CHAPTER 16: VACATION

95 1 0
                                    

Pagkalipas ng limang buwan, buwan ng Setyembre(September), nagkaroon na rin sa wakas ng pahinga ang League of Teens. Nabawasan na nila ang porsyento(percent) ng krimen sa bayan nila ng 78% at dahil dito binigyan sila ni Tony ng bakasyon upang makapag.relax sa mga ginawa nila. "Alright guys, dahil sa mga pinakita ninyong kasipagan sa paglutas sa mga krimen. Bibigyan ko kayo ng bakasyon at dahil dito kami na muli ang mag.hahandle. Pero, temporary lamang ito. Maliwanag ba guys? " sabi ni Tony. Sabay-sabay kaming humiyaw ng malakas dahil sa sobrang tuwa namin. Biglang may inabot sa amin si Tony. "Heto mga pass ninyo para sa vacation trip ninyo." sabi niya sa amin. Tinignan namin ang nakasulat sa pass. "Trip for two on Kingdom? Tony, ano ibig sabihin nito? " tanong ko sakanya. Napangiti siya sa tinanong ko. "Richard, pass iyan para makapasok kayo sa Kingdom namin. Tutal na.ikuwento na namin kayo sa Kingdom, ikinagagalak nila kayong makilala at sa pass na iyan siguradong papasukin nila kayo doon." sagot ni Tony. Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Tony, para bang nananaginip lang ako sa mga nangyayari ngayon. "Okay guys, one's na makapasok na kayo sa Kingdom namin. Kailangan magbigay galang kayo sa lahat ng mga tao dun dahil mas matanda sila sa inyo ng dalawang libong taon(2,000 yrs. old) kahit mga bata dun ay mas matanda sa inyo ng isang libong taon (1,000 yrs. old). At isapa, 1 araw sa Kingdom ay katumbas ng tatlong buwan dito sa earth. Iba kasi time difference sa Kingdom namin. So ibig sabihin lang nito, pagbabalik na kayo dito ay siguradong mag.papasko na nun." sabi ni Tony sa amin. "Wow." sabi ko sa sarili ko.

Naghanda na kami para pumunta sa Kingdom. "Have fun League of Teens! " sabi ni Aira. "Enjoy your stay! " sabi ni Lyan. "Huwag kayong mahihiya doon, welcome na welcome kayo doon. Pero dapat hindi mawawala ang respeto sakanila ha." sabi ni Ron. "Take care guys! " sabi ni Leon. "Well, dadalhin ko na kayo doon. Yung mga pass ninyo paka.ingatan ninyo ah." sabi ni Tony sa amin. Tumango nalang kami at nagpaalam na sakanila. Mga ilang sandali lang ay tineleport na kami ni Tony sa Kingdom nila.

Pagkalipas ng limang minuto, narating na namin ang Kingdom nila Tony. "Wow ! Ang ganda naman dito." sabi ni Jireh. "Astig! " sabi ni Vince. "Mga kasama! Tignan ninyo iyon." sabi ni Lea. Tumingin kami sa tinuturo ni Lea at nakita namin ang isang napakalaking gate na kulay gold. Lumapit kami sa gate na iyon at sabay katok(knock) ko sa may gate. Bigla itong bumukas at bumulaga sa amin ang napakagandang kapaligiran. "Can I help you? " tanong sa amin ng isang lalaki. Mukhang siya ang guwardiya sa gate na ito. "Heto po pala yung mga pass namin." sabi ni Lea at sabay abot sa lahat ng mga pass namin sa lalaking iyon. Kinuha ng lalaking iyon ang mga pass namin atsaka kami tinignan. "So kayo pala ang mga League of Teens." sabi niya sa amin. "Ahm, opo kami nga po iyon." sabi ni Lea sakanya. Ngumiti yung lalaki at sinabing, "Ano pang hinihintay ninyo? Pasok na kayo sa loob." Nagtinginan kami sa isa't-isa atsaka pumasok na sa loob. "Grabe, ang laki dito sa loob at ang linis tignan." manghang(amaze) sinabi ni Renielle. "Welcome League of Teens sa Kingdom of Zeus! " sabi nung lalaki. "Zeus? As in God of Lightning? " sabi ko. Tumango yung lalaki at sinabing, "Tama ka roon. Isapa, anak ni Zeus si Tony na mas kilala rito sa Kingdom na Thor." sabi niya sa akin. Nagulat ako sa sinabi niya sa akin. Si Tony ay anak ni Zeus. At si Tony ay mas kilala rito sa Kingdom na Thor? Unbelievable, bulong ko sa sarili ko. "Well, ganun rin sinasabi ng iba kay Tony na hindi sila makapaniwala na ganun pala ang tunay niyang pagkatao. Sa totoo lang hindi lang kayo ang nakapasok dito sa Kingdom, siguro mga tatlo o hanggang apat na bisita(visitor) na ang nakakapunta dito. But, anyway tara na at nang mai.tour ko na kayo sa buong Kingdom." sabi niya. Habang naglalakad kami, nagtataka ako kung paano niya nalaman ang mga sinabi ko sa isipan ko. Pero, kinalimutan ko na iyon at tinuon ko na ang konsentrasyon(concentrate/focus) ko sa tour namin.

Nang malibot na namin ang buong Kingdom, hinayaan na kami ng bantay na magsaya sa buong Kingdom. "Okay guys, sinabi na sa atin nang tagapag.bantay na feel free to roam. Ibig sabihin nun ay--" putol ko na sinabi. "Ibig sabihin nun ay--" putol din sinabi ni Lea. "Puwede na tayo mag.relax!! " sabay na sinabi nila Lisha at Jireh.

Biglang may lumapit sa amin, grupo ng mga kababaihan. "Sino po sainyo gusto kumain na? " tanong ng isang babae sa amin. "Well, ako gutom na. Guys, kayo ba gusto niyo na bang kumain? " sabi ko. "Sure, why not? " sabi ni Jeffrey. "Dito po tayo." sabi nung isang babae. Sinundan namin sila hanggang sa makarating kami sa isang malaking palasyo na punong-puno ng mga guwardiya. "Kaninong palasyo ito? " tanong ni Vince sakanila. "Heto ang palasyo ni Lord Thor at gayundin palasyo ng ama niya." sagot niya kay Vince. "Ah, eh, Miss, excuse me lang pero puwede ba namin malaman pangalan mo nang sa ganoon ay matawag namin ikaw ng maayos." sabi ko sakanya. Humarap siya sa akin, gayundin ang mga kasama niya. "Ako si Rosea, ang asawa ni Lord Thor." sabi niya sa amin. Nabigla kami sa narinig namin. "Bakit Lord Thor tawag mo sa asawa mo? " tanong ni Danielle kay Rosea. "Kapag andito kami sa loob ng palasyo niya. Lord ang tawag namin sakanya bilang pag.galang sakanya. At tinatawag ko lang siya sa pangalan niya kapag nasa tahanan na namin kami." sagot niya. "Kahit mapa.sino man ito? Kahit kapatid o anak? " tanong ko sakanya. Tumango lang ito at sinabing, "Mismo, ganun na nga." Napa.ahh nalang kami sa mga sinabi niya sa amin. "My lady, ayos na po mga pagkain sa hapagkainan. Maaari niyo na po silang ayain na kumain." sabi nung isang babae. "Thank you Valentine! Well, halika na kayo sa dining area nang sa ganoon ay makakain na tayo." sabi ni Queen Rosea kay Valentine at sa amin.

Lumipas ang halos tatlong oras sa Kingdom, na halos nakakain na kami, nakapag.relax na rin, at nakapanood na rin ng pakikipaglaban nila sa isa't-isa. Dahil dito, isa lang masasabi ko sakanila, walang hihigit sa katapangan nila at kung gaano sila kagaling pagdating sa pakikipaglaban. "Oh paano League of Teens. Meron na lamang kayong natitirang apat na oras. Gawin niyo na mga gusto ninyo sa Kingdom. Andoon yung kainan, doon naman yung hall kung saan puwede kayo uminom ng wine, at banda roon naman ang mga tagapag.silbi namin kung saan puwede niyo silang utusan na kahit ano." sabi sa amin ni Queen Rosea. "Alright! " sigaw ni Vince. "Dun muna ako sa mga tagapag.silbi, masakit katawan ko. Papamasahe lang ako sakanila." sabi ko. "Hep hep, saan ka pupunta Richard? Huwag mo ng balakin magpalusot pa. Halika samahan mo ako sa may hall. Iinom tayo ng wine." sabi ni Lea sa akin at sabay hatak papunta sa Hall. "Pero Lea, masakit talaga katawan ko." sabi ko habang naglalakad kami papunta sa hall. "Ako nang magmamasahe sa iyo. Kaya huwag kang mag.alala." sabi ni Lea sa akin. Wala akong magawa kundi sumunod nalang sakanya.

Pagkalipas ng apat na oras, nagawa na namin ang lahat ng mga gusto namin. Kasabay na rin ng pag.relax namin sa buong magdamag. "It's time to go home League of Teens." sabi ng tagapag.bantay sa amin. "Paano ba yan, oras na para umuwi na kayo." sabi ni Queen Rosea sa amin. Nag.bigay pugay kami kay Queen Rosea at nagpasalamat sakanya. Lalong-lalong na sa mga ginawa niyang pagtulong sa amin kahit na panandalian lamang kaming nag.istay sa Kingdom nila. "Take care League of Teens! " sabi ni Queen Rosea. Nagpaalam na kami sakanya at tuluyan ng nag.teleport pabalik sa mundo namin.

Mga ilang saglit lang ay nakabalik na kami sa mundo namin. "We're back! " bigkas ni Zyrus. "Oh andiyan na pala kayo. Sineset up lang namin itong christmas tree dahil ilang araw nalang ay pasko na." sabi ni Tony. "Bakit anong araw na ba ngayon? " tanong ko sakanya. "December 21st. " sagot niya. Nagulat ako sa sinagot niya, hindi ako makapaniwalang totoo nga na tatlong buwan ang lilipas kapag isang araw kami sa Kingdom nila. "Well, how's your day to our Kingdom? " tanong ni Lyan sa amin. "Fair enough. Masaya at nag.enjoy kami." sagot ni Lea. "Na.meet din namin asawa mo Tony. At sobrang bait niya sa amin." sabi ni Lisha. Napakamot siya sa ulo niya at napangiti, "Ganoon lang talaga si Rosea. Magaling, mabait, at maalalahanin. Pero, ang pinagtataka ko lang kung bakit siya lumabas ng kuwarto niya. Eh, bihira lang lumabas ng kuwarto iyon. Puwera nalang kung espesyal ang bisita niya, dun lang siya lumalabas ng kuwarto. Hindi kaya tinuring niya kayong espesyal na bisita kaya siya lumabas sa kuwarto niya? " sabi ni Tony. Natahimik kaming lahat sa mga pinagsasabi niya sa amin. "Di bale na nga." sabi ni Tony.

Ngayong araw na ito ay naging makasaysayan, una dahil nakapunta kami sa Kingdom nila Tony, pangalawa dahil nagkaroon kami ng pahinga sa mahabang panahon na paglutas namin sa mga krimen, at pangatlo ay nakilala namin ang asawa ni Tony na si Queen Rosea at siyempre natuklasan rin namin na Thor ang tunay na pangalan ni Tony. Ano pa kaya naghihintay sa amin sa mga susunod na araw. Sana maging ganito din upang tumatak sa mga isipan namin ang mga ala-alang ito na sobrang ganda at imposibleng makakalimutan namin. I can't wait for the next part of our happy times.

============================

Legendary TeensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon