CHAPTER 9: NEW CLASSMATE

1 0 0
                                    

"Good morning Class, before we proceed to our daily discussion. Let me introduce you your new classmate."

Pumasok ang isang matangkad na lalaki mula sa pinto ng tawagin ni Ma'am Castro.

Hindi na ako nagulat ng makita ang nakangiting mukha niya sa harapan.

"Good morning everyone, I am Raven Aguerre. 21 years old, I'm your new classmate."

Tss malamang.

Napangiwi ako ng maramdaman ang mahigpit na kapit ni Christine sa braso ko.

"Shit, Faye. Ang gwapo."

Pinapili sya ng upuan ni Ma'am Castro at lahat ay nagulat dahil pinili nyang maupo sa tabi ko kahit na maraming bakanteng upuan sa unahan at gilid.

"Hi Faye! You don't mind if I seat here beside you, right?"

Babarahin ko na sana sya ng si Christine ang nagsalita mula sa unahan ko.

"She don't mind! Upo kalang dyan."

Annoying.

Nilingon ko si Yash na tahimik na nagsusulat sa notes nya. Gusto ko syang lapitan at kausapin pero laging nakadikit si Bianca sa kanya.

"Baka matunaw yan."

Inis kong nilingon ang lalaking nasa gilid ko. Nagulat sya ng makita akong tumingin sa kanya.

"Ahm sorry, baka lang kasi matunaw sya sa sobrang titig mo."

"Tss. Mind your own business, will you?"

"Wala pa akong business eh. Tyaka bakit ba lagi kang naka busangot?"

Ano daw?

"Because you're so noisy, and annoying. Why did you seat here?"

"Sabi ng kaibigan mo okay lang daw."

Simple nyang sagot at kinuha ang notebook nya mula sa bag.

"Wala akong sinabi. So will you please leave me and that seat alone?"

"Ayoko nga."

"What?!"

"Gusto ko dito. Kung gusto mo, Ikaw ang lumipat, Faye."

"Don't call me Faye, hindi tayo close."

"Oh edi, honeypumpkincutiehoneybunch."

"What?! You're really crazy—!"

"Miss Estacio! warning!!"

Tinignan ko ng masama si Ma'am na masama na rin ang tingin sa akin.

Natahimik na din si Raven na nasa tabi ko pero nakangisi sya habang nagsusulat.

"Stop smirking, you look like an idiot."

Mas ngumisi sya ng marinig ang sinabi ko kaya mas lalo naman akong nainis.

"Lahat nalang ba napapansin mo sakin? Ang hirap mo yata maging katabi o maging girlfriend, ang daming bawal."

"Tss. Stop talking about me being your girlfriend, because that won't happen. Mangarap ka."

"Huh? Wala naman akong sinasabi na ganon ah? Baka ikaw ang nag iisip na magiging girlfriend ko."

INLOVE WITH A GAYWhere stories live. Discover now