Nagpaalam na sakin si Lea at sinabi niyang uuwi na raw siya, pero pinigilan ko siya. "Bakit Richard may kailangan ka pa ba sakin? " sabi ni Lea sakin. Umiling lang ako, "Gusto ko sanang subukan ang bago kong ability kapag naka-human form ako. Puwede bang dito ka muna panandalian nang sa ganoon may pipigil o magbabantay sakin habang may sinusubukan ako." sabi ko sakanya. Tumango lang siya at sinabing, "Sige Richard ako ang bahala sa iyo." Tumango na lang ako at sinimulan ko ng magpalit ng anyo. Katulad ng inaasahan ko, nahihirapan parin ako sa pagpapalit anyo at inabot ako ng sampung minuto sa pagpapalit anyo ko. "Ahm Richard, paano mo naman malalaman kung anong ability ang napunta sa iyo? " sabi ni Lea. Napaisip ako sa sinabi niya, pero sinabi ko sakanya na susubukan ko ang lahat ng mga ability na alam ko. Nagsimula ako sa limang elemento(Fire, Water, Wind, Earth, Lightning) ngunit walang nangyari. Kung kaya naman sinubukan ko naman ang paglipad katulad ng kay Lea, pero wala parin. Inabot ako ng dalawang oras sa kakaisip at kakasubok ng mga abilidad na posibleng napunta sakin pero bigo akong mahanap ito. "Paano na nian kanina pa tayo rito hanggang ngayon hindi mo parin nahahanap ang bago mong abilidad." sabi ni Lea sakin. "Puwede isang subok nalang Lea. Kapag ito wala parin, sasama na ako sa pag-uwi mo." sabi ko sakanya. Tumango nalang siya sa sinabi ko.
Inangat ko ang dalawang kamay ko sa harapan ko kung saan may punong nakatumba. At inisip ko na pumunta ito sa akin. Di nagtagal ay bigla itong pumunta sa akin. Nagulat ako sa nagawa ko ganun din si Lea. "Nakita mo iyon Lea! Na-attract ko yung punong iyon sa akin." sabi ko. "Magandang sign iyan Richard." tuwang-tuwa na sinabi ni Lea sa akin. Ngayon, sinubukan ko naman itulak palayo sa akin itong puno na nahatak ko kanina lang. Bigla naman itong lumayo sa kinatatayuan ko. "Wow Richard! Nakakapag-attract at repel ka ng isang bagay. Kaka-inggit ka tuloy Richard." manghang(amaze) sinabi ni Lea sa akin. "Huwag kang ma-inggit sa nadiskubre kong abilidad. Pasalamat ka nga dahil iyan ang nabigay sa iyo kaysa naman sa wala diba." sabi ko sakanya habang pinapagaan ang loob niya dahil sa pagka-inggit. Ngumiti siya at sinabing, "Kung sabagay tama ka nga doon Richard. Salamat sa sinabi mo ah." sabi ni Lea sa akin. Tumango nalang ako at sabay kaming nagpalit na ng anyo. Siya ay bumalik nang muli sa pagiging tao at ako naman ay bumalik na sa pagiging bampira. Bago kami umuwi biglang may naalala ako itanong kay Lea. "Ahm Lea, Paano mo nga pala napanatiling bata ang itsura mo habang nakaganyan ka. Iyang human form mo ngayon." tanong ko kay Lea. "Ay oo nga pala, nakalimutan kong sabihin sa iyo tungkol sa bagay na iyan. Kailangan mo lang kumain ng kumain ng kumain ng masusustansiyang pagkain hanggang sa bumalik na sa dati ang itsura mo. Sa itsura mo ngayon na matanda, kulubot na balat, sa tansiya ko aabutin ka ng 4 na buwan bago mo makamit ang batang itsura katulad ng sa akin. Napatango nalang ako at nagpasalamat sakanya.
Sabay na kaming umuwi sa aming mga tinutuluyan. Pagka-uwi ko sa hotel, nadatnan ko si Lyan sa may cafeteria na umiinom ng kape. Binati ko siya ng magandang hapon pero sinungitan niya ako. "Suplada naman nito. Siya na nga binati ng magandang hapon, siya pa ang masungit. Makaalis na nga rito at baka mamaya uminit pa ulo mo sakin." sabi ko kay Lyan. Pagkatalikod ko sakanya, siya naman ang pagtawag niya sakin. "Sandali Richard." sabi ni Lyan. "Anong kailangan mo? " tanong ko sakanya. May kinuha siya sa bulsa niya at iyon pala ay salamin lang niya. "Anong gagawin ko diyan sa salamin mo? " sabi ko kay Lyan. Binuksan niya ito at tinutok sa mukha ko. "Oh, may dugo pala ako sa may bibig ko." sabi ko. Binulsa na niya ulit yung salamin niya atsaka nagsuplada na naman sakin. "Bakit nakakunot mga kilay mo? Umayos ka nga Lyan, sige ka tatanda ka kaagad nian sa ginagawa mo." sabi ko sakanya atsaka ako ngumisi ng ngiti. "Baka gusto mong ipaliwanag iyang nasa bibig mo. Kung hindi, papaslangin kitang muli. At ngayon, sigurado akong matutuloy na iyon." galit na sinabi sakin ni Lyan. "Chill lang Lyan. Ahm itong dugo ba kamo. Well, may sumapak sa mukha ko at di ko namalayang dumugo pala iyon." sabi ko sakanya. Sana maniwala siya sakin, sabi ko sa sarili ko. "Hindi ako naniniwala sa iyo. Sabihin mo sakin ang totoo kung hindi." sabi ni Lyan. "Oo na, oo nga. Nakipaglaban ako sa isang oso at nagalusan niya ako sa mukha, pero humilom kaagad yung sugat ko pero yung dugo ay hindi ko pa napupunas." palusot kong sinabi sakanya. "Mabuti naman at sinabi mo na ang totoo. Oh sige, umakyat kana sa itaas." sabi ni Lyan sakin. "Mabuti naman at medyo lumamig kana. Hindi ka dapat nagsusungit na ganun kasi-" putol kong sinabi. "Dahil cute ako? Oo na, sige na umakyat kana dun. Bolero pa ito. Hmp." singit na sinabi ni Lyan.
BINABASA MO ANG
Legendary Teens
Historical FictionSa isang bayan may kumakalat na balita kung saan may mga Diyos daw na bumababa sa lupa upang tulungan ang mga tao sa binit ng kamatayan. Sa kabilang banda naman, may isang factory na gumagawa ng antidote para sa sakit ng presidente, at dahil walang...