FAYE POV:
"Akala ko magbi billiard ka? Bakit tayo nasa bar?!"
Ngumisi lang ako kay Raven at nauna nang lumabas ng kotse. Malayo palang ay rinig na rinig na ang malakas na music mula sa stereo ng central east bar.
May billiards din naman dito pero nasa second floor.
Paborito kong tambayan ang bar na ito dahil puro elites ang mga nagpupunta dito at mahigpit sila sa mga costumer at guests.
Hindi nagpapapasok ng mga taong walang pera at gulo lang ang hanap.
Isang tango sa bouncer ay nakilala na ako nito at pinapasok agad ng hindi kinakapkapan. Pagpunta sa loob ay kakaunti palang ang tao pero maingay na at may nagsasayawan.
Napahinto si Raven kaya nilingon ko siya. Gulat na gulat siya at kahit puno ng lights ay nakita ko ang pamumula ng mukha niya habang nakatingin sa stage.
Nilingon ko ang tinitignan niya at nakita doon ang mga babaeng sumasayaw sa pole na halos wala nang mga damit. Ang iba ay wala na talagang soot.
"You okay?"
"B-Bilyaran ba talaga 'to, bar o strip club?!"
"Why? You haven't seen a naked body before?"
Umiwas lang siya ng tingin at namumula parin ang mukha sa kahihiyan. Hinigit ko ang kamay niya at kinaladkad siya paakyat ng second floor.
"You said you're open minded."
"Eh malay ko bang sa strip club mo ako dadalhin!"
"You're free to go if you want."
Nag order ako ng dalawang bucket ng beer at ng snacks. Nilingon ko si Raven at nakita siyang nakakunot ang noo habang nac-cellphone.
"Wala bang cignal dito?"
"Wala. Kailangan mo pang lumabas."
"Hindi ka ba hahanapin ng mommy mo?"
"Hindi."
My mom doesn't know my night outs kaya minsan ay tumatakas lang ako kapag nasa bahay siya.
Dumating ang order kong snacks at alak. Nilapag ko iyon sa harapan ni Raven.
"Ang dami naman nyan! May problema ka ba?!"
Natawa ako at binigyan siya ng beer.
"Play with me."
Kinuha ko ang tako at inayos ang mga bola. Solo namin ang second floor dahil wala pa ang mga VIPs ng bar. Kaibigan at dati kong fling ang may ari nito.
"Hindi nga ako marunong nyan."
"So I'll play alone?!"
"Turuan mo nalang ako."
Sumimangot ako at hinagis ang tako. Si Brent talaga ang laging kalaro ko dito pero hindi ko na siya natawagan. Wala din naman akong interes at pasensya magturo ng baguhan.
Kinuha ko nalang ang beer at nilagok iyon. Mas gusto kong mag inom ng tahimik pero puro tanong sakin ang lalaking ito.
"May boyfriend ka ba?"
"Wala."
"Eh sino yung lagi mong kasama sa cafeteria every lunch?"
Yasher.
YOU ARE READING
INLOVE WITH A GAY
Teen FictionSamara Faye Estacio is deeply inlove with Yasher Monteverde. Her gay bestfriend. and the worst part is, Yasher never look at her way, even if she grow penis in her body like a man or beg him to love her too. He's just too good for her. But Faye can'...