CHAPTER 8: HOW IT ALL STARTED

192 1 0
                                    

The Past: Year 1975

Sa loob ng factory, abalang-abala ang lahat sa ginagawa nila, nang biglang may tumawag sa isang scientist na malapit sa monitor ng ginagawa nila. "Doctor Yang, kamusta na yung pinapagawa kong gamot sa iyo? Handa na ba ito para ako'y gumaling sa sakit ko? " tanong ng isang lalaki. Kinuha ni Dr.Yang ang kanyang listahan sa la mesa at tinignan ito ng masinsinan. "Mr.President! Ahm Sir, ayon po dito sa listahan ko po medyo malapit na po siyang umabot sa estimated percentage para gumaling po kayo. Konting panahon pa po Sir at matatapos na po namin ito." paliwanag ni Dr.Yang. "Good! " sabi ng President kay Dr.Yang.

Sa labas ng facory, walang kaalam-alam ang mga tao kung ano pinag.gagawa sa loob nito. Ang alam lang nila ay gumagawa lamang sila ng mga processed foods. Pero, hindi nila alam na gumagawa din sila ng masasamang bagay tulad na lang ng pag.eeksperimento sa mga hayop at wala ng buhay na katawan ng tao.

Pagkalipas ng tatlong araw, bumalik sa factory ang Presidente ng lugar na iyon upang tignan muli kung tapos na ang kailangan niyang gamot. "Doctor, tapos na ba? " tanong nito. Kinuha ni Doctor Yang ang gamot na pinagawa ng Presidente at iniabot ito sakanya. "Magaling Dr.Yang. Ngayon, gusto ko gumawa ka ng isang gamot o kemikal na maaaring pumatay sa sambayanan dito sa lugar natin. Nabalitaan ko may nag.eespiya sakin at gusto ako pabagsakin sa puwesto ko. Gawin mo ito Doctor kung hindi, lahat ng mga pinaghirapan niyo dito ay mababale.wala lang." utos ni Mr.President. "Pero, Sir hindi po tama iyon." pabalang na sinabi ni Dr.Yang sa Presidente. "Sinusuway mo ba ang utos ko Dr.Yang? Gusto mo bang masawi ng maaga." galit nitong sinabi kay Dr.Yang. Napayuko na lang ito at sinabing gagawin raw niya. Napangisi ng ngiti ang Presidente at mukhang natutuwa pa ito sa mga pinag.gagawa niya.

Kinabukasan, sinimulan ng gawin ang kemikal na papatay sa buong bayan. At inabot sila ng Dalawampung araw(20 days) bago nila natapos ang nakamamatay na kemikal. "Doctor Yang, sigurado ba kayo sa gagawin nating ito? " tanong ng isang scientist kay Dr.Yang. Nagbuntong hininga ito at napa.iling siya sa tinanong ng kasama niya. "Ano po gagawin natin? Kung hindi niyo naman po sinunod si Mr.President paniguradong papatayin ka niya." sabi ng isang scientist sakanya. Biglang nabuhayan si Dr.Yang yun pala ay may naisip siyang magandang ideya. "Doctor Wilson, paki dala nga ito sa room 001. May naisip akong magandang ideya para dito." utos ni Dr.Yang sa kasama nito. "Huwag mong sabihin gagamitin mo iyon, Dr.Yang." sabi ni Dr.Wilson sa kanya. Ngumiti siya at tumango sakanya, "Bilisan mo Doctor, bago dumating si Mr.President." sabi ni Dr.Yang. Dali-dali namang tumakbo si Dr.Wilson papunta sa room 001. At pagkarating niya dun inilagay niya sa isang machine ang deadly chemical na ginawa nila at sinimulang paandarin ito. "Radioactive materials, 10%. Gamma rays, 90%. Siguro tama na ito upang maligtas ang ilan sa kanila. Kung sakali mang malanghap nila ito, kakaunti lang ang mamatay at yung iba naman ay magkakaroon ng pambihirang abilidad. Pero, side effects nito ay mawawalan ka ng malay ng dalawang araw. Puwede na ito kaysa naman patayin silang lahat." sabi ni Dr.Wilson. Nagsimula ng mag.iba ang kulay ng deadly chemical. Mula sa kulay asul naging puti na lamang ito. "Ayan sa wakas. Successful ang ginawa ko pagpalit sa deadly chemical." sabi niya. Biglang may narinig niyang pinaputok na baril. "Shit, andito na ang Presidente. Paniguradong hinahanap na niya itong kemikal na ito." sabi ni Dr.Wilson. Inactivate niya yung kemikal at sinet ito ng 5 mins.

Dahil dito, sa limang minuto na iyon. Sasabog at kakawala sa buong paligid ang amoy ng kemikal. At katulad nga ng sinabi ni Dr.Wilson, kaunti lang ang mamamatay at ang iba naman ay magkakaroon ng kakaibang abilidad. Pagkalipas ng limang minuto, sumabog na yung kemikal at lahat sila ay nalanghap ito. Ngunit, naka-handa ang Presidente at ang mga tauhan nito at lahat sila ay may suot na gas mask. Napahalakhak sa tuwa ang Presidente. Ang hindi niya alam iniba na pala nila Dr.Yang at Dr.Wilson ang kemikal na pinagawa niya.

Lumabas sila ng factory at pina.ikot ng Presidente sa buong bayan ang mga tauhan niya. Upang siguraduhing wala ng buhay sa lugar nila. Sumakay na ang Presidente sa kotse nito at lumisan na sa bayan nila. Habang ang mga tauhan nito ay nagsimula na ng pang.gugulo sa buong bayan. Pinasabog ang mga tirahan ng mga kababayan nila, pinagpapatay ang mga buhay pa, at sinigurado nilang walang mabubuhay sa lugar na iyon.

Bumalik sa dati ang lahat sa bayan kung saan nagsimula ang chemical outbreak pagkalipas ng limang taon. At dahil dito nabuhay na ang mga bagong magiging bayani ng lugar na iyon. Naging mahirap man ang mga pinag.daanan nilang lahat noon, at ngayong nakabangon na sila sa dinaras nila noon ay masusubukan naman ang katatagan nila sa panibagong pagsubok na makakaharap nila sa buhay nila.

============================

Legendary TeensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon