CHAPTER 14: SOLAR MELTDOWN

118 2 0
                                    

Umaga ng Abril 30;

Sa loob ng pool, "Woohh, ang sarap ng tubig sa pool. Ang lamig at nakakapag.ginhawa ng pakiramdam." sabi ni Kevin Carl. "Oo nga, hindi ko na maramdaman init ng panahon ngayong summer." sabi ni Maynard. "So, ano KC at Maynard, tama na ba lamig ng pool o gusto niyo pang dagdagan ko ang temperatura(temperature) nian? " tanong ni Vince. "Ah hindi Vince, okay na ito. Sa akin sakto na ang lamig nito at isapa kakahiya naman sayo kasi naabala ka pa namin dahil lang dito sa pabor namin. So, salamat Vince." sabi ni Maynard. "Oo nga Vince, okay na nga ito. Maraming salamat ah! The best ka talaga pagdating sa mga pabor." sabi ni KC. Napakamot ng ulo si Vince at sinabing, "Naku wala iyon. Isapa, natutuwa akong makatulong sa mga nangangailangan ng tulong ko. Katulad ng sa inyo, parang ganyan." sabi ni Vince atsaka ngumiti.

Sa loob ng base, abala ang lahat sa paglilinis sa buong paligid, habang ang mga magulang nila ay nasa loob ng kuwarto at natutulog parin. "Paki abot nga yung dustpan Jireh." utos ko sakanya. Kinuha niya yung dustpan at ini.abot sa akin. "Salamat! " sabi ko. Biglang lumapit sa akin si Lyan, "Ahm Richard, puwede mo ba akong samahan sa mall? " tanong niya sa akin. "Hmm, puwede pero mamaya pagkatapos namin dito sa paglilinis." sagot ko. "Sige, salamat." sabi ni Lyan. Tinignan ko si Lea at mukhang abala siya at hindi niya kami napansin.

Pagkalipas ng isang oras, natapos na kaming lahat sa paglilinis at kanya-kanya na silang pag.upo at pagpahinga sa sopa. "Ayy grabe, kapagod." reklamo ni Danielle. "Oo nga." sagot din ni Lisha. "Who wants some drinks? " sigaw ko. "Ako! " sabi ni Zyrus. "Ako rin! " sabi din ni Renielle. "Kailangan pa bang sabihin yan Richard? " sabi ni Lea. "Well, nag.aalok lang. Isapa, baka mamaya kung ano gawin kong refreshment eh ayaw ng iba. Kaya, mas mabuti ng nagtatanong kaysa hindi." sabi ko. "Ako, gusto ko ng juice." sabi ni Zyrus. "Ako, gusto ko ng cola." sabi ni Renielle. Tinignan ko si Lea at sinabing, "Nakita mo na sinasabi ko? Kung hindi ako nagtanong baka mamaya ayaw nila dadalhin ko." sabi ko. "Oo na, sige na. Ikaw na ang tama." sabi ni Lea.

Pumunta na ako sa may kusina upang gumawa ng maiinom namin. Habang busy ako sa pag.gawa, napa.tingin ako sa may araw na para bang may kakaibang mangyayari. "Hmm, mukhang magkakaroon ng solar eclipse ah." sabi ko. "Richard, tapos na ba iyan ha! " sigaw ni Lea. Nagulat ako sa pag.tawag ni Lea sa akin. "Andiyan na. Sandali na lang ito." sabi ko. "Well bilisan mo. Nauuhaw na kami dito!" sigaw niyang muli. Napa.buntong hininga ako at umiling, "Hayy, kung minsan hindi ko maintindihan itong si Lea. Minsan seryoso, kung minsan umaaktong bata, at kung minsan din nag.susuplada. Hayy, ang hirap magkaroon ng ganitong ability na nakakabasa ng isip ng iba." bulong ko sa sarili ko. Binitbit ko na ang mga refreshment at dinala ito sakanila.

Habang nag.memerienda kami, binuksan ko yung t.v. at ini.lipat ko ito sa balita. "Magandang umaga po sa inyong lahat. Magkakaroon po tayo ng makasaysayang pangyayari mamayang ala-una(1pm) ng hapon kung saan may Solar eclipse na magaganap. Sa loob ng sampung minuto, panandaliang tatakpan ng buwan ang araw." sabi ng news anchor. "Wooh, ayos yun ah." sabi ko. "Tara, panuorin natin mamaya." sabi ni Lisha. Habang yung iba ay sumang-ayon sa sinabi ni Lisha.

Alas-dose(12pm) na ng tanghali, malapit ng magkatapat ang araw at ang buwan. "Konti nalang at matatakpan na ng buwan ang araw." sabi ko. "Oo nga at isang oras nalang may Solar eclipse na." sabi ni Lea. "Chips anyone? " alok ni Johanna. "Penge ako! " sabi ni Vince. "Ako rin Johanna." sabi ni Reign.

Habang hinihintay naman ang pagtakip ng buwan sa araw. May nararamdaman akong kakaiba. Tinignan ko ang buong katawan ko at napansin ko ang mga braso ko ay maputla samantalang naka.human form ako. Pumunta ako sa comfort room upang tignan ang sarili ko sa salamin. "What the heck? " sabi ko. Namumula ang mga mata ko, at maputla ang mga braso ko. Sinubukan kong gamitin ang ability ko kapag naka.human form, pero walang nangyari. "Anong nangyayari sa akin? " tanong ko sa sarili ko. Lumabas ako ng comfort room at sumali ng muli sakanilang lahat. "Argh! Ang init! " sabi ni Joey habang nagluluto siya ng barbeque. "Napaso ka Joey? " tanong ni Michael. "Oo. Nakakapagtaka naman iyon kasi dati naman hindi ako napapaso sa ability ko." sagot ni Joey. Inutusan ko si Michael na suntukin niya yung pader. Pero, nagtaka siya sa inutos ko. "Bakit ko naman gagawin iyon? " sabi niya sa akin. "Basta gawin mo nalang." sabi ko. Hindi na siya nag.alinlangan pa at sa halip ay sinuntok na niya yung pader. "Aray! " sabi ni Michael. Lahat kami'y nagulat ng hindi magawang masira ni Michael ang pader sa pagsuntok niyang iyon. "Anong nangyari? Bakit hindi ko nasira yung pader? " pagtataka niyang sinabi. "Dahil sa Solar eclipse." sabi ko. Nagtaka sila sa sinabi ko. "Tignan niyo nga kaka.iba sa akin." sabi ko. "Mapula mga mata mo at sobrang puti ng mga braso mo." sabi ni Andrei. Biglang napa.isip ako, "Hindi pa nga pala nila alam na bampira ako." bulong ko sa sarili ko. "Okay tama ka pero sa tingin ko dini.disturbed ng Solar eclipse ang mga abilities natin kaya parang nawawalan tayo ng kakahayang gamitin ang mga ito." sabi ko. "Meaning? " sabi ni Lea. "Habang andiyan ang Solar eclipse. Wala tayong mga abilities. As in wala, empty." sabi ko. Napa.isip silang lahat na may halong kalungkutan. Kahit ako napa.isip kung bakit pati ako ay nadamay samantalang vampire powers ko naman ang magpalit ng form. At isang sumpa ang ability namin ni Lea. "Ahm Richard, mukhang tama ka nga." sabi ni Lea sa akin. Napalingon ako sakanya at napansin kong nagbabago ng kulay ang balat niya. "Oh shit." sabi ko at sabay nilapitan siya. "Lea, lumilitaw pagiging bampira mo." bulong ko sakanya. "Wala akong magagawa. Kanina ko pa sinusubukan ibalik sa dati ang itsura ko pero hindi ko kayang bumalik sa human-form ko." bulong din ni Lea sa akin. "Panahon na siguro upang malaman nila ang katotohanan." bulong ko. "Magandang idea yan. Gamitin natin bilang camouflage ang Solar eclipse sa tunay nating pagka.tao." bulong ni Lea. "Magsisinungaling tayo? " bulong ko. "Well slight. Kasi isipin mo nalang magiging reaksyon nila kung malaman nilang tunay na bampira talaga tayo. Eh kung gawin natin itong pagkakataon para malaman ang reaksyon at pakiki.tungo nila sa atin habang nagloloko ang abilities natin, diba." bulong ni Lea. Inisip ko ang mga binulong sa akin ni Lea. Maaaring tama siya, kasi kung susubukan namin sabihin sakanila ang pag.panggap namin na nagiging bampira kami dahil sa Solar eclipse. Posibleng makita namin ang magiging reaksyon at pakiki.tungo nilang lahat sa amin ni Lea.

Hindi nagtagal ay sumang-ayon na ako sa plano ni Lea. Lahat sila ay sinubukan gamitin ang mga abilities nila pero ilan sakanila ay walang nangyari. "Nawala ata ability ko." sabi ni Zyrus. "Ganun din ako." sabi ni Vince. Napansin ko sila Lance at Andrew na walang ginagawa. "Oh Lance, Andrew, bakit parang hindi niyo sinusubukan ang mga abilities ninyo? " sabi ko. "Well, sa totoo lang kanina ko pa sinusubukan. Pero, pakiramdam ko unti-unting nawawala ability ko. Wala nga lumalabas sa mga ini.imagine ko eh." sabi ni Andrew. "Ayos lang sa akin. Andito pa ability ko." sabi ni Lance. Napatango nalang ako sa mga sinabi nila. "Guys, tignan niyo iyon." sabi ni Maynard. Napatingin kami sa tinuro ni Maynard.

Nagsimula na ang Solar eclipse. Tinakpan na ng buwan ang araw at nabalutan na ng kadiliman ng buwan at kaunting liwanag ng araw ang buong paligid. "Lea, umarte tayong nasasaktan upang magawa na natin ang idea mo." bulong ko kay Lea. Tumango nalang ito sa sinabi ko. Biglang umarte nalang ako na parang nasasaktan at gayundin si Lea. Nagulat silang lahat ng makita nilang nasasaktan kami. "Richard, Lea, anong nangyayari sa inyo? " sabi ni Lisha. Hindi kami umimik at patuloy kami sa pag.arte namin.

Pagkalipas ng limang minuto, natapos na ang pagpalit anyo namin at gayundin sa pag.arte namin. Tumayo kami ni Lea at tinitigan silang lahat. Nanahimik silang lahat ng mga sandaling iyon. Tinignan ko ang mga kamay ko atsaka tumalon ng mataas. Si Lea naman ay tumakbo ng mabilis pa.ikot sa pool area. Huminto na kami sa mga ginawa namin at kinausap na sila. "Sa tingin ko naging bampira kami ni Lea. Dulot ng Solar eclipse." sabi ko. "Kung sa inyo, temporary nawala ang mga abilities ninyo. Kami ni Richard ay naging bampira." sabi ni Lea. "Weird naman." sabi ni Danielle. "Astig!! " sabi ni Zyrus. "Anong pakiramdam na maging bampira ha? Richard, Lea." tanong ni Johanna. "Hay naku, matagal nang--" putol na sinabi ni Jireh at sabay takip ko sa bibig niya. "Ahh, ehh, oo tama ka Jireh. Matagal ko ng gustong sabihin sa inyo na nagugutom na ako. Kain na tayo ng tanghalian, kanina pa kasi tayo naghihintay dito sa labas eh." singit kong sinabi. Biglang tinanggal ni Jireh ang kamay ko sa bibig niya at sabay pasok sa loob. "So, tara na sa loob. Tutal tapos na ang palabas dito." sabi ko. At lahat kami ay pumasok na sa loob ng base.

Sa loob, sa may kusina, naghahanda na ng makakain na tanghalian sila Johanna, Jeffrey, at Jayson. Habang kami ay naghihintay sa may sala. "Tungkol sa tanong ni Johanna kanina sa iyo Richard. Ano nga bang pakiramdam na maging isang bampira? " tanong ni Vince sa akin. "Well, sa ngayon parang malakas ako, tumalas mga senses ko, at pati amoy ng mga dugo ninyo ay naaamoy ko. Ganun din si Lea kung tatanungin." sagot ko. Napa.tango nalang sila sa mga sinabi ko.

Pagkalipas ng limang minuto, nawala na ang Solar eclipse at bumalik na sa dati ang mga abilities namin. Bumalik na kami sa human-form ni Lea at sabay-sabay kaming natuwa dahil bumalik na sa wakas ang mga abilities namin.

Sa base nila Crimson, "Sir, nakita ko na po kahinaan ng League of Teens. Ito po ay ang Solar eclipse. Na.solar meltdown po sila dahil dun." sabi ni Sight. "Magaling Sight! Ngayon, alam na natin ika.tatalo ng League of Teens." sabi ni Crimson at sabay halakhak ng malakas. "Death Guild. Magpalakas pa kayo. Dahil sa susunod na atake natin, matatalo na ang League of Teens." sabi ni Crimson.

============================

Legendary TeensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon