Where's your mom?"
"Business trip."
Umupo ako sa sofa at tinignan ang braso kong namumula na ngayon dahil sa mahigpit na kapit ng mga gagong yon kanina.
Those bastards.
Nilapitan ni Yasher si Nica na nakatanga habang nakatingin sa amin.
"Ate, pakuha naman po ng medicine kit."
"S-Sige po."
Mabilis syang bumalik at nahihiyang inabot kay Yash ang medine kit.
"Salamat."
"A-Ane ke be? Welcome anytime, sir pogi."
Tumaas ang kilay ko at napangiwi naman si Yasher dahil todo ang ngiti sa kanya si Nica.
Umupo siya sa tabi ko hawak ang alcohol at bulak. Nag seryoso ang mukha nya habang ginagamot ako.
"Stay still."
"I'm fine, Yash."
"Sino bang gumawa nito sayo?"
"I told you, I was hit accidentally."
"Tss."
Napatitig ako sa gwapo nyang mukha na seryosong ginagamot ang pasa ko.
Mas gwapo talaga siya lalo na kapag seryoso o galit.
Salubong ang makakapal niyang kilay habang nagpapatuloy sa pagdampi ng bulak sa labi ko.
"You're so handsome."
Hinawakan ko ang kamay niya kaya napatigil siya at napatitig din sa akin.
"And you're so secretive. You really won't tell me kung sinong gumawa nito sayo?"
Umiling lang ako at mas nakita ko ang pagkainis niya.
I can handle those bastards alone kaya ako dapat ang gumanti sa kanila.
YOU ARE READING
INLOVE WITH A GAY
Teen FictionSamara Faye Schmidt is deeply inlove with Yasher Monteverde. Her gay bestfriend. and the worst part is, Yasher never look at her way, even if she grow penis in her body like a man or beg him to love her too. He's just too good for her. But Faye can'...