CHAPTER 11: AWAKEN DEATH GUILD

156 2 0
                                        

Sa tinutuluyan nila Crimson, tahimik silang nag.eensayo sa loob ng mga kuwarto nila. Habang si Crimson naman ay nagpapahinga sakanyang higaan. "Boring naman, makapanuod na nga lang ng T.v." sabi ni Crimson. Binuksan ni Crimson yung T.v at nanuod siya ng balita. "Breaking News: Nahuli na po ang limang most wanted sa pagnanakaw ng mga banko sa iba't-ibang lugar. Dinala sila rito ng limang kalalakihan na puro binata. Sinabi din nila na sila raw ay ang League of Teens. Ngayon nahuli na po ang mga most wanted na magnanakaw na ito, may gantimpalang makukuha ang League of Teens. May reward po silang makukuhang mahigit 1 milyon, at ---." putol na sinabi ng anchor. Sabay off ng T.v ni Crimson. "Hayyy, ano ba yan. Pati ba naman sa mga balita wala ng maganda. Puro na lang ganyan. Walang pagbabago." sabi ni Crimson. Biglang may naisip na magandang idea si Crimson. "Bakit kaya hindi ko kaagad naisip iyon. Kung gumawa rin kaya ako ng sarili kong grupo. " sabi ni Crimson sa sarili niya. "Grupo? Parang katulad sa nasabi sa balita? Ha Crimson? " tanong ni Angelica. "Oo, Angelica. Katulad mismo sa League of Teens. Pero ang ipapangalan ko ay Death Guild." sabi ni Crimson sabay tawa ng malakas.

Kinabukasan, sinimulan na nila Crimson, Angelica at Victor na maghanap ng mga maisasali nila sa grupo nila. Pinuntahan nila yung limang magnanakaw na nahuli kamakailan lang. "Let me guess. Yung lima na nasa loob ng presinto na yan ang kukunin mo? Tama ba ako? " sabi ni Angelica kay Crimson. "Wala ng duda, sigurado sila na nga." sabi ni Victor. Naglakad ng muli sila Crimson at pagkapasok nila sa presinto, nagtanong sila sa may information desk kung nasaan yung mga bagong preso na nahuli kailan lang. "Sino kayo at bakit niyo sila hinahanap? " tanong ng pulis sakanila. "Victor, gawin mo na." utos ni Angelica sakanya. Inangat ni Victor ang mga kamay niya at sa isang iglap lang ay nawalan na ng malay ang lahat ng mga tao sa loob ng presinto. "Akala ko ba Angelica mga gifted lang kayang tanggalin ng ability ni Victor? Bakit ngayon parang kaya niyang gawin ito sa mga normal na tao? " tanong ni Crimson kay Angelica. "Mamaya ko nalang sasabihin sa iyo. Sa ngayon kunin na natin sila bago pa man sila magising." sagot ni Angelica.

Pagkalipas ng limang minuto, matagumpay na nakuha nila Crimson ang limang most wanted sa lugar nila. "Maraming salamat sa tulong ninyo." sabi nung malaki ang katawan. "Sa tingin ko may kapalit ang mga ito, sa pagtulong niyong ito." sabi nung naka long coat na puti. "Meron nga. Gusto ko kayong sumali sa guild ko at kapag tinanggap niyo ang alok ko na ito. Sinisigurado ko sainyo makukuha ninyo ang lahat ng gusto niyo." sabi ni Crimson. "Pag iisipan namin ang alok mo sa amin. Tayo na guys." sabi nung naka long coat na puti. "Karl, Shawn, Jerry, Stephen, at Bradley. Hindi niyo na kailangan pang pag isipan ang alok ko dahil pagdating ng ika-apat na linggo ay sasali na kayo sa guild ko. Sigurado ako doon, kaya kung ako sainyo sumali na kayo habang maaga pa. Dahil kinabukasan sisimulan na kayong hanapin ng League of Teens." sabi ni Crimson sakanila. Nagulat silang sa narinig nila. "Paano mo nalaman mga pangalan namin? " tanong ni Bradley(malaki katawan). "Paano nangyari iyon? Ni hindi pa nga namin sinasabi sainyo ang mga  pangalan namin." sabi ni Shawn(naka headset). "Oh men! " sabi ni Stephen(naka takip ang bibig). "Gifted din siya katulad natin." sabi ni Karl(naka long coat na puti). "This is Madness dude. Rock on!! " sabi ni Jerry(yung may ability na earthquake). Ngumiti si Crimson at inutusan si Angelica na paangatin sila upang ipakita na gifted din sila ni Victor. "Wooh, nice ability you got there." sabi ni Jerry. Inangat ni Victor ang mga kamay niya at ilang segundo lang ay napaluhod sila Karl, Shawn, Jerry, Brad, at Stephen sa sobrang kahinaan nila. "Argh!! " sabi ni Stephen. "Anong ginagawa niyo? Bakit parang nanghihina kami at pakiramdam ko nawala lahat ng kapangyarihan(power) ko." sabi ni Karl. "Welcome to the Death Guild!" sabi ni Crimson sakanila. Biglang nawalan na ng malay silang lima pagkaraan ng isang minuto.

