Lumipas ang mga araw kung saan nakapag.celebrate na kami ng pasko(christmas) at ng bagong taon(new year) sa bago naming tirahan. Dumating din sa buhay namin si Scott na iniwan ng kanyang Ina sa harapan ng pintuan namin. Gifted si Scott at kalaunan ay nalaman naming gifted din ang kanyang Ina. Kaya ng Ina ni Scott na kontrolin ang isipan mo at gawin ang ipag.uutos niya at hinding-hindi ka makakatanggi sa utos na iyon.
Sa loob ng kuwarto ni Scott, nadatnan ko siyang naglalaro ng kanyang laruang sasakyan. Nilapitan ko siya upang kamustahin siya sa bagong niyang tirahan. "So Scott, nag.eenjoy ka na ba sa bago mong bahay? " tanong ko sakanya. Tumango lang siya sa tinanong ko, ibig sabihin nito ay nagugustuhan na niya dito sa base ng Legendary Teens. Paalis na sana ako nang biglang hawakan ni Scott ang aking pantalon. "Ano iyon Scott? May gusto ka bang sabihin? " tanong ko sakanya. "Kuya, nangangati po mata ko." sagot nito sa akin. Nagulat ako sa sinagot niya kung kaya naman ay dali-dali ko siyang binuhat at dinala sa basement upang maka.iwas sa ano mang mangyayari.
Sa basement, "Sige Scott, kamutin mo na mata mo. Nasa basement naman na tayo kaya wala ka ng dapat alalahanin. Wala kang masisira dito kasi lahat ng mga bagay dito ay sobrang tibay, kung may masira ka man ay kusa itong babalik sa dati nitong itsura." sabi ko sakanya. Tumango siya at sinabing, "Hmm, sige." Tinanggal na niya ang salamin niya at kinamot ang nangangating mata niya. Matapos magkamot ng mata, nabuksan ni Scott ang mga mata niya dahilan upang mag.devastate ang ability niya sa buong basement. Sinarado na niya ulit ang mga mata niya atsaka sinuot muli ang salamin niya. "Sorry Kuya kung binuksan ko ang mga mata ko. Kailangan ko kasi pagtapos kong magkamot, upang hindi lumabo ang paningin ko." paumanhin niyang sinabi sa akin. Umiling lang ako at sinabing, "Wala iyon. Atsaka tignan mo mga nasira mo." Tinuro ko nasa likod ko at napansin niyang kusang bumabalik sa dati ang mga nasira niya. "Wow! Ang galing naman." manghang(amaze) sinabi nito.
Binuhat ko na siyang muli at tumaas na pabalik sa living room. Nang mapansin kong wala yung iba. "Ahm Justine, nasaan sila Lance at Andrew? Atsaka parang wala rin sila Michael at Lisha." sabi ko. "Ano ahm, may pupuntahan daw sila. Hindi nila sinabi kung saan." sabi ni Justine sa akin. Habang nasa basement kami, umalis pala silang apat at mukhang ayaw sabihin sa akin ni Justine kung saan talaga sila pumunta. Sinubukan kong basahin isipan ni Justine, pero sadyang wala talaga, wala akong nabasa. Kung kaya naman tinuon ko nalang ang pansin ko kay Scott at nakipaglaro ako sakanya.
Pagkalipas ng isang oras, nakabalik na silang apat mula sa lakad nila. "Oh Lisha, musta lakad niyo? " tanong ko sakanya. "Galing kami sa kagubatan kung saan kayo... Oopps.. Wala lang." sagot ni Lisha. Tinignan ko sila Lance at Michael at sinubukan kong basahin ang mga isip nila. Nagulat ako ng makita kong nang galing sila sa kagubatan kung saan kami naghunt ni Lea. Medyo kinabahan ako ng mga sandaling iyon pero hindi ako nagpahalata upang hindi nila masabi na may tinatago ako sakanila.
