CHAPTER 17: CHRISTMAS EVE

97 2 2
                                    

Pagkalipas ng tatlong araw, December 24. Nung gabing iyon bandang alas-otso(8pm), abalang-abala na kami sa pag.aayos ng mga pagkain para mamaya at sa mga regalo na ilalagay sa ilalim ng christmas tree.

Habang gumagawa ako ng hot choco para sa aming lahat, napansin ko ang coordination nila sa isa't-isa. Lahat sila ay nagtutulungan sa bawat isa. "Richard, ano iyang tinitimpla mo ha? " tanong ni Lisha sa akin. "Hot choco para sa lahat. Sigurado akong nalalamigan na kayo, kaya heto gumawa ako nito para mainitan kayo kahit papaano." sagot ko. "Sige, mamaya nalang ako kukuha niyan kapag tapos na ako dito sa niluluto ko." sabi ni Lisha. Tumango nalang ako at sinabing, "Sige lang."

Kumuha na ako ng isang baso sa mga ginawa ko at umupo sa may sala na katapat lang ng t.v. at fireplace. Painom na sana ako nang biglang tawagin ako ni Joshua. "Kuya, patulong naman buhatin ang mga ito sa attic." sabi niya sa akin. Napakunot ako ng noo at sinabi sakanya na, "Kung kaya mo naman mag.teleport papunta sa malalayong lugar. Malamang pati mga iyan ay kaya mong dalhin sa attic kahit ikaw lang mag.isa." Natahimik siya sa sinabi ko, at biglang, "Oo na nga lang. Tinatamad lang naman kasi akong mag.teleport eh." Atsaka na siya nag.teleport papunta sa attic. "Sus, dalawang sopa at isang lamesa lang ay hindi niya pa magawang i.teleport. Tsk, napaka.tamad talaga pagdating sa gawaing bahay." bulong ko sa sarili ko.

Maya-maya lang tumabi na si Lisha sa akin at umiinom na rin ng hot choco. "Ahh, sarap ng hot choco. Galing mo gumawa, Richard." sabi ni Lisha sa akin. "Naku, naparami ata nalagay kong sugar." sabi ko at sabay tawa. Pati si Lisha ay napatawa na rin.

Pagkalipas ng mga oras, five minutes nalang at christmas na. "Oh mga pinsan, nakahain na ang mga pagkain. Halina kayo at kumain na tayong lahat." sabi ni Johanna sa amin. Umupo na kaming lahat, kasama lahat ng mga magulang ng bawat isa. Sila Tony, Leon, Lyan, Ron, at Aira ay nakisalo na rin sa amin.

Pagtung.tong ng alas-dose(12mn), nagbatian na kami ng Merry Christmas sa isa't-isa at nagpalitan na ng mga regalo. "Merry Christmas Richard! " sabi ni Lyan sa akin at sabay abot sa regalo niya. "Thanks Lyan! Merry Christmas too! " sabi ko sakanya. "Lyan, heto nga pala regalo mo. Ako nakabunot sa'yo." sabi ni Tony at sabay abot sa regalo niya kay Lyan. "Zyrus, Merry Christmas! " sabi ko sakanya at sabay abot sa regalo ko para sakanya. "Wow! Thank you Kuya Richard! " sabi ni Zyrus at sabay yakap ng mahigpit sa akin. Napapigil ako sa paghinga dahil sa yakap niya. "O-kayy Zy, masyadong mahig-pit-argh ang yakap mo." sabi ko sakanya. Biglang binitawan na niya ako sa pagkakayakap at humingi siya ng paumanhin sa'kin, "Ay, Sorry Kuya! Nadala lang ng sobrang tuwa." Umiling lang ako at sinabing, "Okay lang yun Zy." Atsaka ako ngumiti. "Solido yakap ni Zyrus, ang lakas at ang sakit." bulong ko sa sarili ko.

Lahat kami ay nakapagbukas na ng mga regalo. Nang biglang naalala ko na kailangan ko na pala uminom ng dugo. Simula nung pumunta kami sa Kingdom, hindi na ako naka.inom ng dugo. Kailangan pa naman ng katawan ko iyon kahit isang beses lang sa isang buwan. "Lea ! " tawag ko. Napa.tingin siya sa'kin at sinabing, "Ano iyon Richard? " tanong niya sa akin. "Kailangan ko ng dugo. Nakakaramdam na ako ng pagka.uhaw sa loob-looban ko." sabi ko sakanya. Nagulat siya sa sinabi ko atsaka siya lumapit sa akin. "Paano nian Richard, eh wala kang maha.hunt na forest deer ngayon. Umuulan pa naman ng yebe(snow) ngayon." sabi ni Lea sa akin.

Napa-isip ako kung ano ang gagawin ko. Biglang napansin ko si Vince na nakatingin sa amin at mukhang may gustong sabihin. Lumapit ito sa amin, "Kanina ko pa kayo naririnig. Gusto niyo bang pahintuin ko yung pag.ulan ng yebe? " sabi ni Vince sa amin. Nagtinginan kami ni Lea at mukhang magandang plano nga iyon. "Pero Vince kaya mo na bang gawin iyon? " tanong ko sakanya. "Well, subukan natin. Wala naman mawawala kung susubukan eh." sagot ni Vince. Tumango nalang kami atsaka lumabas na.

Nagpunta kami malapit sa kagubatan atsaka sinubukan ni Vince na patigilin ang pag.ulan ng yebe. Napahinto nga niya ang pag.ulan at ako naman ay namangha sa ginawa ni Vince. "Wow! Pati natural weather ay kaya mo ng kontrolin." sabi ko. "Pati nga ako nagulat sa ginawa ko eh. Ang alam ko talaga hindi ko kaya kasi based on natural weather or kusang dumating ang panahon na ito." sabi ni Vince sa akin atsaka napangiti sa nagawa niya. Tinapik kami sa mga balikat namin ni Lea at sinabing, "Halina kayo! At Vince, masasaksihan mo na kung paano kami maghunt at kumain." Dahil sa sobrang excited, napasigaw si Vince ng malakas. "Ayos! " sigaw ni Vince. "Sshh, quiet ka lang." sabi ni Lea. Natawa si Vince at sabay hingi ng paumanhin, "Ooppss, Sorry! Di ko sinasadyang mapalakas." sabi nito.

Legendary TeensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon