CHAPTER 3: THE DAYS WE HAD

322 5 0
                                        

Nilapitan ko si Mama, tinanong ko sakanya kung gusto ba nilang maranasan ang buhay sa siyudad. Nag alinlangan siyang sumagot, pasagot na sana si Mama pero siningit ko na, " Bago po kayo hindi sumang ayon sa gusto ko po. Subukan niyo po muna ang inaalok ko, baka saka-sakali magkaroon pa po kayo ng kaibigan doon at hindi tayo-tayo lang ang parating nag-uusap. Ayaw niyo po nun? Makikita niyo na po ang siyudad at sa pagkakataon na ito mas maayos at iba sa naranasan natin po noon." sabi ko kay Mama. Nang makumbinsi ko na si Mama, sinabi niyang susubukan daw niya mga sinabi ko. Natuwa naman ako sa sinabi ni Mama. Mga ilang araw ang lumipas bago nakapaghanda na kaming umalis sa lugar na ito. Mga ilang oras lang biyahe namin bago kami nakarating sa siyudad. Katulad ng suspetsiya ko, maganda, madami tao, at ang tataas ng mga gusali. Naghanap kami ng mauupahan na apartment. Subalit wala kaming makita, kaya sa isang hotel nalang muna kami maninirahan. Tutal mura naman ang bayad sa kwarto. Nahiga na ako sa kama, habang sila Mama at Papa ay inayos ang mga gamit namin. "Richard, tulungan mo naman kami sa pag ayos ng mga gamit natin. Tutal mabilis ka naman kumilos eh. " sabi sa akin ni Mama. Tumango naman ako at tinulungan ko na sila sa pag aayos. Mga 2 minuto lang, nakalagay na sa mga kabinet ang damit at kung anu-ano pa dala namin. " Salamat Richard!" sabi ni Mama. "Wala po iyon, hehe" sabi ko kay Mama. Pagkatapos ko matulungan sila Mama at Papa sa pag tabi ng mga gamit namin. Bumaba muna ako para maglibang.

Nang nasa ground floor na ako, may lumapit sa akin, "Ahm excuse me, bago lang ba kayo dito sa hotel? Kasi matagal na ako naka stay dito at parang ngayon lang kita nakita dito. " sabi niya sa akin. "Oo, bago lang ako dito. Actually, kaka acquire lang namin ng kwarto ngayon." sabi ko sakanya. Inangat niya ang kamay niya, "Ako nga pala si Lyan." sabi niya. "Ako si Richard. Nice meeting you. " sabi ko. "Bye Richard!" sabi ni Lyan atsaka umalis. Kakaiba ang pakiramdam ko sa babaeng iyon. Parang hindi siya pangkaraniwan tao, mukhang gifted din siya. Pagkaalis ni Lyan, pumunta ako sa may cafeteria, tumambay muna sa may upuan. "Andito ka pala Kuya. Tawag ka ni Mama, may papabili ata sa iyo." sabi ni Joshua. Dali-dali akong umakyat, ilang segundo lang nasa kwarto na ako. "Ano po iyon Ma?" tanong ko kay Mama. Inabot niya ang pera sa akin, "Samahan mo si Papa mo sa mall. Bumili kayo ng ulam natin. " sabi ni Mama sa akin. Napahawak ako sa noo ko, "Ma, hindi na po kailangan pa mag grocery. May cafeteria po sa ibaba, dun nalang po tayo kumain." sabi ko. "Magastos iyon, Anak. Bumili nalang kayo ni Papa mo kaysa gumastos pa tayo araw araw." sabi ni Mama. Hindi na ako tumanggi pa sa halip pumunta na kami ni Papa sa mall para mamili ng makakain namin sa grocery.

Habang naghahanap kami ng mga pagkain nila, napansin ko yung isang lalaki malapit sa cashier na parang nakita ko na siya. Nung medyo tumagilid ito, namukhaan ko siya at nakilala ko kung sino siya. Siya yung nakita ko sa kagubatan, yung may kakaibang lakas na hindi pang karaniwan sa normal na tao. Nang tapos na sa pagkuha ng pinamili si Papa, dun din mismo kami sa cashier kung saan sila nagbabayad. Tinawag ko ito, "Excuse me Brad! " Atsaka ito lumingon, nabigla siya ng makita niya ako. "Ikaw na naman! " sabi niya sa akin. Biglang lumingon ang mga kasama niya sa amin, dalawang lalaki at isang may edad na babae. "Anak, kilala mo ba siya? " tanong nung babae sa sinasabi niyang Anak. Umiling yung kausap niya, "Nagkita lang kami sa kagubatan nung nangangaso ako. Hindi pa kami magkakilala pero gusto niya malaman kung sino ako." sabi niya. Mga ilang sandali lang, nagteleport sila Joshua, Jireh at Mama sa likuran namin.

"Anak, may ipapabili pa pala ako--" bitin na sabi ni Mama atsaka niya tinignan yung babaeng nasa harapan namin sa pila. "Sis? Ikaw ba yan? " sabi ni Mama sa babae. Napatingin naman siya, "Aba Sis, tignan mo na naman ang pagkakataon. Mga Anak mo ba iyan tatlo? " sabi ng kapatid ni Mama ko. Tumango si Mama atsaka pinakilala kaming lahat pati na rin si Papa. Tinaas ng isang lalaki ang kamay niya, "Ako nga pala si KC! " sabi nito. "Michael ! " sabi niya. "At ako si Maynard! " sabi din niya. So, Michael pala pangalan niya at ano ito? Hindi lang si Michael ang extra-ordinary ah. sabi ko sa sarili ko. "Gifted pala kayong tatlo. Parang kami ng mga kapatid ko. " sabi ko sakanila atsaka ako ngumiti. Nagulat sila sa narinig nila at sabi pa nila sa isipan nila kung paano ko nalaman mga iyon. "Naririnig ko mga nasa isipan ninyo. Wala kayong maitatagong sekreto sa akin puwera nalang kung wala kayong iisipin. " sabi ko. Hindi na sila tumangi pa at inaming totoo mga sinabi ko. Pagkatapos namin magbayad ay inaya namin silang kumain sa restaurant upang maging close pa kaming lahat sa isa't isa lalo na sa mga panahon na hindi namin sila nakita at nakilala.

Legendary TeensMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon