"Hindi ka naman ba niya sinaktan nung umuwi na ako?"
Umirap ako kay Raven na dinadaldal nanaman ako. Magka-klase kami sa subject na ito at seatmate ko pa siya kaya puro tanong siya mula nung nangyari kagabi.
"Yasher would never hurt me."
"Talaga? Eh parang papatayin niya na 'ko sa titig nya kagabi. Hinatid lang naman kita."
Niligpit ko ang gamit ko at tinignan siya.
"He's just like that to people. Layuan mo kasi ako."
"Pero—"
Tumalikod na agad ako at lumabas ng classroom.
Para sa akin ay ayos lang naman siya maging kaibigan pero ayaw ko naman na lagi kaming mag aaway ni Yasher dahil lang sa kaniya.
I can't afford to lose him easily.
Kumbaga sa business ay marami na akong na invest sa kaniya. Feelings ko, utak, puso, actions at kulang nalang ay ang katawan ko.
I'll gladly give him my all pero siya pa ang may ayaw sakin.
Ilang beses niya na akong tinanggihan at sinampal sa mukha ko na hindi niya ako magugustuhan.
Truth hurts. Fuck.
Napangisi ako ng makita ang dalawang gago kung saan ako tumatambay. Sila yung nang bugbog sa akin nung nakaraan.
The evil Jude and his asshole friend.
Swerte ang araw ko ngayon dahil sila na ang lumalapit sa akin. Ilang araw ko din silang hinanap sa buong university.
Naninigarilyo silang dalawa at agad napalingon ng lumapit ako. Sayang lang at hindi nila kasama si Bianca ngayon.
That bitch owe me slaps.
"Ayos ka ah? May gana ka pang lapitan kami matapos ka naming bugbugin?"
"Baka nabitin, Jude. Gusto ituloy yung happy time."
They both laughed.
Ang sarap burahin ng mga ngisi nila sa suntok ko.
Ngumisi din ako at tinignan ang mga pagmumukha nila.
"Oo. Bitin na bitin ako sainyo."
Mabilis kong sinipa sa mukha si Jude na agad niyang kinatumba. Nagulat ang kasama niyang gago at sinubukan na lumapit sakin pero malakas ko na siyang sinuntok.
May nakita akong kahoy sa gilid at agad ko iyong hinampas sa mukha niya. Hindi ako tumigil hanggat hindi napuputol ang kahoy at nagdudugo ang pangit nyang mukha sa harapan ko.
Nagtatalsikan na ang mga dugo at nakakangawit na sa braso pero tuloy lang ako sa paghampas.
"Feel that, you fucking asshole."
Pero nakatayo na pala si Jude at mabilis akong hinablot at sinakal.
"TANGINA KA! AKALA MO KUNG SINO KA?!"
Tangina mo din!
Dinuruan ko ang mukha niya kaya mas lalo siyang nang gigil at mas humigpit ang kapit niya sa leeg ko.
I was literally gasping for air when someone grabbed him and hardly punched his face.
Sa sobrang lakas ng pagkaka suntok ay tumilapon siya sa sahig at agad nagdugo ang bibig.
"YASH!"
Gulat na gulat ako ng makita si Yasher. Gulo gulo ang buhok niya at saradong sarado ang kamao. Nilapitan pa niya si Jude at ilang ulit na pinag susuntok kahit hindi na ito gumagalaw.
Shit.
Baka mapatay niya pa.
"YASH! ENOUGH!"
Nilapitan ko siya at pilit inawat. Napangiwi ako ng makita ang mukha ni Jude. Wala na siyang malay, bugbog ang buong mukha at puro dugo.
"HOY! ANO YAN?!"
Nanlaki ang mga mata ko ng dumating ang mga student councils. Nagulat din sila ng makita ang nakahandusay na si Jude.
It's too late to run dahil nahawakan na nila agad kami at hindi ko mahila si Yasher.
Pagpasok sa loob ng council ay tahimik lang siya habang nakaupo sa tabi ko. Saradong sarado parin ang kamao niya na puro dugo ni Jude.
"Ikaw nanaman, Faye."
Napalingon ako kay Ma'am Delphin ng pumasok ito sa guidance. Umiling ito sa akin at tinignan si Yasher na nasa tabi ko.
"Dinamay mo pa itong si Monteverde sa kabulastugan mo. Alam mo bang nasa emergency room si Jude at yung hinampas mo ng kahoy?"
Ano ngayon?
Those asshole saw it coming. Naawa pa nga ako nang inawat ko si Yasher kanina.
Dahil kung hindi ay nasa morgue na siya, at wala sa emergency.
I was about to speak when Yasher hold my hand.
"It was me, Ma'am."
Sabay kaming nagulat ni Ma'am at napatingin sa kaniya.
"W-What?"
"Ako ang bumugbog sa mga yon. Napadaan lang po si Faye."
"Don't lie to me, Mr Monteverde. Wag mong pagtakpan ang ginawa ni Faye dahil—"
"It was really me Ma'am and I'm willing to face my concequences."
My lips gaped open as I felt his hand in me.
Parang bigla akong hindi nakapag salita.
"Ipapatawag ko ang mga magulang niyo."
Galit siyang tumayo at lumabas. Naiwan kaming dalawa ni Yasher.
"What are you doing?"
"Sila ang dahilan kaya ka may pasa nung nakaraan diba?"
Napakunot ang noo ko.
"Yes. But why did you—"
"Expulsion na ang mangyayari sayo Paye kapag nalaman nilang nanakit ka nanaman. Kaya tumahimik ka nalang dyan."
"But Yash, paano ka—"
"Shut it."
Bumukas ang pintuan kaya napaayos ako ng upo. Pumasok si Ma'am Delphin na masama ang tingin sa akin.
"You two can leave now. Ipapatawag ko nalang kayo ulit kapag dumating na ang mga parents nyo."
Dumaan ang ilang araw at mabuti nalang dahil community service lang ang naging parusa ni Yasher. Pero nagsilbi na din iyong warning sa kaniya.
Comatose ang lalaking hinampas ko ng kahoy na Jeffrey pala ang pangalan, ganon din si Jude na malala ang lagay at matagal daw ang magiging recovery.
They punched and tried to rape me so I think they just deserve it.
Malakas lang talaga ang kapit nila kaya humihinga pa sa hospital.
YOU ARE READING
INLOVE WITH A GAY
Teen FictionSamara Faye Schmidt is deeply inlove with Yasher Monteverde. Her gay bestfriend. and the worst part is, Yasher never look at her way, even if she grow penis in her body like a man or beg him to love her too. He's just too good for her. But Faye can'...