Introduction:
Napakatahimik ng buhay ng mga normal na tao sa lupa, araw-araw silang kumakayod para lang may makain sila. Pero, nung mabalitaan nilang may mga Diyos na gumagala sa mundo nila. Nagiba ang pananaw nila sa buhay, parati na silang umaasa sa tulong ng mga Diyos at hindi na sila gaanong nagkakayod sa trabaho nila. Hindi magawang magalit ng mga Diyos sakanila, sapagkat trabaho nilang guminhawa ang buhay ng mga mortal. Sa kabilang banda naman, may isang secret agency na gumagawa ng isang kakaibang kemikal at sa malaking planta nila sila nag eeksperimento. At sa isang pagkakamali ng isang trabahador, kumalat sa hangin ang amoy ng kemikal at kung sino man makalanghap nito ay may posibilidad na mamatay o kaya naman gawin kang immortal at magtataglay kana ng kakaibang talento. At karamihan sa mga naapektuhan nito ay ang mga bata o mga teenagers sa isang lugar. Pero hindi karamihan ay nakalanghap nito, nakuha nila ang kakaibang talento nila sa ibang paraan. Tulad nalang ng bulalakaw, solar eclipse, mangkukulam o witch, stones, watch, at kung anu-ano pa. Kaya simulan na natin ang kakaibang kwento na nangyari sa mga bata na nasa loob ng storyang ito.
============================
![](https://img.wattpad.com/cover/5055161-288-k434856.jpg)
BINABASA MO ANG
Legendary Teens
Historical FictionSa isang bayan may kumakalat na balita kung saan may mga Diyos daw na bumababa sa lupa upang tulungan ang mga tao sa binit ng kamatayan. Sa kabilang banda naman, may isang factory na gumagawa ng antidote para sa sakit ng presidente, at dahil walang...