Nakita na nga ni Maynard ang hinaharap. Sa inaakalang matagal pa ito mangyayari ay biglang nag.iba ang ihip ng hangin. Sinimulan na ni Ghost ang kanyang plano na sakupin ang buong sangkatauhan. Nagpakalat na siya ng deadly virus sa hangin at kung sino mang makalanghap nito ay maaaring mamatay at mareincarnate bilang isang patay na sundalo(zombies in other term).
Ikinagulat ni Crimson ang mga nakikita niya sa balita. Hindi pa siya tapos sa mga plano niya pero ngayon ay parang naunahan na siya ng tadhana. Pinuntahan ni Crimson ang mga tauhan, ngunit nang tignan niya ang mga ito, nakita niyang nagpapahinga sila sa mga kuwarto nito. Dahil sa sobrang inis niya, ginising niya ang mga tauhan niya at pina.assemble sa may sala. "Gusto kong tignan niyong mabuti ang mga binabalita sa bawat parte ng mundo. Maraming tao ang namamatay kada oras. Ngayon, gusto ko malaman kung sino sa inyo ang may kagagawan sa mga nangyayari ngayon." galit na sinabi ni Crimson sa grupo nito. Biglang may naglakas loob na sumigaw nang, "Ako! Ako ang may kagagawan ng mga iyan." Napalingon si Crimson kay Dark Mage at sa summon nitong si Ghost. "Ikaw? Ikaw ang dahilan kung bakit nagkakagulo ngayon sa iba't-ibang parte ng mundo. Kung bakit marami ang namamatay kada oras. Ikaw na isa lang summon ang naglakas loob na suwayin ako. Ako na isang Diyos sa mundong ito." galit na sinabi ni Crimson kay Ghost. Biglang umilaw ang mga mata ni Ghost, kulay dugo at mukhang sabik sa karahasan. Nagkatitigan silang dalawa, nang biglang umilaw din ang mga mata ni Crimson. Sa hindi inaasahan, kinontrol na pala ni Ghost si Crimson at inutusan siyang burahin ang lahat ng mga memorya niya.
Pero, nanlaban si Crimson at pilit nitong pinipigilan ang pag.kontrol sakanya ni Ghost. Dahil mas malakas si Ghost kay Crimson, kinuha nalang nito ang kaluluwa niya at hindi na tinuloy pa ang pag.kontrol sa isipan ni Crimson. Naramdaman ni Crimson na nawalan siya ng kaluluwa sa katawan niya. Kaya naman pakiramdam niya na nanghihina siya at parang nawala sa pagkatao niya ang pagiging Diyos niya. "Anong ginawa mo sa akin? Bakit parang pakiramdam ko nawala ang lakas ko? " nanghihinang sinabi ni Crimson kay Ghost. "Paumanhin Lord Crimson pero kinuha ko na ang kaluluwa mo." sabi ni Ghost sakanya. Napaluhod si Crimson sa sobrang hina nito at pilit sinubukang hawakan si Ghost. "Akin na ang kaluluwa ko!! " galit na sinabi ni Crimson kay Ghost. Umalis na si Ghost at hinayaan nalang si Crimson na nanghihina sa base nila.
Sa isang hospital, sa loob ng morgue, inaayos na ng embalsamador ang katawan ng isang bata na namatay dahil sa hindi malaman na sakit na dumapo sakanya. "Kawawa naman itong batang ito. Maagang binawian ng buhay." sabi ng embalsamador. Nang biglang gumalaw ang isang daliri ng bata na inaayusan niya. Nilapitan niya ito upang pakinggan ang tibok ng puso ng bata, pero wala siyang narinig. "Gumalaw ba talaga siya o namamalik mata lang ako sa nakita ko. Hmm, nakakapagtaka naman." naguguluhang sinabi ng embalsamador sa sarili niya. Palabas na sana siya ng morgue nang biglang tumayo yung bata sa kinalalagyan nito. Napalingon yung embalsamador sa bata at nagulat ito nang makita niyang buhay na yung bata. "Bu-bu-buhay ka!! Isa itong himala." sabi niya. Pero, hindi umimik yung bata sa sinabi ng embalsamador. Nilapitan niya ito upang tignan ang katawan ng bata dahil sigurado siyang wala ng pulso at tibok ng puso ito.
Pagkatingin niya sa bata, nagtataka parin ito kung paano nabuhay yung bata samantalang wala parin itong pulso at tibok ng puso. Lumingon yung bata sa embalsamador, nang bigla niya itong atakihin at nagwawala sa ibabaw ng embalsamador. "Boy, tama na! " sabi nito sa bata habang nakahiga siya at patuloy pinipigilan yung bata sa pag.atake nito sakanya. Sa sobrang likot ng bata, nakagat siya nito sa may braso niya. "Argh! Bakit mo ako kinagat boy? " sabi niya. Patuloy lang sa pag.atake yung bata hanggang sa manghina yung embalsamador at dito na siya tinuluyan ng bata, kinain niya ang laman ng embalsamador.
Nangyari din ang pangyayaring ito sa buong parte ng mundo. Lahat ng namatay ay nabuhay at nagsimula ng apocalypse sa buong bansa. Sinubukan nilang pigilan ang mga sundalong patay(zombies) na ito, subalit hindi nila alam kung paano sila patutumbahin. Kahit na anong putok nila ng baril sa mga katawan nito ay hindi sila mamatay-matay.
Dahil sa mga kaguluhang nangyayari sa buong bansa, naalertuhan na ang League of Teens at kaagad sila gumawa ng aksyon laban sa mga ito. "Ano kayang nangyari dito? " tanong ni Lisha. Nilibot ko ang tingin ko sa buong paligid at inamoy ang hangin. "Amoy patay dito, at nararamdaman kong madami sila." sabi ko. Naglakad na kami sa siyudad na napuntahan namin. At habang naglalakad kami, nakuha pansin ni Maynard ang isang lalaki na mabagal na naglalakad malapit sa isang fountain. Tinawag ko ito at mabagal siyang lumingon sa akin. Tinitigan ko ang itsura niya at nagulat ako nang makita kong duguan at wala nang labi ito.
Tumakbo ito papalapit sa amin at sabay sigaw kong, "Zombie!! " Nabigla sila sa sinigaw ko atsaka sila nagsipagtakbuhan sa sobrang taranta. "Guys, huwag kayong tumakbo." sabi ko. Pero, patuloy parin sila sa pagtakbo upang magtago. Papalapit na yung zombie sa akin at nung malapit na siya, siya naman pagbali ko sa leeg nito. "Okay na mga pinsan! Patay na yung zombie! " sigaw ko. Nilibot ko ang tingin ko at sumigaw akong muli upang tawagin sila. "Pinsan? Nasaan na kayo? " sigaw kong muli habang naglalakad ako.
Patuloy lang ako sa paghahanap sa mga kasama ko, nang may lumabas na grupo ng mga zombie sa gilid ng isang restaurant. Nagtago kaagad ako pagkakita ko palang sakanila. "Grabe, ang dami nila." sabi ko. Nang biglang may nagtakip sa bibig ko at hinatak ako mula sa likuran ko. Pagkalingon ko, sila Lea, Joshua, at Jireh lang pala. "Mabuti nalang at ligtas kayo. Yung iba nakita niyo na ba? " sabi ko sakanila. Umiling lang sila at sinabi ni Lea na, "Naamoy ko sila pero hindi ko masundan-sundan kung saan. Dahil na rin siguro sa amoy ng buong paligid." Napatango ako sa sinabi ni Lea at sinabing, "Sang-ayon ako sa sinabi mo Lea. Kahit ako ay hindi ko malaman kung saan ako pupunta dahil iniistorbo ng amoy ng buong paligid ang lugar kung nasaan ang mga pinsan ko."
Nung mawala na ang grupo ng mga zombie. Dali-dali kaming lumabas sa kinatataguan namin at hinanap ang mga kasama namin. Pinuntahan namin ang isang garahe ng factory at nadatnan naming puno ito ng mga zombie. "Shit! Wrong house." sabi ko. Biglang tumakbo papunta sa amin ang mga zombie habang kami naman ay tumakbo na rin palabas ng garahe.
