Nalaman na nga ni Richard ang buong katotohanan sa likod ng mga plano ng Death Guild. Pinamumunuan na ito ng bagong panginoon at lider, at siya si Ghost. Pero, dahil rito nagawa ni Richard na makatakas sila sa pagkabihag sakanila ng Death Guild at kasalukuyang pupuntahan na ang mga iba pang kasama nila.
Magteteleport na sana sila pabalik sa base nila ng biglang may naamoy si Richard mula sa kinatatayuan nila. "Ano iyon Kuya? " tanong ni Joshua sa akin. Tumingin ako sa buong paligid, nang may makita akong pintuan malapit sa meeting area ng Death Guild. "Dito ata ang tamang labasan sa basement na ito." sabi ko. "Halina Kuya, magteteleport nalang tayo." sabi ni Joshua sa akin. Umiling ako at sinabing, "Hindi puwede, grounded ang ability mo rito." sabi ko sakanya. Nagtaka siya sa sinabi ko, kaya pinaliwanag ko sakanya ang buong detalye sa mga sinabi ko. "Grounded ang ability mo rito kasi may nilagay silang curse seal sa sahig, sa madaling salita bawal ang normal abilities puwera sa amin ni Lea, dahil isang sumpa(curse) ang pagkatao at ability namin." Napatango nalang siya sa mga pinaliwanag ko.
Binuksan ko ang pintuang iyon atsaka kami umakyat papunta sa high-grounds. Habang papalapit na kami sa labasan, may naririnig akong ingay na nagmumula sa labas ng hideout. Pagkarating namin sa labasan, nadatnan namin ang mga kasama namin na nakatayo at mukhang mag.iisip ng plano kung paano kami mahahanap. "Andito pala kayo mga pinsan. Halina kayo, alam ko na ang buong plano ng Death Guild." sabi ko sakanila. "Saan kayo nang.galing? Iniisip namin kung paano kayo hahanapin eh." naguguluhang sinabi ni Jeffrey sa amin. "Basta, ikukuwento ko nalang mamaya kapag napuntahan na natin ang Death.Guild." sabi ko. Tumango nalang sila atsaka na kami umalis.
Pagkateleport namin sa kinaroroonan ng Death Guild, ikinuwento ko na sakanilang lahat ang buong detalye sa mga nangyari sa amin. "Mabuti nalang at umepekto itong mga suits natin sa ginawang pag.mind-control ng bago nilang panginoon." sabi ni Lance. "Oo nga, kung hindi siguradong mas malakas na ang Death Guild nun." sabi ni Lisha. "Okay guys, magsipaghanda na kayo. Hindi natin alam kung susugod na sila nian." sabi ni Tony.
Biglang may lumitaw mula sa likuran nila at galing sa kadiliman. Nagulat sila Lea at Joshua nang makita nila si Blast na buhay pa ito, kahit na binalian ko na ito ng leeg. "Sabi na at buhay ka pa eh. Tama nga narinig ko habang umaakyat kami sa elevator papuntang high-grounds, sana tinanggal ko nalang ulo mo pagka.bali ko sa leeg mo." sabi ko. Natawa si Ghost sa mga narinig niya, at biglang sinabi niya na, "Kahit tanggalin mo ulo ni Blast, mga ilang sandali lang ay siguradong babangon siyang muli. Kung ang Godlike powers nila ay kayang magbigay ng sobrang bilis na regeneration sa mga napinsala sa mga katawan nila, ito namang Devil-like powers nila ay gagawin silang imortal, babangon sila ng babangon mula sa kamatayan." Natakot na kami sa mga sinabi ni Ghost, dahil dito pinalakas ni Tony ang loob namin atsaka sinabi na, "Kaming mga Diyos ang bahala sa inyo League of Teens, kaya wala kayong dapat ikatakot. Isapa, heto nang muli ang God bracelet ninyo. Pasensiya na kung nagsinungaling ako sa inyo tungkol dito, nagtatagal lang itong God bracelet ninyo one's na mailigtas na niya kayo sa kamatayan. Sa madaling salita, isang beses lang kayo maaaring iligtas nito sa kamatayan." Atsaka sila humarap sa mga kalaban.
Tinignan kaming lahat nila Tony, Leon, Lyan, Ron, at Aira na para bang sinasabi nila na handa na silang masawi sa laban na ito. "League of Teens, alagaan ninyo ang mga sarili ninyo ha." sabi ni Tony. "Dapat parati kayong nakangiti, kahit anong mang sitwasyon ito." sabi ni Lyan. "Teka lang, ano ba mga pinagsasabi ninyo? Huwag niyo sabihin na isasakripisyo(sacrifice) niyo ang mga buhay ninyo para lang mailigtas kami sa laban na ito." sabi ko. Natahimik sila at hindi sumagot sa mga sinabi ko sakanila. "Tapos na ba kayo magpaalam sa isa't-isa? Kasi naiinip na rito ang mga kasama't alagad ko." singit ni Ghost sa usapan namin. Biglang lumitaw ang Solar eclipse pagkatapos magsalita nito. "Akalain mo nga naman oh, may Solar eclipse pala." sabi ni Lycan. "Masaya ito! Hmm yummy!! " sabi ni Slow. "Rock on!!! " sabi ni Quake. Habang kami naman ay nag.aalala na, kasi nagsisimula ng magloko ang mga abilities ng mga pinsan ko at mga kapatid ko. "Lea, paano na nian? Mukhang tayong dalawa lang ang hindi apektado sa Solar eclipse." sabi ko sakanya. "Oo nga Richard, paano nga nito." sabi ni Lea sa akin.
Napatingin si Tony sa mga pinsan ko at nagtaka ito sa mga nangyayari sakanila. "Imposible! Paanong tumagos ang weaknesses nila habang suot ang mga suits nila. Hindi kaya? " sabi ni Tony. Lumingon siya kay Ghost at sinabing, "Doom? DarkLord Doom? " Napahalakhak si Ghost sa sinabi ni Tony, kung kaya naman inutusan na niya ang mga kasama't alagad niya na sumugod sa amin. "Tama ka roon Tony, o mas kilala bilang God Thor. Ako lang ang may kakahayang mag.negate ng mga suits na iyan, at alam kong gawa iyan sa purong bakal ng hammer mo at may basbas din ng tatay mo na si Zeus. At dahil alam ko kung paano pahinain ang silbi ng mga suits na iyan, nilagyan ko ng sumpa(curse) ang Solar eclipse na iyon upang makatagos ito sa mga armor nila." sabi ni Ghost kay Tony atsaka siya napahalakhak ng malakas. Nainis na si Tony dahil sunod-sunod ang mga kamalasan na nangyayari sa grupo namin at sakanila.
Papalapit na sa amin ang buong miyembro ng Death Guild, gayundin ang mga alagad ni Ghost. Hindi na namin alam kung anong gagawin namin. Tuluyan ng nawala ang mga abilities ng mga pinsan ko at ganun din sa mga kapatid ko, ngunit si Lance ay mukhang hindi apektado ng Solar eclipse. Kaya naman agad itong sumipol nang halos malapit na sa amin ang Death Guild. Nang marinig nila ang sipol ni Lance, bigla silang napahinto atsaka napatumba sa dinaramdam nila. "Argh! Walang akong makita! Wala din akong marinig! " sigaw ni Gravity.
Nabigla si Ghost sa mga nakikita niya, hindi niya aakalain na may magpapahirap sa laban nila laban sa amin, sa aming League of Teens. Kung kaya naman, tinawag niya si Crimson mula sa ibang dimension at ikinagulat namin ang bagong itsura nito. "Hello League of Teens! Miss me? " sabi ni Crimson sa amin. May kulay itim na aura sa buong katawan niya, pulang-pula ang mga mata niya, lumaki din ang katawan niya, at nag-aapoy sa may paanan nito. "Mukhang mas lumakas ka ata ngayon, ha Crimson." sabi ko sakanya. "At ang sarap sa pakiramdam nito." sabi niya sa akin. Biglang siyang naglaho at lumitaw sa harapan namin. Pinag.aatake niya kaming lahat hanggang sa matira sila Tony at ang iba pang mga Diyos. "Argh! Ang lakas na nga niya talaga." sabi ni Lea. "Mga pinsan, ayos lang ba kayo? " tanong ko sakanila. Tumango sila at pinilit nilang tumayo dala na rin ng mga atake ni Crimson sa amin. "Diyan nalang kayo, kami ng bahala sa buong Death Guild. Kayong mga powerless ay diyan nalang muna kayo at baka manganib pa ang mga buhay ninyo." sabi ko sakanila. "Minamaliit mo ata kami dun ha Richard." sabi ni Michael sa akin atsaka ngumisi ng ngiti sa akin. "Hindi porket nagloloko ang mga abilities namin eh wala na kaming magagawa sa kanila." sabi ni Vince. "At isapa, isa akong witch diba? Kaya kong pawalain iyang Solar eclipse na iyan." sabi ni Lisha sa akin. Napangiti nalang ako atsaka ako humingi ng paumanhin sa mga nasabi ko sakanila. "Wala iyon, so tara na at ibalik na natin sa dati ang lahat." sabi ni Jeffrey sa akin. Tumango nalang ako at naghanda sa pakikipaglaban. Tinanggal na rin ni Lance ang curse na ginawa niya sa buong Death Guild atsaka ulit sila sumugod sa amin.
===========================
BINABASA MO ANG
Legendary Teens
Ficción históricaSa isang bayan may kumakalat na balita kung saan may mga Diyos daw na bumababa sa lupa upang tulungan ang mga tao sa binit ng kamatayan. Sa kabilang banda naman, may isang factory na gumagawa ng antidote para sa sakit ng presidente, at dahil walang...