CHAPTER 24: BEHIND DOOM'S LIFE

56 1 1
                                        

Sa Kingdom ng DarkLord na si Doom, "Lord Doom! " tawag ng isa niyang kawal(guard) atsaka nagbigay pugay sa panginoon nila. "Anong kailangan mo sa akin? " tanong nito sakanya. Inabot ng kawal nito ang isang mensahe na hawak niya. Binasa ni Doom ito at nang mabasa niya, nagulat siya ng makita niyang pinapababa na ito sa puwesto niya bilang DarkLord. "Sino nagbigay ng sulat na ito? Nakilala mo ba? " tanong ni Doom sa kawal niya. Umiling lang siya at sinabing, "May nakita po akong isang anino na dumaan sa harapan ko po, nang may lumitaw na sulat sa may paanan ko po." Natahimik si Doom ng mga sandaling iyon at iniisip kung sino ang nagpadala ng sulat na iyon.

Nang biglang tinawag siya ng kapatid nito na si Aizen. "Oh ikaw pala bro. May kailangan ka ba sa akin? " tanong ni Doom sa kapatid nito. "Puwede bang makahingi muna ng isa sa mga kawal mo? May pupuntahan lang kasi ako, eh baka mamaya mapalaban ako ng biglaan." sagot nito sakanya. "Oh yun lang pala eh, sandali lang at ipapatawag ko si Crocus. Magaling iyon pagdating sa pakikipaglaban." sabi ni Doom. Kung kaya naman, inutusan niya ang isa sa mga bantay niya na tawagin si Crocus. At pagkatawag sakanya, sinabi ni Doom ang lahat ng mga gagawin ni Crocus. "Masusunod po Lord Doom! " sabi ni Crocus. Nagbuntong hininga si Doom at sinabing, "DarkLord nalang itawag niyo sa akin. Kasi kung Lord Doom tawag niyo sa akin, para niyo na ring sinabi na God ako, yung alam niyo na, doon sa itaas." paliwanag ni Doom sakanya. Nagpaumanhin si Crocus kay Doom at pagka.bigay pugay sakanya, siya naman pag.alis nila ni Aizen.

Sa kasalukuyan, habang wala ang kapatid ni Doom. Inasikaso kaagad niya kung sino ang nag.iwan ng mensahe para sakanya. "Hmm, sa paraan ng pagsulat niya, may shadow ability, hmm sino kaya siya... hindi kaya? " sabi ni Doom. Nang biglang tumunog ang haunted mirror niya at mukhang may mortal na nangangailangan ng hiling nito. "Woohh, tignan mo nga naman, may mortal na kailangan ng hiling ko. Madadagdagan na naman ang buhay ko nito." sabi niya at sabay ngisi ng ngiti.

Sa mundo ng mga tao, "Pambihirang buhay ito, napakamalas ko naman. Tinanggal ako sa trabaho." sabi ng isang lalaki atsaka nagbuntong hininga. Biglang lumitaw si Doom sa tabi nito sa loob ng Bar. "Kaibigan, anong problema? " tanong ni Doom sa lalaking katabi niya. "Malaki pare, natanggal ako sa trabaho. Hindi ko na alam gagawin ko, paano ko na nian mababayaran upa ko sa bahay." sagot nito kay Doom. "Bago ang lahat, ako nga pala si Dom. At kung gusto mo bibigyan kita ng isang kahilingan. Pero may kapalit ang isang hiling mo sa akin." sabi ni Doom. "Sure, whatever, ibalik mo na ang lahat sa akin at sana sobrang yaman ko na at hinding-hindi na ako mawawalan ng pera." sabi ng lalaki at bakas sa mukha nito ang walang paki.alam sa mga sinabi ni Doom sakanya.

Pero, tinupad ni Doom ang hiling ng lalaki at nagulat ito ng makita niyang punong-puno na ng pera ang wallet nito. "Pa-paanong nangyari iyon? " pagtatakang sinabi ng lalaki sa sarili nito. Lumingon siya kay Doom, "Ikaw ba ang may kagagawan nito? " patuloy niya. Tumango si Doom at sinabing, "May kapalit ang kahilingan mong iyon. Kukunin ko na ang kaluluwa mo bilang kapalit ng hiling mo, kung hindi ka naman susunod, sinisigurado kong paglabas mo ng Bar na ito ay mahuhulog ka sa impyerno." Nabigla siya sa sinabi ni Doom, kaya naman, "Kapag kinuha mo ba ang kaluluwa ko, nasa akin parin ang lahat ng yaman ko? Atsaka mabubuhay pa kaya ako nun? Parang namatay na ako nun diba? " sabi nung lalaki. Natawa si Doom sa sinabi ng lalaki sakanya. "My dear Eric, sinusumpa ko na mabubuhay ka kahit na wala na sa iyo ang kaluluwa mo. Sa katunayan magiging devil ka na rin katulad ko at magagawa mo na ang lahat ng gusto mo." sabi ni Doom sakanya.

Natakot na si Eric sa mga sinabi ni Doom, kung kaya dulot na rin ng niya lumabas siya ng Bar at nahulog nga siya sa isang malaking pit patungo sa Hell. Ngumiti si Doom at sinabing, "Sabi ko naman sa'yo eh, mahuhulog ka sa Hell pag.lumabas ka ng Bar."

Bumalik na si Doom sa Underworld, sa pagbabalik niyang iyon, nandoon na rin ang kapatid nito at sinalubong niya si Doom mula sa Hell's gate. "Oh, musta lakad ninyo? " tanong ni Doom kay Aizen. "Well bro, napalaban si Crocus sa alagad ng liwanag. Mabuti nalang at magaling siya at nakatakas kami." sagot ni Aizen sa kapatid nito. "Crocus! " tawag ni Doom. Lumapit si Crocus at humarap kay Doom. "Sir? " sabi nito kay Doom. Tinusok niya si Crocus sa dibdib nito at sinabing, "Huwag mo akong lilinlangin. Alam kong ikaw ang nag.iwan ng mensahe para sa akin at alam kong hindi ikaw ang tunay na Crocus." Nagulat si Aizen sa mga nakikita niya. "Sa-sandali lang bro, hindi kita maintindihan. Hindi siya ang tunay na Crocus? " sabi ni Aizen kay Doom. "Oo, siya si Dazzle, ang traydor na Shadow demon ko. Kanang kamay ko pagdating sa assassination mission ko at kaya niya rin mang.gaya ng itsura. Pati skills, smell, blood, lahat-lahat, as in total same copy ng orihinal na kinokopya niya." sabi ni Doom. "So, paano mong nalaman na peke siya? " tanong ni Aizen. "Kasi si Crocus ay matagal ng hindi pa bumabalik mula sa misyon nito. Pinapahunting ko kasi sakanya ang isang anghel na nagtangkang patayin ako gamit ang arrow of light. Dahil na rin siguro anghel ang target niya, hindi na siya nakabalik simula nun." sabi ni Doom.

Naguluhan si Aizen sa mga sinabi ni Doom sakanya. "I mean, paano mo nalaman na siya si Dazzle? " sabi ni Aizen kay Doom. "I'm a DarkLord my dear brother. Lahat kaya kong gawin, at kabisado ko na ang lahat ng mga aura ng mga demons dito." sabi ni Doom. Napatango nalang si Aizen sa mga sinabi ng kapatid niya. "Oh paano bro, pasok na ako sa loob. Ikaw ng bahala kay Dazzle. May aasikasuhin pa ako sa kuwarto ko." sabi ni Aizen kay Doom. Natahimik si Dazzle ng mga sandaling iyon, at binalak niya pang tumakas habang nag.uusap ang magkapatid. "At saan ka pupunta Dazzle? " tanong ni Doom sakanya. "Ah, eh, sa loob, sa Kingdom niyo po Sir." palusot na sinagot ni Dazzle kay Doom. Biglang hinawakan ni Doom sa may leeg nito si Dazzle atsaka binuhat palayo sa gate ng Kingdom niya. Nanlaban si Dazzle at bigla itong naging anino(shadow) at naglaho. Napa.iling si Doom at pumasok na sa loob.

Pagkalipas ng limang araw, may dumating na limang kawal sa loob ng Kingdom ni Doom at may inabot na sulat mula sa palasyo ng mga council. "DarkLord Doom, inatasan kaming kunin ka at dalhin sa tomb of the reapers upang ibaba ka sa pagiging DarkLord. Pasensiya na po pero sabi ito ng Death Council sa amin." sabi ng isang kawal. Pagkabasa ni Doom sa mensahe, kusa na siyang sumama sa kanila. "Sige, sasama na ako sa inyo. Lumabas si Aizen sa kuwarto nito at nakita niyang dinadakip ang kapatid nito. "Bro, anong nangyayari dito? At bakit ka nila dinadakip? " tanong nito kay Doom. "Wala ito bro, may aasikasuhin lang ako kasama ang mga Council." sagot ni Doom kay Aizen. Bakas sa mukha ni Aizen ang pag.aalala sa kapatid nito, kaya naman wala siyang magawa at sumunod ng tahimik sa kapatid nito. "Ang kulit talaga nito, sinabi na ngang ayos lang ang lahat pero sumunod parin sa amin. Tch, pasaway talaga." sabi ni Doom atsaka nagbuntong hininga.

Sa loob ng tomb of the reapers, nagsisipaghanda na ang Death Council sa gagawin nilang seremonyas(ceremony) para kay DarkLord Doom. "Ikaw Doom ay nagkasala sa isang bagay. At iyon ang pagiging mabuti sa mga mortal." sabi sakanya. Nagtaka si Doom sa binibintang sakanya, kung kaya naman ay kaagad itong umangal sakanila. "Sandali lang, hindi ko alam ang binibintang ninyo sa akin. Baka nagkakamali kayo ng pinagbibintangan." sabi ni Doom sa buong Council. Biglang nag.cast ng darkspells ang isa sakanila at pinakita kay Doom ang tinutukoy nila. Lahat ng mga witness ay nagulat sa nakita nila, gayundin si Doom ay hindi makapaniwala sa nakikita niya. "Imposible, hindi ko magagawa ang bagay na iyan. Hindi ako kailan man nagkagusto sa isang mortal. Kasi alam kong mabuti iyon at ikasasama iyon sa puwesto ko bilang DarkLord." paliwanag niya sa buong Council. Biglang nag.cast ng curse ang mga Councils kay Doom. "Doom, isinusumpa ka namin habangbuhay. Mananatili kang anino sa loob ng mahabang panahon. Hindi ka na makakabalik sa dati mong itsura at lalong-lalo na dito sa Underworld." sabi ng isang Council. "Argh!! Sinusumpa ko sainyong lahat, babalik ako at lilipunin ko kayong lahat. Isinusumpa ko sainyo, magbabalik ako!! " galit na sinabi ni Doom sa mga Councils.

At dito na nagbago ang itsura at katangian ni Doom. Hindi na rin siya makabalik sa mundo nila, sa Underworld. Kung kaya naman ay pagala-gala nalang siya sa mundong ibabaw, sa mundo ng mga mortal, sa mundo ng mga tao. Tuwing gabi, umaatake siya at kumukuha ng mga kaluluwa sa mga tao. Lalong-lalo na kung bata pa ang mga ito. Habang tumatagal, lumalala na ang sitwasyon sa mundong ibabaw. Ginawan na ito ng aksyon ng mga Legendary Gods pero sadyang malakas si Doom at hindi kinaya ng mga Gods ang curse ni Doom. Dito na rin napansin ni Crimson ang katangian niya at dito na rin niya kinuha si Doom na ngayo'y Ghost sa kasalukuyan. Pinasanib ni Crimson si Doom sa isang patay na babae atsaka ito binuhay muli at kinontrol upang susunod ito sa lahat ng ipag.uutos niya sakanya. "Maghintay kayo mga traydor na Councils, pagsisisihan ninyo ito. Maghihiganti ako sa inyo pagdating ng tamang panahon." sabi ni Doom atsaka ngumisi ng ngiti.

===========================

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 12, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Legendary TeensMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon