CHAPTER 26: SECOND BATTLE

0 0 0
                                    

"For our second game, it's called 'ibuhos at ipasok mo'. Same rules, 3 rounds for this game at ang unang makapuntos ng dalawa ang siyang panalo."

Ibuhos at ipasok mo?

What's that? Sino bang nagpapangalan ng mga game activities namin?!

"Paunahan lang makarami ng mapapasok na sinulid sa karayom na nasa harapan. Pero bago yon, for twist ay kailangan nyong magbuhos ng ice water bucket every 1 minute. Tatlong bucket ang kailangan maibuhos kaya tatagal lang ng 4mins per round ang laban."

The hell.

Pagalingan pala sa pagpasok 'to.

Nagsigawan ang mga malalandi kong kaklase nang sabay na maghubad ng shirt si Yasher at Raven. Napanganga pa ako dahil parehas na maganda ang mga katawan nila.

Hard chest. Sexy back. Abs. Broad shoulders and muscled firm arms.

Literal na model type ang mga katawan.

Mas maputi lang si Yasher dahil mestizo siya at moreno naman si Raven.

Pero parehas silang gwapo at pak na pak ang mga katawan kaya halos maglaway at mamaos sa sobrang kilig ang mga babaeng kaklase namin.

"AHHHHHHH GO PAPA YASHER!"

"ANG GWAPO MO AGUERRE!"

"AKIN KA NALANG MONTEVERDE!!"

"ANAKAN MO AKO RAVEN!!"

Umirap ako at napaiwas ng tingin dahil sabay pang tumingin si Yasher at Raven sa pwesto ko.

Why are they staring?

Nagsimula ang unang round at sabay nilang binuhos sa sariling katawan ang timba ng malamig na tubig. Nakita kong umuusok pa iyon sa sobrang lamig at may mga yelo pang kasama.

Nagpaunahan silang pumunta sa harapan na may mga karayom at sinulid. Tahimik ang lahat habang nagpapabilisan silang magpasok.

Mabilis ang mga daliri ni Yasher pero si Raven ay nilalawayan muna ang sinulid para mabilis na pumasok sa karayom.

Tama yon.

Lawayan muna bago ipasok haha

Nag hudyat ng one minute kaya balik sila sa pagbuhos ng malamig na tubig. Napakagat ako sa labi ng makitang nanginginig na ang mga kamay nila sa lamig habang pilit pinapasok ang sinulid sa mga karayom.

"GO YASHER!" Bianca shouted.

"GO LANG RAVENN!" Sigaw naman ni Christine.

Sino bang dapat i-cheer ko?

Malamang siya.

"GO YASH!" I shouted.

Agad napalingon sa akin si Raven habang nakakunot ang noo.

What?!

Nag one minute ulit kaya nagbuhos sila ng pang huling timba. Kitang kita na parehas na silang nanginginig sa lamig.

"TIME OUT!" Malakas na sigaw ng organizer ng lumipas ang 4 minutes.

Binilang ang mga karayom na napasok nila at nakitang si Yasher ang nanalo.

Mas lamang siya ng dalawa kay Raven.

Lumapit agad ako hawak ang isang tuwalya. Ibibigay ko na sana iyon kay Yasher pero naunahan na ako ni Bianca.

Papansin talaga.

Napalingon ako kay Raven na nakaupo habang lamig na lamig. Nilapitan ko siya at agad inabot ang hawak kong tuwalya sa kaniya.

"S-Salamat."

Nilingon ko si Yasher at nakitang nakatingin ito sa akin habang nakakunot ang noo. Nagtataka yata kung bakit hindi ko siya nilapitan.

"Sorry, I lost."

Bulong ni Raven kaya napatingin ulit ako sa kaniya.

"Don't worry about it. Kaya mo pa ba for next round?"

"Yeah. Babawi ako."

Tumango ako at hinintay ang sunod na round.

Gaya kanina ay may buzzer ulit at question. Kung sinong makakasagot ay skip na sa pagbuhos ng tatlong timba na may malamig na tubig.

"Boys, listen carefully. This is the question."

I bit my lips and saw seriousness in Raven and Yasher's face.

Wala talagang nagpapatalo sa kanila.

"How many bones does an adult human have?"

Nauna pumindot si Raven kaya buzzer niya ang agad na umilaw.

"Yes, Aguerre?"

"Ahm it's....205."

Shit mali.

Kulang!

"I'm sorry that is wrong. You have a chance to steal, Monteverde."

Wala na endgame na.

Si Yasher paba?

"206."

"Correct."

See?!

He almost knows everything. He's that smart. Ang deep feelings ko lang para sa kaniya ang hindi niya pa alam.

Charot.

Mabilis na nagpunta si Yasher sa unahan para magpasok ng mga karayom at nagbuhos naman ng tatlong timba si Raven.

Ramdam ko ang panlalamig niya.

Humabol siya sa pagpasok at makaalipas ang 4mins ay agad binilang ang mga karayom nila.

"For this round, one point for the Team A!!"

Fuck.

Siyam ang napasok ni Yasher at walo naman kay Raven. Isa lang ang lamang. Dikit na dikit ang laban but I guess the second point are made for them.

Panalo naman ako kanina kaya tie lang ang laban. May game three pa at doon na malalaman kung kaninong team mapupunta ang malaking grade.

I really don't want to compete with Yasher but the whole team B is rooting for me and Raven.

and I'm not that stupid to give it up.

INLOVE WITH A GAYWhere stories live. Discover now