CHAPTER 29: GIRLFRIEND

0 0 0
                                    

"Are you ignoring me?"

Tanong ko kay Yasher habang nag aayos siya ng tent sa tabi ko. Nilingon niya lang ako saglit at matalim akong irapan.

"What's your problem, Yash?"

"Ikaw."

"Huh? Ano namang ginawa ko?"

Pairap siyang humarap sakin at mataray na nag cross arm.

"I told you to stay away from that Raven guy. Hindi ka nakinig at siya pa ang naging seat partner mo."

"It wasn't my fault. Hindi naman ako ang namili ng seat number ko."

"Tss. You should ignore him pero hindi at nakikipag landian kapa."

What?

"I'm not doing anything, Yash. Why are you being so shallow? Tyaka ikaw din naman ah, kausap mo lagi si Bianca. After I told you to stay away from her."

"She's just my activity partner, Paye."

"Raven is just my partner too. Kaya anong problema mo?"

"Tss. Leave me."

Napanganga ako ng malamig siyang tumalikod sakin at agad na pumasok sa loob ng tent niya. Naiwan akong parang tangang nakatayo doon.

Umiling ako at naglakad palayo habang nagsisindi ng yosi.

Bahala na muna siya.

Hindi ko maintindihan. Kapag ganyan siya kalamig sakin ay nakakahiya nalang manuyo at magbigay.

I didn't even do anything.

Buti nga sana kung may nilandi ako para naman deserve ko ang pagiging malamig niya.

I hate giving up but I hate to force shit even more.

Napakunot ang noo ko ng makita si Raven na kausap ang organizer. Nakangiti siya dito at agad lumakad paalis. Tinapon ko naman ang yosi ko at agad siyang sinundan.

He's just walking with his earphone. Nakasunod lang ako sa likod niya at napansin kong medyo lumalayo na kami sa camp site.

Huminto siya sa isang bahay at may kinapa sa loob ng pantalon.

It must be his home.

Lumapit ako at naabutan siyang binubuksan ang gate ng bahay. May earphones padin siya kaya kinalabit ko. Lumingon siya sakin at nakita ko kung paano manlaki ang mga mata niya sa gulat.

"Faye?! Anong ginagawa mo dito?!"

Tinanggal niya agad ang earphones at kunot ang noong humarap sakin.

"Is this your home?" I asked instead.

Tinignan ko ang bahay nila at nakitang buhay na buhay iyon sa mga nakasabit na parol at Christmas lights.

"Sinundan mo ba 'ko?!"

Obviously.

"Yeah."

"Bakit?!"

"I'm bored."

Tinulak ko ang gate dahil nabuksan niya na iyon at agad naglakad papasok.

"Sandali Faye!"

Kinatok ko ang pinto nila na agad bumukas. Nakita ko ang isang babae na gulat na nakatingin sa akin.

INLOVE WITH A GAYWhere stories live. Discover now