Dalawang buwan(months) bago ang digmaan:
"Grabe, ang init naman." sabi ni Danielle. "Oo nga. Pati ako naiinitan kahit na apoy ang ability ko." sabi ni Joey. Biglang may naisip na ideya si Vince. "Eh kung gumawa kaya tayo ng swimming pool? Tutal summer ngayon, mas mabuti nang enjoyin na natin habang maaga pa." sabi niya. Natuwa sila sa naisip na idea ni Vince. "Bakit hindi mo nalang paulanin ng yelo? Nang sa ganoon ay malamig at hindi na ganitong napaka.init." sabi ni Lisha. Tumango halos ang lahat sa sinabi ni Lisha. "Hindi ko puwedeng ibahin ang flow ng weather. Summer kung summer. Autumn kung autumn. Winter kung winter. Kaya tiisin niyo nalang yung panahon ngayon." sabi ni Vince. "Tapos na! May swimming pool na tayo." sabi ni Andrew. Nasupresa(surprise) kami sa nakita namin. Nakagawa na nga si Andrew ng Pool kahit na wala pang nagsasabi sakanya na gumawa nito. "Puro kayo daldalan diyan. Kaya ito, gumawa na ako kaagad ng Pool para sa ating lahat." sabi ni Andrew. "Paano natin pupunuin iyan? " tanong ni Andrei. "Ako nang bahala." sabi ni Vince. Nag.cast siya ng ability niya sa may Pool at pinuno niya ito ng yelo. "Ayan, okay na." sabi ni Vince. "Paano tayo lalangoy diyan kung matigas yung tubig." sabi ni Reign. Tinignan ni Vince si Joey senyales(sign) na siya ang gagawa ng susunod na hakbang. Hinawakan ni Joey yung yelo at nag.cast ng apoy sa mga kamay niya. Mga ilang saglit lang ay natunaw na yung yelo at naging tubig na. "Kailangan malagyan natin yang Pool ng chlorine para parating malinis at iwas sa bacteria." sabi ko. "No problem! Akong bahala dun." sabi ni Lisha. Nag.cast siya ng magic sa tubig at mga ilang segundo lang ay naamoy ko na ang chlorine sa tubig. "Nice! Kaya mo rin pala gumawa ng ganoon Lisha." sabi ko. Tumango lang siya at ngumiti sa sinabi ko. "Anong nangyayari dito? " tanong ni Tony. "Well, nag.aya silang mag.swimming dahil daw mainit ngayon." sagot ko. "Ah ganun ba. Aira, takpan mo ang araw nang sa ganoon iwas sunburn ang mga ito." sabi ni Tony. Inangat ni Aira ang mga kamay niya at itinutok sa may araw. Mga ilang sandali lang ay dumilim na at natakpan na ang araw. "Enjoy your swimming! " sabi ni Aira.
Pagkalipas ng isang oras ay nagsitalunan na sila sa Pool. "Hoy, kakatapos niyo lang kumain. Sasakit tiyan niyo niyan." sabi ko. "Okay lang yun. Pinabilis ko naman metabolism ng mga tiyan namin nila Kuya Vince at Zyrus eh." sabi ni Lisha sa akin. Grabe, pati ba naman yun ay kaya niyang gawin, bulong ko sa sarili ko. "Halika na dito sa Pool, Kuya Richard." sabi ni Zyrus. "Salamat pero hinihintay ko pa si Lea." sabi ko. "Oh sige. Sunod ka nalang sa amin ha." sabi ni Zyrus. Tumango nalang ako sa sinabi niya.
Pagkaraan ng kalahating oras, lahat na sila ay lumusong na sa Pool habang Ako at si Lea ay nanunuod lang sakanila. "Bakit hindi ka pa mag.swimming Richard? Tutal naka.ready ka na rin lang." sabi niya sa akin. "Ikaw Lea, lulusong ka rin ba sa Pool? " tanong ko kay Lea. "Oo naman. Pero.." sagot niya. Biglang tinulak niya ako sa may Pool at tumawa sa ginawa niya. "Ayos! Magaling! Tsk, nakuha pang tumawa nito." sabi ko na may halong inis sa boses ko. "Come on Richard. Walang pikunan." sabi ni Lea sa akin at tumawa muli.
Pagtungtong ng alas sais ay umahon na ako. Mula alas-dos(2pm) hanggang alas-sais(6pm) ay nasa loob ako ng Pool, pero ni hindi man lang kumulubot ang mga balat ko sa mga kamay at paa ko. "Richard! " tawag ni Lea sa akin. "Bakit? " sabi ko naman. "Patulong naman umahon. Please Richard! " sabi niya. Inabot ko ang mga kamay ko sakanya at siya naman pag.abot nito. Nang biglang hinila niya ako pabalik ng Pool. "Argh! Ano bang problema mo Lea? Kita mong nagpapatuyo na ako eh." sabi ko sakanya. "Ooppss, Sorry! " sabi ni Lea at ngumiti sakin. Sinubukan kong umahon muli pero pinigilan niya ako. "Maglalaro pa tayo ng Pool volleyball." sabi ni Lea. "Alam ko! Kanina ko pa nabasa sa isipan mo." sabi ko. Nagulat siya sa narinig niya. "Anong sabi mo? " tanong niya. "Wala! Sabi ko, ikukuha ko lang sila ng mga inumin at pagkain kaya ako umaahon." palusot kong sinabi. "Ahh, kanina mo pa sana sinabi bago ako humingi ng tulong sayo na umahon." sabi niya. Umahon na ako sa Pool at sinet.up na ang net sa may Pool. "Kukuha lang ako ng kakainin at iinumin nating lahat. Saglit lang at babalik ako." sabi ko sakanilang lahat. "Okay! " sigaw ni Zyrus.
BINABASA MO ANG
Legendary Teens
Fiksi SejarahSa isang bayan may kumakalat na balita kung saan may mga Diyos daw na bumababa sa lupa upang tulungan ang mga tao sa binit ng kamatayan. Sa kabilang banda naman, may isang factory na gumagawa ng antidote para sa sakit ng presidente, at dahil walang...