Habang tumatakbo kami, nakita ko sila Vince, Lisha, at Zyrus na nagtatago sa may cafeteria. Siya naman paghinto ko sa pagtakbo upang puntahan sila. "Saan ka pupunta Kuya? " tanong ni Jireh sa akin. "Pupuntahan ko sila Vince. Nakita ko silang nagtatago sa may cafeteria." sabi ko. Atsaka na ako tumakbo papunta sa cafeteria, sumunod naman sila sa akin. Pagkadating namin sa may cafeteria, lumapit na sa amin sila Vince. "Mabuti nalang nakita niyo kami. Akala namin hindi na kami makakalabas doon." sabi ni Vince sa akin. "Halika na kayo, habang malayo pa sila." sabi ko sakanila. Tumakbo na kaming muli at hinanap muli ang iba pa naming kasama.
Inabot kami ng halos tatlong oras sa paghahanap at hindi parin kami kumpleto magkakasama. Tinignan ko silang lahat, kulang parin kami ng limang kasama. "Wala pa sila Lance at Andrew." sabi ko. "Gayundin sila Michael, KC, at Maynard." sabi ni Joey. Napaisip kami kung saan namin sila hahanapin. Nang may marinig kaming sumabog malapit sa kinaroroonan namin. "Mukhang sila na iyon. Halika na kayo at puntahan na natin iyon." sabi ni Jeffrey sa amin.
Pinuntahan na namin ang lugar na iyon kung saan may narinig kaming sumabog malapit lang sa puwesto namin. Pagkarating namin sa lugar na iyon, nadatnan namin silang limang magkakasama at may kasama rin silang dalawang sundalo. "Lance! Michael ! " sigaw ko. Napalingon naman sila at dali-daling lumapit sa amin. "Kayo pala mga pinsan. Mabuti nalang at magkakasama na tayo nang sa ganoon ay matapos na natin ang mga kaguluhang nangyayari dito." sabi ni Michael. Umiling ako at sinabing, "Hindi ito basta-basta matatapos lang. Kailangan nating hanapin ang gumawa ng mga ito at konprontahin kung bakit niya ito nagawa." Biglang nagsalita si Maynard at sinabing, "Tama ka sa sinabi mo Richard na hindi ito matatapos hanggat hindi natin nahahanap ang may kagagawan nito, pero hindi ako sang-ayon sa sinabi mong konprontahin natin ang pasimuno sa mga nangyayari ngayon dito. Kasi isipin mo nalang ang gagawin niya sa atin one's na malaman niyang may pumipigil sa mga plano niya, eh kung isa sa atin ay maging espiya at alamin muna natin kung sino, at ano ang kakahayan ng mastermind na iyon. Kahit papaano nun ay makakapaghanda tayo, diba? "
Sang-ayon ako sa mga sinabi ni Maynard kaya naman, "Okay! Susundin natin ang plano ni Maynard at kapag nalaman natin kung sino mastermind sa lahat ng mga ito. Atsaka tayo gagawa ng aksyon laban sakanya. Pero sa ngayon ay prayoridad(priority) natin na ubusin ang mga nilalang na iyon at maghanap ng mga survivors katulad nitong dalawang sundalo na ito." Tumango silang lahat sa sinabi ko atsaka kaagad sinimulan ang top priority namin.
Magkakaroon pa kaya ulit ng katahimikan pagkatapos nitong apocalypse na ito. Kung oo naman, paano at kailan ulit makakabangon ang mga posibleng makaligtas sa bangungot na nangyayari ngayon. May kapayapaan pa kayang magaganap pagkatapos nito.
============================
BINABASA MO ANG
Legendary Teens
HistoryczneSa isang bayan may kumakalat na balita kung saan may mga Diyos daw na bumababa sa lupa upang tulungan ang mga tao sa binit ng kamatayan. Sa kabilang banda naman, may isang factory na gumagawa ng antidote para sa sakit ng presidente, at dahil walang...