Pagkagising nila Shawn, Jerry, Karl, Stephen, at Brad. Nagulat sila ng magising sila sa isang bahay. "Nasaan kami? " tanong ni Brad. "Andito kayo ngayon sa aming apartment." sagot ni Crimson. "Argh! Nanghihina parin ako." sabi ni Jerry. "Huwag kayong mag alala, mamaya lang babalik na ang mga ability ninyo." sabi ni Victor sakanila. Pinilit nilang lima na tumayo pero dulot ng kahinaan nila ay kalaunan napa.upo sila ulit. "Pasensiya na kayo kung pati lakas ng mga muscles ninyo sa buong katawan niyo ay pinahina ko. Napasobra ata ginamit ko sainyong lima." paliwanag ni Victor sakanilang lima. Bakas sa mga mukha nila ang pagka.inis dulot ng ginawa ni Victor sakanila.

Pagkalipas ng isang oras, nanumbalik na ang mga lakas nilang lima at naisipang umalis na. "Saan kayo pupunta? " tanong ni Angelica. "Aalis na kami. Hindi ba halata? " sagot ni Karl. "Karl, Brad, Shawn, Jerry, at Stephen." tawag ni Crimson. Napalingon sila sa pagtawag ni Crimson sakanila. "Baka gusto mong pauwiin na kami." sabi ni Karl kay Crimson. Biglang umilaw ang mga kamay ni Crimson at itinutok ito sakanila. Silang lima ay bigla nalang hindi makagalaw. "Argh! Hindi ako--makahinga--Argh!! " sabi ni Brad habang nakahawak sa leeg nito. Napaluhod si Jerry at Stephen. Habang sila Bradley at Shawn ay bigla nalang na.knock down. Si Karl naman ay nakahawak sa leeg niya at nahihirapan din makahinga. "Pagsisisihan mo ito!!! " pilit na sinabi ni Karl kay Crimson. "Your Welcome! " sabi ni Crimson. At kalaunan ay nawalan na ng malay si Karl.

Pagkaraan ng kalahating oras, bumangon na sila at tinignan nila ang sarili nila kung anong nangyari. "Boss Crimson! " sabi ni Karl at nagbigay pugay sakanya. "Magaling, magaling. Successful ang ginawa ko sakanila." sabi niya at sabay halakhak ng malakas. "Welcome to Death Guild Karl!! " sabi ni Crimson. Nagbigay pugay na rin sila Shawn, Jerry, Stephen at Bradley kay Crimson. "Boss Crimson! " sabay-sabay nilang sinabi. Biglang napa.isip si Crimson sa susunod niyang gagawin. "Alam ko na. Bibigyan ko kayo ng mga codenames para naman bago." sabi ni Crimson. "Ikaw Bradley ay si Blast, Ikaw naman Stephen ay si Venom, Ikaw Karl ay si Gravity, Ikaw naman Shawn ay si Pitch, at Ikaw Jerry ay si Quake." sabi ni Crimson. "I'll accept, Boss Crimson." sabi ni Karl. Inutusan ni Crimson si Angelica na dalhin silang lima sa may sala. "Anong gagawin nila dun? " tanong ni Angelica sakanya. "May gusto lang akong malaman." sagot ni Crimson.

Sa may sala(living room), tahimik silang nagtinginan sa bawat isa na akala mo ay nagpapakiramadaman sa isa't-isa. "Pinapunta ko kayo dito sa may sala dahil gusto ko malaman ang isang importanteng bagay. Ang mga kahinaan ninyo." sabi ni Crimson. "Ako, kahinaan ko ang apoy. Dahil hindi ko kaya itong pasabugin." sabi ni Blast. "Well parang normal na iyon. Wala na bang iba, Blast? " sabi ni Crimson. Umiling lang si Blast at sinabing wala na. "Ako, kahinaan ko ang mga metal o kahit na anong matitibay na bagay. Dahil hindi ko kaya itong pabagsakin ng gravity ko." sabi ni Gravity. "So which mean kung magsusuot ako ng metal na armor ay hindi mo na ako mapapaluhod gamit ng ability mo? " sabi ni Crimson. Tumango lang si Gravity. Nagtagal ang usapan nila ng kalahating oras. Kahinaan ni Venom ay wind, lalo na kung napakalakas nito. Dahil hindi siya invulnerable sa sarili niyang ability, posibleng malason rin siya kapag nalanghap ito. Kahinaan ni Pitch ay katulad ng ability niya na sonic-pitch. Kaya parati siya may suot na headset dahilan upang hindi siya maapektuhan kung sakali mang may makalaban siyang may sonic-pitch din. Kahinaan ni Quake ay teleport. Dahil madali daw silang makakatakas kapag sinimulan na niyang magpa.lindol. "Okay, nalaman na namin ang mga kahinaan ninyo. Oras na siguro para maghanap muli ng panibagong isasali sa guild natin." sabi ni Crimson.

Pagkalipas ng tatlong buwan, matagumpay na nakakuha si Crimson ng mga tauhan niya. Sila ay si Kyle codename Sight, Jasmine codename Yin and Ash codename Yang, Bullseye(Hawk), Blink(Rain), Dark Mage(Nicole), Magma(Greg), Dig(Ken), Tornado(Louie), Thunder(Eve), Vlad(Vladmiere, a shape-shifter), Slow(Sera), and Blind(Hex).

Kumpleto na ang mga tauhan na hinahanap ni Crimson. Halos kasing dami lang sila ng League of Teens ngunit ang grupo nila ay higit na mas malakas. Dahil demon curse o pure darkness ang mga ability nila.

Sinimulan na nila Crimson at ang mga tauhan niya ang pagpapakilala sa mundo. Naghasik ng lagim, pumatay ng mga walang kalaban laban na tao, at naghari sa buong bansa. Tinangka na ng League of Teens na labanan sila ngunit sadyang napakalakas nila at hindi nagtagumpay. Sa pagkabigo ng League of Teens, nanahimik sila at hindi na muling nagparamdam o nagtangkang lumaban sa grupo nila Crimson. "Nakita niyo ba yun mga kasama? Hindi tayo kaya ng mga League of Teens. Sila na kilala na tagapagtanggol ng mga tao ay walang magawa sa atin. Tayo mga kasama ang mga bagong hari." sabi ni Crimson at sabay tawa ng malakas.

Sa bangungot na dinala ni Crimson at ng mga kasama niya ay may magagawa pa kaya ang mga League of Teens laban sakanila. Magawa pa kaya nilang talunin ang mga kasamahan ni Crimson na may halong Diyos sa mga ability nila. "Sa karagdagang kapangyarihan na ibinigay ko sainyo mga kasama. Walang imposible ngayon sa atin. Lahat ay magagawa na natin." sigaw ni Crimson. Sabay sigaw ng papuri ang mga kasama niya. "Lord Crimson! Lord Crimson! Lord Crimson! " Biglang umilaw ang mga mata ni Crimson. "Malapit ng dumating ang panahon. Panahon na babalik ang dugo ko bilang Diyos. Diyos ng Kadiliman at Liwanag. Teka sinabi ko bang Liwanag? I don't think so." sabi ni Crimson at sabay ngisi ng ngiti.

============================

Legendary TeensMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon