CHAPTER 13: ILLUSIONS BECOMES REALITY

122 1 0
                                    

Dumating na ang takdang panahon upang harapin na si Crimson at mga ka.grupo niya. Naghahanda na ang League of Teens sa madugong bakbakan na magaganap. "Okay. Guys, handa na ba kayo? " sabi ni Tony sa amin. Hindi kami nakasagot dulot na rin ng matinding takot. "Huwag kayong matakot. Protektado(protected) kayo ng God bracelet, kahit ano pa man gawin nila sa inyo ay hindi kayo mamamatay. Sugat, galos, at pagod lang ang problema ninyo. Kaya cheer-up at kaya niyo yan." sabi sa amin ni Tony. "Paano si Crimson? Sino makakatapat sa lakas niya? " tanong ko. "Kami ng bahala sakanya. Ang alalahanin ninyo ay yung mga ka.grupo niya." sabi ni Tony. Natahimik ulit kami at hindi alam kung magagawa namin silang talunin. "Oh paano, pupunta na tayo sa kinaroroonan nila Crimson." sabi ni Tony. Tumango nalang kami sa sinabi niya. Mga ilang saglit lang ay nagteleport na kami kung nasaan sila Crimson ngayon.

Sa kasalukuyan, nagkalat na sa buong paligid ang mga grupo ni Crimson. Yung iba nananakot ng mga sibilyan, yung iba naman ay nagdudulot ng delubyo sa mga ari-arian at tinutuluyan ng mga sibilyan. "Please, maawa po kayo sa amin. Huwag niyo po kami saktan." nagmamakaawang sinabi ng sibilyan kay Magma. "Sorry Miss, wala akong alam na salitang awa." sabi ni Magma at sabay tinakot gamit ang ability niya. Tumakbo kaagad ang sibilyan dahil sa ginawa ni Magma. "Magma, dapat hindi mo na siya tinakot, dapat tinuluyan mo na siya." sabi ni Crimson. "Sorry Boss, hindi na po mauulit." sabi ni Magma. "Good! " sabi ni Crimson.

Pagkalipas ng limang minuto, nakarating na ang League of Teens sa site kung nasaan sila Crimson. "Medyo napatagal ata yung pagteleport natin ah. Anong problema Aira? " sabi ni Tony. "Sorry! Wala kasing hangin dito, kaya kailangan ko munang maghintay ng kaunting ihip ng hangin para magamit ko iyon sa pagteleport natin." paliwanag ni Aira. "Ay ganun, sige di bale nalang. Tara na, puntahan na natin sila Crimson." sabi ni Tony. "Boss, may paparating. Isang malaking grupo sila." sabi ni Sight. "Magaling! Mukhang napansin na tayo ng League of Teens." sabi ni Crimson. "Ikaw ba pinuno ng grupo na ito? " sabi ng isang lalaki. "At bakit mo naitanong? Sino ka bang pangahas ka? Ang lakas rin ng loob mo lumapit sa akin." galit na sinabi ni Crimson. "Ako po pala si Jonathan also known as Deck. Ability ko ay mula sa mga cards. The less card I hold on this deck of cards, the stronger it goes Boom! " sabi ni Deck. "Which means nag.proproduce ng explosion ang bawat piraso ng cards na hawak mo." sabi ni Crimson. "Yes Sir, at gusto ko po sana sumali sa grupo ninyo." sabi ni Deck. "At sino naman iyang kasama mo? " tanong ni Crimson. "Kasama? " pagtatakang sinabi ni Deck. Lumingon siya sa likuran niya at nakita niya ang isang bata na nagtatago sa  may likuran niya. "Hindi ko po siya kasama. Sandali lang po at tatanungin ko siya." sabi ni Deck. Lumingon si Deck kung nasaan yung bata. Kinausap niya ito at kung bakit siya nagtatago sa likuran nito. "Ako si Goliath. Natatakot ako sakanya eh." sabi niya. "Ilan taon kana Goliath? " tanong ni Deck sakanya. Inangat niya ang kamay niya at ini.angat ang limang daliri. "Ah, 5 yrs. old kana pala. Bakit nandito ka? Mapanganib dito." sabi ni Deck sakanya. Biglang nagalit si Goliath at dahil dito nag.transform siya sa isang napakalaking tao, humigit dalawampung talampakan(more than 20 feet) ang taas niya. "Wooh, ang laki niya." sabi ni Sight. "Hmm, iyan siguro ability niya at sa tingin ko gusto niyang sumali sa grupo ko. Sige, pasok na kayo sa grupo ko. Kayo ang karagdagang guwardiya ko. Maliwanag? " sabi ni Crimson. Tumango silang dalawa at nagbigay pugay kay Crimson.

Patuloy parin naghahanap ang League of Teens sa buong paligid at kahit saan sulok sila maghanap ay hindi makita sila Crimson at mga ka.grupo nito. "Kanina pa tayo paikot.ikot dito. Mukhang wala naman sila dito." sabi ni Lisha. "Justine, subukan mo nga tanggalin ang ilusyon." sabi ko. "Tanggalin ang ilusyon? Anong ibig mong sabihin? " tanong niya sa akin. "May pakiramdam akong binulag nila tayo gamit ang isang ilusyon." sagot ko. Nag.alinlangan siyang gawin pero ginawa niya ang inutos ko sakanya. Kung paano niya tinatanggal ang ability niya na gumawa ng illusion ay ginawa niya sa bulong paligid. At mga ilang sandali lang ay lumitaw na lahat ng mga tao at ang mga gusali ay wasak na at nasusunog. "Aba, tama ka nga sa pakiramdam mo Kuya Richard. Nabulag nga tayo ng ilusyon nila." sabi ni Justine. "Paano mo nalaman nasa ilusyon tayo? " tanong ni Tony sa akin. "May naaamoy kasi akong mga dugo sa buong paligid. Kaya, naghinala na ako na may mali sa lugar na ito." sagot ko. Nagtaka siya sa sinagot ko. "Huwag ka ng magtaka Tony. Sige, mamaya pagkatapos ng laban ipapaliwanag ko sayo." sabi ko.

Legendary TeensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon