CHAPTER 10: THE TIME HAS COME part 2

190 1 0
                                    

Nang makabalik na kami ng mga kapatid ko sa hotel kasama sila Mama at Papa. Nadatnan namin si Lyan sa may cafeteria at mukhang may hinihintay siya. Nilapitan ko siya at sinabihan ko sila Mama at Papa gayundin sa mga kapatid ko na susunod na lang ako mamaya. "So, isa ka palang Director ng school. Kaya pala parang kaka.iba mga kinikilos mo nung huli nating pagkikita." sabi ko sakanya. "Napansin mo pala iyon. Pasensiya na noon kung bigla nalang akong nawala. Naging busy lang ako at iyon nga dapat ko raw isekreto sa iba ang tungkol doon. Pasensiya na ulit, Richard." sabi ni Lyan sa akin. "Naku walang problema sa akin iyon. Ayos lang yun, tutal may rason ka naman kung bakit ka nawala ng matagal na panahon. Well, it's good to have you back." sabi ko sakanya atsaka ako ngumiti. Nagulat siya sa mga sinabi ko, kung kaya naman "Anong ibig mong sabihin? " tanong niya sakin. Tumalikod na ako sakanya at kumaway habang nakatalikod. "Bye Lyan!! " sabi ko. Tinangka niya akong pigilan, "Sandali lang Richard. Sagutin mo tanong ko." sabi niya. Pero, patuloy parin ako sa pag.akyat papunta sa kuwarto namin. "Sa tamang panahon na lang." sigaw ko.

Nang marating ko na ang kuwarto namin. Nakahanda na ang mga pagkain sa la mesa at mukhang sisimulan na ang pag.celebrate sa pag.graduate naming tatlo. "Ang daming handa naman nito Mama at Papa. Mauubos kaya natin ito lahat." sabi ko sakanila. "Siyempre magbibigay tayo sa iba nating mga room-mates. Sabi nga, share your blessings." sabi ni Mama. Inabot ni Mama sa akin ang isang plato na puno ng pagkain atsaka ako inutusan na ibigay iyan sa katabi naming mga kuwarto. Pagkalipas ng 5 minuto, nabigyan na namin lahat ng mga dapat bigyan. Pagkatapos ay sabay-sabay kaming kumain ng handa namin sa graduation. Siyempre nagpalit ako sa human form para matikman lahat ng mga ito. Habang kumakain kami, may biglang nag.ring mula sa loob ng damit ko. Napansin ko ang isang chip na nakasabit sa may pocket ko. "Ano yan Anak? " tanong ni Papa sa akin. "Hindi ko po alam. Pero, mukha po siyang distress signal chip. Sa makatuwid, homing device." sagot ko naman kay Papa. "Ibig sabihin may nag.eespiya sayo Anak." sabi ni Mama. "Parang ganun na nga po." sabi ko. Lahat kami ay napa.isip kung sino naglagay nito sa damit ko. Nang biglang lumaki ito at lumitaw ang hologram ni Director Tony. "Director Tony." gulat kong sinabi. "Ako nga ito. Richard, puwede ba tayong magkita, isama mo na rin mga kapatid mo sa labas ng hotel." sabi ni Director Tony. "Nasa ibaba po kayo ngayon? " tanong ko sakanya. Tumango siya at sinabing magmadali raw kami. "Yes sir. Papunta na po kami diyan." sabi ko. "Narinig niyo naman siguro si Director Tony. Tara na, Joshua, Jireh. Mama, Papa, aalis na po muna kami. Babalik po kami kaagad." sabi ko. "Oh sige, mag.iingat kayo sa pupuntahan ninyo." sabi ni Mama sa amin. "Sige po Mama, Papa." sabi ko. "Alis na po kami. Mukhang importante po iyon eh." sabi ni Joshua. "Sige po, Mama, Papa, alis na po kami." paalam ni Jireh kila Mama at Papa bago kami umalis. "Ingat mga Anak." sabi nila Mama at Papa.

Bumaba na kami at pinuntahan si Director Tony sa labas ng hotel. Nagulat kaming tatlo ng makita namin ang lahat ng mga kasamahan namin. "Andito pala silang lahat." sabi ni Jireh. "Mukhang kumpleto na kayo. Pupunta tayo ngayon sa secret--" putol na sinabi ni Director Tony. "Sandali lang Tony. Hintayin ninyo ako." singit ni Lyan. Napatingin kaming lahat kung saan nang galing si Lyan. "Buti nalang nakahabol ka. So, tara na Aira. Punta na tayo sa secret--" putol na sinabi ni Director Tony. "Alam ko na gagawin Tony. Huwag mo ng ulitin pa." singit na sinabi ni Aira. Isang pitik(snap) ng mga daliri ni Aira ay nagteleport na silang lahat sa secret---

"Okay, nandito na tayo." sabi ni Director Tony. Nilibot namin ang mga tingin namin sa bawat paligid kung nasaan kami ngayon. "Ahm Director Tony, nasaan po tayo ngayon? " tanong ni Reign. "First of all, don't call me Director anymore. Graduate na kayo sa school namin at well maganda nga iyan ginagawa mo Reign, nirerespeto mo ako pero wala na tayo sa school, hindi ko na kayo hawak pa. Kaya, tawagin niyo na lang akong Tony, yun lang. Ganun din sila, tawagin mo nalang din silang apat sa plain name nila. Nakuha mo ba yun Reign." sagot ni Director Tony. "Opo, Tony." sabi ni Reign at ngumiti siya. Ngumiti rin si Tony kay Reign at tumingin na sa aming lahat, "Okay, narito kayo ngayon sa secret base ng league of teens at oo tama narinig ninyo. Simula sa araw na ito League of Teens na ang pangalan ng grupo ninyo. At may gusto akong linawin sa inyong lahat, dito na rin kayo titira mula sa araw na ito nang sa ganoon ay ma.monitor ninyo ang mga nangyayari sa buong siyudad. Maliwanag ba yun." sabi ni Tony sa aming lahat. "Yes Sir! " sagot naming lahat. "Good. Now, League of Teens dismissed. Bumalik kayo sa inyo at magpaalam ng maayos sa mga magulang ninyo. Para na rin hindi niyo sila mamiss ng mahabang panahon, dalhin niyo na rin sila dito." sabi ni Tony. Dahil sa sinabi niyang yun, natuwa kaming lahat at dali-daling umuwi sa mga tinutuluyan namin ngayon.

Legendary TeensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon