Ngayong nakita ko na ang mga magulang ko at mga kapatid ko. Namuhay kami ng tahimik sa loob ng sampung taon, malayo sa ibang tao at malayo din sa kaguluhan. Kahit na malayo kami sa sibilisasyon, nakakaraos parin kami araw araw kahit na kami-kami lang ang magkakasama. Lumabas ako ng bahay para magpahangin. Naisip ko nalang bigla na maghanap ng kakaiba at may angking talento na iba sa lahat. At kung makakahanap ako ng mga gifted na tao, gagawa ako ng isang grupo na tutulong sa mga walang kalaban-laban na tao at sisiguraduhin namin na ilalayo sila sa kapahamakan. Hindi na ako makakapayag na may masawi o masaktan pang muli. At lalong-lalo na hindi na ako makakapayag na mangyari pa ang nangyari noon.
Habang nag iisip ako ng malalim, lumabas si Mama at tinanong niya sa akin kung ano raw iniisip ko. Well, sinabi ko nalang na tahimik at napakaganda sa lugar na ito. Biglang, "Siya nga po pala Mama. Paano niyo po ito nahanap? Itong lugar na ito." sabi ko. "Anak, ito ang natatanging tahanan naming magpapamilya. Simula pagkabata namin, dito na kami nakatira at pinamana ito sa akin ng iyong lolo't lola. Noon, ayaw ko tanggapin ang pamana nila para sa akin. Pero, pinakiusapan ako ng Mama ko na tanggapin nalang ang natatanging maipapamana nila sa akin. Pagkatapos niya sabihin ang pakiusap niya sa akin, tinanggap ko nalang iyon. At naitanong ko rin sakanila kung puwede ko rin ipatira ang mga kapatid ko sa bahay na ito. Sabi niya, nasasa akin daw ang desisyon na iyon. Hindi naman ako madamot, so pinatira ko mga kapatid ko dito hanggang kailan nila gustuhin." sabi ni Mama. Kinuwento ni Mama ang lahat ng detalye kung saan nakuha at ano ang pinagmulan ng bahay na ito.
Pumasok na ulit sa loob si Mama at mukhang magluluto na ng umagahan. Habang ako nanatili sa labas at nagpahangin muna. Pagkalipas ng sampung minuto, tinawag na kaming lahat ni Mama para kumain. Nakaupo na silang lahat, pero ako ay nakatingin lamang sa mga pagkain. "Anak, maupo kana para makakain na tayo." sabi ni Mama sa akin. Hindi ko na alam gagawin ko. Panahon na ba para sabihin ko na ang buong katotohanan sakanila? sabi ko sa sarili ko. Parati nalang kasi ako gumagawa ng palusot tuwing kakain na. At simula nung mapansin nilang parati ako lumulusot tuwing kakain. Naghihinala na sila sa akin. Paano ba naman, kapag kakain na kami nagpapaalam ako na lalabas muna at tuwing uuwi na ako ng gabing gabi na.
Tinatanong ako parati ni Mama kung gusto ko ng kumain at ang sagot ko naman busog na ako. Kahit naman sino maghihinala sa pinag gagawa ko. Lalabas lang nang bahay pagkatapos ng mga ilang oras busog kaagad. Pero, sa tingin ko kailangan ko ng sabihin ang katotohanan sa kanilang apat. Nagbuntong hininga ako habang nakatingin lang sila sa akin. "May aaminin ako sa inyong apat. Hindi na ako tao simula nung outbreak at kasabay ng pagpatay ng mga sundalo sa lugar natin noon. Isa na akong--Bampira! " sabi ko. Buong tapang ko sinabi ang katotohanan sa kanila. Biglang, "Alam na namin, Anak. Tuwing lalabas ka ng bahay, sinusundan kita sa pinupuntahan mo. Doon sa kagubatan ka parati tumutungo tuwing aalis ka. At nang makita ko ang ginagawa mo sa kagubatan, I mean sa mga hayop sa kagubatan ay nakaramdam ako ng takot. Pero, dahil anak kita. Iniintindi ko nalang ang mga pinag gagawa mo. Wala na rin naman akong magagawa. Andiyan na iyan, hindi na mawawala iyan sa pagkatao mo. Kahit ano ka pa, Anak. Mahal na mahal ka namin." sabi ni Mama sa akin. Niyakap ako ni Mama, at umupo na siyang muli at nagsimula ng kumain kahit hindi ako kasabay. Natuwa ako sa mga sinabi ni Mama sa akin. Kahit na ganito na ako, inintindi parin ako ni Mama.
Oras na naman para ako ay maghunt ng makakain ko. Nagpaalam ako kila Mama at Papa na lalabas ako para maghunt ng makakain ko. Pumayag sila atsaka na ako tumungo sa gubat para maghanap ng makakain ko. Umakyat ako sa puno para makahanap ako ng isang deer o kahit na anong malaking hayop na pwede kong mainuman ng dugo. Aba, mukang busy mga hayop ngayon ah, sabi ko sa sarili ko. Sa tingin ko lang, mating season ngayon kaya walang hayop ngayon na nakakalat sa gubat. Siguro bukas nalang ako maghunt ng makakain ko. Rerespetuhin ko nalang ginagawa ngayon ng mga hayop sa gubat. Kung hindi dahil sa kanila, malamang wala na akong maiinumang dugo at mapipilitan akong uminom ng dugo sa mga tao.
Pero, kaya ko naman hindi makakain ng ilang araw kaso nga lang manghihina ako ng sobra. Kinabukasan, tumungo kaagad ako sa gubat pagkasikat palang ng araw at hindi pa bumabangon sila Mama, Papa, Joshua at si Jireh sa kama. Pagka-asikaso ko kaagad sa pagkain ko, umuwi ako kaagad para maihanda ko sila ng kakainin nilang umagahan. Pagkabalik ko sa bahay, gising na si Mama at si Papa. "Oh Richard, gising kana pala anak. Saan ka galing? Tinuloy mo ba paghunt mo sa gubat? " sabi ni Mama. "Opo tinuloy ko nga po, wala po kasi akong nahunt kahapon at mukhang mating season nila. Atsaka, hindi na po ako natutulog. Napansin ko po iyon simula nung maging ganito na po ako." sabi ko. "Ah, oh sige maya't maya lang gisingin mo na yung dalawa para makakain na. Magluluto lang ako nitong umagahan." sabi ni Mama sa akin. Pagkalipas ng kalahating oras (30 minutes) pinuntahan ko na sila Joshua at Jireh sa itaas para gisingin na sila.
Pagkagising ko sa kanilang dalawa, bumaba na kami at kumain na sila ng umagahan nila. Pinapanood ko lang silang kumain habang ako ay nakaupo lamang sa sala at nakatingin lamang sa kanila. Naisipan ko munang lumabas ng bahay. Pumunta ako sa kagubatan upang mag ensayo(training). Lumapit ako sa isang malaking bato, sinarado ko ang kamao ko at sinapak ko ang batong iyon. Gumuho ito na parang isang malaking bloke lamang ito ng yelo. Napangiti nalang ako at biglang may naamoy ako sa paligid, tao siya at mukhang hindi kalayuan sa kinatatayuan ko.
Sinundan ko ang naamoy ko at nakita ko ang isang lalaki na may buhat-buhat na forest deer habang sa kabilang kamay nito ang rifle na ginamit niya sa pagpatay. Kakaiba lakas ng lalaking iyon, sabi ko sa sarili ko. Hindi pangkaraniwan ang lakas na ganoon, buhat mo na ang forest deer sa balikat mo tapos may hawak ka pang baril sa kabilang kamay mo. Tumigil siya at tumingin sa itaas ng mga puno. Napansin niya kaya na nakatingin ako sa kanya? tanong ko sa sarili ko. Naglakad na siyang muli at ako naman ay bumaba na sa puno at nilapitan ko siya. "Brad, puwede bang magtanong?" sabi ko sakanya. Binitiwan niya yung mga hawak niya at sinubukan niya akong tamaan ng kamao. "Mabilis ka! Buti nalang at naiwasan mo ang ginawa kong pag atake sa iyo." sabi niya sa akin. Napangiti nalang ako sa sinabi niya. "Anyway, ako nga pala si Richard at kahanga-hanga ang lakas mo. Hindi pangkaraniwan ang katulad mo." sabi ko. Natahimik siya, "Hindi ko alam pinagsasabi mo. Umalis kana dito! " sabi niya sa akin atsaka siya umalis buhat ang pagkain niya at baril niya. Hindi ko na siya sinundan pa at baka magkaroon lang ng gulo kapag balakin ko pang sundan siya. Umuwi na rin ako pagka-alis niya.
Pagdating ko sa bahay namin, nag lilinis ng bahay si Mama habang si Papa ay nagsisibak ng kahoy sa likod bahay. "Oh, andito kana pala anak. Puwede bang paki lipat itong upuan sa banda roon. Lilinisin ko lang sana sa ilalim nun para wala ng alikabok at dumi." sabi ni Mama. Binuhat ko ang sopa at inilipat ko ito malapit sa pintuan ng bahay. Nakita ko itsura ni Mama at mukhang hindi siya nagulat sa ginawa ko, kalmado at walang halong takot sa reaksyon niya. "Buti Mama hindi po kayo nagulat sa ginawa ko." sabi ko. "Alam ko naman katangian ng isang ganyan, anak. At isapa, dun palang sa gubat nakita ko na lakas at bilis mo. Ito pa kayang sopa na may kabigatan lang. "sabi ni Mama at ngumiti siya sa akin. Pagkalipas ng apat na oras, nakauwi na ang mga kapatid ko galing sa eskwelahan nila. Nagmano sila kay Mama at Papa. Lumipas ng lumipas ang mga araw, namuhay kaming tahimik at malayo sa ibang tao. Napag isipan ko kung ano kaya magiging buhay ko sa siyudad. At may mga kakaibang tao kaya katulad namin doon. Masubukan ko nga mamuhay doon, isama ko na rin silang apat para isang pamilya kami na pupunta sa siyudad. Masaya ito!!
===========================
BINABASA MO ANG
Legendary Teens
Narrativa StoricaSa isang bayan may kumakalat na balita kung saan may mga Diyos daw na bumababa sa lupa upang tulungan ang mga tao sa binit ng kamatayan. Sa kabilang banda naman, may isang factory na gumagawa ng antidote para sa sakit ng presidente, at dahil walang...
