Simula nang mag.aral kami sa SUN(Super-Natural University) lahat ng mga abilities namin ay mas lalong nag.improved. Hindi namin namalayan na lumipas na pala ang apat na taon at kasalukuyang naghahanda na sa aming paglisan sa university na ito. Lahat kami ay nakapasa at mag.gragraduate na. Kay bilis lumipas ng panahon, parang kailan lang ay nag.eensayo at nagpapalakas pa kami pero ngayon ay gragraduate na kami. Bumalik sa unibersidad si Angel pagkalipas ng 2 taon, siguro sa tagal na iyon ay paniguradong nahirapan siyang hanapin ang Ate nito. Habang si Professor Elena ay nagpaalam na sa university at sa amin pagkabalik ni Lea. Sa pagkakabalik niyang iyon, siya naman ang pagbalik din ng itsura ng balat ko sa pagkabata nito. Hindi na itsurang matanda at kulubot. Inabot ako ng isang taon bago ko nakamit ang batang itsura ko kapag naka-human form ako. Nalaman ko rin kay Angel, I mean kay Lea na ang isang tulad namin ay isang Dhampir, Half-human, Half-vampire. Isa kami sa sampung clan ng vampire ang natatanging Half-breed at ang natitirang siyam(9/nine) na clan ay purong mga bampira at walang halo. Pero kahit kami lang ang nag.iisang half-breed, ang pinaka-punong bampira sa lahat ng clan ay nasa loob ng aming clan. At siya si Panginoong Recxkuz(pronounce as Rexuz), siya din ang kinikilalang pinakamalakas sa buong clan. Kaya nitong kontrolin ang isipan ng isang bampira at walang kayang tumanggi sa absolute order nito.
Sa kasalukuyan, naghahanda na kami sa gagawing celebrasyon ng aming pag.graduate sa university. Habang abala kami, ang aming Director ay pumunta sa opisina nito. At nang nasa opisina na siya, may naka.upo sa silya niya at may kasama pang apat na tao. "Punong Director, malapit na po magsimula ang pagbubukas ng ceremony para sa mga upcoming graduates natin po. Nakapag.pili na po ba kayo ng magiging bagong bayani natin." sabi ni Director. Tumayo ang punong Director sa inuupuan nito at "Kung ganun, oras na para magpakilala na sakanilang lahat." sabi ng punong Director. "Siguradong matutuwa ako sa gagawin natin." sabi ng isang babae. "Hinay lang, darating din tayo diyan." sabi ng isang lalaki. "Ano? Tara na ba sa central auditorium? " tanong ng isang lalaki. "Huwag kang manguna kay--" putol na sinabi ng isang babae. "Tama na yan. Halika na kayo. Director, please lead the way." singit ng punong Director. "Masusunod po Sir! " sabi niya.
Sa loob ng auditorium, taimtim kaming naghihintay sa pagsisimula ng graduation ceremony namin. Malamig sa loob ng auditorium, halos yung iba nga giniginaw na at gusto nang matapos ang mga gagawin namin.
Pagkalipas ng 20 minuto paghihintay namin, lumabas na si Director at humarap sa aming lahat. "Magandang umaga sa inyong lahat na narito ngayon. Students, Parents, and my Fellow Faculty Members. Ladies and Gentlemen, Welcome to our Graduation Ceremony! " bigkas ni Director. Nagpalakpakan kami sa ginawang speech ng aming Director at ang iba naman ay naghiyawan ng yes, at i love you Director. "Okay, settle down now graduates! Now, para sa importanteng announcement na aking gagawin. Ipapakilala ko sainyo lahat ang pinaka.Director ng school na ito at siya na rin po ang magpapatuloy ng celebrasyon na ito. Heto na po siya at kasama niya rin po ang mga tapat na kaibigan at tumulong din sa pagbuo ng university na ito. Walang iba kundi, si Punong Director Tony. A warm round of applause, Ladies and Gentlemen! Our main Director, Tony and his friends." sabi ni Director. Habang pumapalakpak kami ay nagsitayuan kami sa inuupuan namin ng lumabas na ang mga tinutukoy ni Director namin.
Isa-isa silang lumabas at nagulat ako sa ika-apat na lumabas. "Si-si Lyan iyon ah." sabi ko sa sarili ko. Kaya pala ang tagal niyang nawala ay dahil pala dito. Isa siya sa mga tumulong sa pagbuo ng school na ito at isa din siya sa may ari ng school na ito. Grabe, bulong ko sa sarili ko. Humarap silang lima sa amin sa itaas ng stage at tinignan kaming lahat na gragraduate na. "First of all, Thank you for that warm welcome Ladies and Gentlemen. By the way, I'm Director Tony. Ang pinaka.head Director sa school na ito. Kasama ko rin po ang mga tumulong sakin sa pagbuo ng university na ito. Heto po sila Ladies and Gentlemen." sabi ni Director Tony. "Good morning to all of you! I'm Leon, cousin of our head Director and this is my Sister, Lyan and were both cousins of Director Tony." sabi ni Leon. Kumaway naman si Lyan sa amin lahat. "Hello po sainyong lahat. Magandang umaga po! " sabi ni Lyan. "Good morning po sainyo lahat. I'm Ron, friend of Director Tony." sabi ni Ron. "I'm Aira, Good morning to all of you! " bati niya sa amin.
BINABASA MO ANG
Legendary Teens
Historical FictionSa isang bayan may kumakalat na balita kung saan may mga Diyos daw na bumababa sa lupa upang tulungan ang mga tao sa binit ng kamatayan. Sa kabilang banda naman, may isang factory na gumagawa ng antidote para sa sakit ng presidente, at dahil walang...