Kinabukasan, maaga silang umalis at sa pagkakataon iyon ay sinundan ko sila sa may kagubatan. Binalikan nilang muli yung lugar kung saan kami nag.hunt ni Lea. Sinimulan na nilang mag.search sa area ng hunting grounds na pinagdausan namin ni Lea noon, at pagkalipas ng mahigit sampung minuto ni isang clue ay wala silang nakita. "Hay naku, wala talaga tayong makita kahit na isang clue lamang." inis na sinabi ni Lisha. "Oo nga eh, kahit ako ay nababanas na kakahanap sa isang clue na magpapatunay na may nangyaring kakaiba dito." sabi ni Michael. Patuloy parin sila sa paghahanap ng clue nang biglang may lumitaw na grupo ng mga leon(Lion) sa gilid nila. "Ahm guys, may mga leon sa gilid natin at mukhang pinapalibutan na nila tayo." sabi ni Lance. "Humanda kayo." sabi ni Michael sakanila.
Palapit ng palapit ang mga grupo ng leon kila Michael at sa iba pa. Nang biglang tumalon ang isang leon at inatake si Michael. "Argh! Buwisit kang leon ka." sigaw ni Michael atsaka nito binalian ng leeg upang mamatay ang leon. Tumulong ako sakanila pero sa mabilis na paraan. Kinukuha ko ang mga leon at tinatakbo ito palayo sakanila at kapag tama na ang distansiya kila Michael atsaka ko ito binabalian ng leeg. "Anong nangyayari sa mga leon? Bakit parang unti-unti silang nababawasan? " tanong ni Lisha. "Hindi ko alam pero mukhang may tumutulong sa atin." sagot ni Michael. "Tara, ubusin na natin ang natitirang dalawang leon na ito." sabi ni Lance. Tumango nalang silang tatlo atsaka pinagpatuloy ang pagpatay sa dalawang mababangis na leon na natira sa grupo nila.
Tinignan ko silang muli upang makasiguro sa seguridad nila nang may marinig akong sumisigaw mula sa base namin. "Kuya! Kuya! Nasaan kayo? " sigaw ni Scott. "Teka, sigaw ni Scott iyon ah. Naku, malalagay sa panganib si Scott kung pumunta siya dito." sabi ko sa sarili ko. Dali-dali akong pumunta sa kinaroroonan ni Scott. "Kuya! Hmm, nasaan kaya sila Kuya richard." sabi ni Scott atsaka siya pumasok sa loob ng kagubatan.
Patuloy lang siya sa pagtawag sa amin habang naglalakad siya sa kagubatan. May naamoy akong isang mabangis na oso malapit kay Scott at mas lalo kong binilisan ang pagtakbo ko papunta sakanya. Sa lugar ni Scott, nagpakita na sakanya ang oso. "Ahh, Kuya tulong." maiyak na sinabi ni Scott. Nakikita ko na si Scott mula sa kinaroroonan ko. "Scott!! " sigaw ko. Napalingon si Scott at sinabing, "Kuya? " Tumayo siya mula sa pagkakayuko't upo niya atsaka lumingon sa likuran niya. "Kuya Richard! " sigaw ni Scott. "Scott, ingat sa likod mo! " sigaw ko sakanya.
Pagkalingon ni Scott, siya naman pag.atake ng oso sakanya. Mabuti nalang at hindi siya tinamaan at nadaplisan lang sa may salamin niya. Dahil sa atake ng oso, napa.upo si Scott at hindi na siya makakita. "Ahh, wala akong makita. Wala akong makita. Kuya Richard tulungan mo ako! " sigaw ni Scott. "Sandali lang Scott, pupuntahan kita diyan." sigaw ko sakanya. Lalapitan ko pa sana si Scott, pero yung oso ay nakatingin sa akin na para bang sinasabi na huwag raw ako lalapit kay Scott. "Shit, di ako makalapit. Kung susubukan ko naman, baka tuluyan ng patayin ng oso si Scott at yun ay ayaw kong mangyari." sabi ko sa sarili ko. Biglang may naisip akong magandang plano. Patuloy parin umiiyak si Scott at siya naman pagtayo(stand) ng oso sa harapan ni Scott. "Kuya, tulungan mo ako! " sigaw ni Scott. "Scott, buksan mo mga mata, ngayon na! " sabi ko sakanya. "Pero Kuya, sabi ni Mama." sabi ni Scott. Umiling ako at sinabing, "Ayos lang daw sabi niya sa akin! Kaya buksan mo na mga mata mo, dahil nasa harapan mo na yung oso. Bilis Scott! " Narinig kong huminto na siya sa pag.iyak atsaka tumayo siya habang nakapikit. Nang biglang binuksan ni Scott ang mga mata niya. "Ahhhh ! " sigaw ni Scott. Tinamaan ang oso sa katawan nito at bigla itong naglaho at naging abo dahil sa ability ni Scott. Ako naman ay nagulat sa ginawa ni Scott sa oso. Kinuha niya yung salamin niya na nasagi kanina ng oso atsaka ito sinuot muli. Lumingon siya sa akin at ngumiti. "Kuya! " sigaw niya at sabay takbo papunta sa akin.
Sinalubong ko ito atska siya niyakap ng mahigpit. "Aray! Kuya, masakit pagkakayakap mo sakin." sabi nito sa akin. "Sorry Scott, medyo natuwa lang ako sa ginawa mo. Ang tapang mo kasi, atsaka biruin mo ikaw lang mag.isa pumatay sa oso na iyon." sabi ko sakanya. Ngumiti lang siya sa akin atsaka hinawakan ang kamay ko.
Habang naglalakad kami pa.uwi sa base. Narinig kong may tumatawag sa amin ni Scott. "Kuya Richard! Scott! " sigaw nito sa amin. Paglingon namin sa likuran, nakita namin sila Lisha at Michael, gayundin sila Lance at Andrew. "Ate Lisha! " sigaw ni Scott at sabay kumaway sakanya. Tumakbo papunta sa amin si Lisha at sinabing, "Whew, kapagod. Mabuti nalang at naabutan ko kayo." Hiningal si Lisha at hinahabol pa nito ang paghinga niya. At nang makarecover, sabay-sabay na kaming umuwi sa base namin.
Napagisip-isip ko na nakakatakot ang ginawa ni Scott sa oso na iyon. Sa isang tira lang ng ability niya sa osong iyon ay bigla itong naging abo. Grabe, kung ako tamaan nun siguradong abo na ako ngayon. Mabuti nalang at naka.distansiya ako kila Scott kanina. Tinignan ko si Scott atsaka ito hinawakan sa ulo nito. "Bakit Kuya? " tanong ni Scott sa akin. Umiling lang ako at sinabing, "Wala iyon Scott. Ahm, gusto mo bang pumasan sa balikat ko? " sabi ko sakanya. Tumango ito at nagtatalon sa tuwa. Binuhat ko ito atsaka nilagay sa may balikat ko. Tinignan ko siyang muli at nakita kong tuwang-tuwa siya sa pagkaka.pasan niya sa balikat ko.
Tumingin akong muli sa nilalakaran namin ng biglang napaisip akong muli. Sorry Scott kung hindi kita natulungan kanina. Kinabahan ako ng mga sandaling iyon, dahil malapit lang yung oso sa iyo. Malamang sa isang galaw ko lang ay saktan kang muli ng oso iyon. Pero, huwag kang mag.alala Scott. Simula sa araw na ito, ako na ang magsisilbing teacher, protector at savior mo. Masaktan man ako o masawi sa pag.protekta sa iyo ay gagawin ko. I--no, We will protect you no matter what. Kaming mga League of Teens ang magiging gabay mo hanggang sa paglaki mo.
============================
BINABASA MO ANG
Legendary Teens
HistoryczneSa isang bayan may kumakalat na balita kung saan may mga Diyos daw na bumababa sa lupa upang tulungan ang mga tao sa binit ng kamatayan. Sa kabilang banda naman, may isang factory na gumagawa ng antidote para sa sakit ng presidente, at dahil walang...