Nagulat sila ng makita nila sila Tony na nagbalik na sa mundo ng mga tao. At tuwang-tuwa sila ng makita ng League of Teens sila Tony. "Kamusta na League of Teens? Kailangan niyo ba ng tulong namin? " sabi ni Tony. "Tony?! Leon?! Kayo ba talaga iyan? " sabi ni Lisha. Napangiti si Tony atsaka sinabing, "Pisilin mo pa braso ko nang malaman mo na totoo kami eh." Ginawa nga naman ni Lisha ang sinabi ni Tony at hindi siya makapaniwalang totoo nga na nagbalik na sila. "Pasensiya na kayo sa hindi namin pagbalik kaagad, nanganak ang asawa ko kaya kailangan ko munang mag.stay sa kingdom namin. Alam mo naman kapag nanganak asawa mo, kailangan nandoon ka sa tabi niya. Diba? " sabi ni Tony. "Bakit parang ang bilis naman? Nung nasa kingdom kami, hindi naman siya nun buntis. Pero, paanong nagkaganun? " naguguluhang sinabi ni Lisha. "Ah, eh, basta mahabang kuwento. Iba oras at panahon sa kingdom namin kaya parang mabilis ang lahat ng pangyayari. So, anong nangyayari dito ngayon? " sabi ni Tony.
Tinuro ni Maynard ang mga tao sa paligid nila at sinabing, "Ayan, tignan mo ang mga tao sa buong paligid. At isapa, kinuha ng Death Guild sila Richard, Lea at Joshua." Nabigla ang mga Gods sa mga narinig nila. Kung kaya naman, "Halina kayo, hahanapin natin ang pinagtataguan ng Death Guild." seryosong sinabi ni Tony sa League of Teens.
Sinimulan na nilang hanapin ang base ng Death Guild sa pamamagitan ng kapangyarihan ni Aira. "Ano Aira, nakita mo na ba kung saan sila nagtatago?" tanong ni Tony sakanya. Tahimik na naghahanap si Aira ng mga sandaling iyon nang biglang, "Nakita ko na kung nasaan sila." sabi nito sakanila. Napangiti ang lahat sa sinabi ni Aira. "Good! Ngayon, iteleport mo na tayo sa hideout nila." sabi ni Tony. Tumango nalang si Aira atsaka pinitik(snap) ang mga daliri nito.
Pagkadating nila sa hideout ng Death Guild, bigla sila kumilos at pumasok kaagad sa loob ng base nila. Nilibot ang bawat paligid ngunit wala silang nakitang tao kahit isa. "Akala ko ba dito yung hideout nila, ha Aira? " sabi ni Tony sakanya. "Kahit nga ako nagtataka kung bakit walang tao rito. Nakita ko kasi si Pitch na pumasok dito kaya ko nalaman itong hideout na ito." sabi ni Aira. "Kung nandito lang sila Richard at Lea, siguradong malalaman na natin kung nasaan sila." sabi ni Vince.
Sa Underground base ng Death Guild, nagsisisigaw ako sa computer ni Sight, "Mga pinsan! Nandito kami sa ilalim, nasa basement kami. Mga pinsan! " Biglang lumapit si Yang sa akin at sinapak ako sa tiyan ko. "Manahimik ka nga puwede. Kahit na anong gawin mo diyan, hindi ka nila maririnig. Napakalayo natin sakanila, hmm puwera nalang kung may super-hearing sila, posible pa iyon." sabi ni Yang. "Tama na iyan Yang! Kailangan natin siya sa plano ko." sabi ni Ghost. "Siya ba yung tinutukoy mo na-- " putol na sinabi ni Yin. "Oo, siya ang magsisilbing espiya natin sa grupo nila. At si Sight ang mata natin upang makasiguro na sinusunod niya ang lahat ng mga inuutos ko." singit na sinabi ni Ghost sakanila. "Alam mong hindi mo ako matatakot sa mga sinasabi mo kung sino ka man." galit kong sinabi sakanya. "Tama ka sa mga sinabi mo, kaya nga pupuwersahin kitang gawin ang mga ipag.uutos ko." sabi ni Ghost. "Anong ibig mong sabihin? " pagtataka kong sinabi sakanya. Nang biglang sumakit ang ulo ko at pakiramdam kong may ginagawa siyang kakaiba sa akin.
Pilit kong lumalaban sa ginagawa niya, "Argh! Hindi--mo--ako--kaya!! Argh! " galit kong sinabi. "Kung ako sa iyo sumuko ka nalang. Masarap sa pakiramdam ang ganitong may halong Diyos sa pagkatao mo." bigkas ni Gravity. Tinitigan ko siya ng masama atsaka sinabing, "Ganun ba? " At bigla nalang ako hindi nanlaban at hinayaang gawin ng maitim na nilalang ang ginagawa niya sa akin. "Mind control completed, susunod itong mga kasama niyang babae at lalaki. And sa tingin ko minamahal niya at kapatid niya ang mga ito." sabi ni Ghost. "Ho-hoy!! Hindi kami mag.on ni Richard, kaibigan ko lang siya at isapa ako ang master niya." paliwanag ni Lea. "Sus, nagpapaliwanag kapa. Halata namang may gusto ka sakanya." sabi ni Yang. "Hoy!! Ikaw ha sumosobra kana. Kanina ka pa daldal ng daldal diyan. Naiinis ka ba sa amin dahil natalo namin kayong magkapatid, ha? " sabi ni Lea. Biglang lumapit si Yang at sinabing, "Aba loko to ah! " Pinigilan ni Blast si Yang atsaka umiling ito. "Pasalamat ka pinigilan ako, kung hindi-- " putol na sinabi ni Yang. "Kung hindi, ano? " singit ni Lea.
Nang biglang natigil ang lahat sa ginawa ni Ghost. "Argh! " sigaw ni Lea habang nasasaktan siya sa mga nangyayari at gayundin kay Joshua. "Paano po kami? Ano na po gagawin namin? Bago naming Panginoon." tanong ni Slow. "Kayo ng bahala sa gusto ninyo. Tutal, nasa kamay na natin ang tatlong malakas sa grupo ng League of Teens." sagot ni Ghost kay Slow. "Pero, may kasama silang nagpapahina sa amin." sabi ni Quake.
Nag.cast si Ghost sa mga kasama niya at biglang nagbago ang mga itsura nito. "Awesome! " sabi ni Pitch. "Devil Power?!" bigkas ni Yang. "God power and Devil power? " sabi ni Lycan. "Ngayong hinaluan ko na kayo ng Devil powers ko at may God powers na kayo, siguro naman wala ng makakatalo sa inyo nian." sabi ni Ghost.
Tinignan ko sila at nagkunwaring walang malay. "Mabuti nalang at hindi ako natuluyan sa mind-control nito, kung sakaling nakontrol na niya talaga ako malamang malaki matutulong ko sa grupo nila." bulong ko sa sarili ko. Tumingin ako kila Lea at Joshua, nakita ko silang wala parin malay. "Tayo na Death Guild, maghasik na tayo ng lagim." sabi ni Ghost. "Yeah!! " sigaw nilang lahat. "Blast, maiwan ka rito sa basement kasama sila. Bantay mo sila at kapag gising na sila, sumunod nalang kayo sa amin." patuloy ni Ghost. Tumango nalang ito atsaka nagbigay galang kay Ghost.
Pagka.alis ng iba, si Blast nalang ang naiwan upang bantayan hanggang sa magising kami. "Mas okay pa ata itong bago naming panginoon kaysa kay Crimson. Biruin mo kami na daw bahala kung anong gusto namin gawin sa mga taong papaslangin namin, pero teka lang, pagka.alala ko ilalagay ni Ghost ang buong sangkatauhan sa ilalim ng mind-control. Ahh, bakit ba ako nakiki.alam. Ang trabaho ko ngayon ay bantayan sila at sumunod pag.nagising na." sabi ni Blast. "Narinig ko lahat ng sinabi mo." sabi ko. Lumingon si Blast sa likuran nito at nabigla siya sa narinig niya. "Mabuti naman at gising kana, hintayin na muna natin magising silang dalawa bago ko kayo pakawalan." sabi ni Blast sa akin.
Biglang nagising si Lea, siguro dahil na rin sa tagal ng pagkaka.tulog niya. Nilibot niya ang tingin niya sa buong paligid at nakita niya akong nakatali ang mga kamay ko. "Richard? " sabi nito sa akin. Sumenyas ako sakanya gamit ang mga mata ko at mukhang nakuha niya ang gusto kong sabihin sakanya. Tumango nalang ito at ginising si Joshua. Nang magising si Joshua, binulong ni Lea sakanya ang plano ko at mukhang sang-ayon din siya. Tinanggal na ni Blast ang mga nakatali sa amin atsaka kami sinabihan na, "Sumunod kayo sa akin." Ginawa namin ang sinabi ni Blast at nung nakatalikod na siya, inatake ko siya atsaka ko binalian ng leeg. "Tara na Lea, Josh. Babalik na tayo sa base at sasabihin sakanila ang lahat ng nga narinig ko." sabi ko. Tumango nalang sila atsaka na kami tumakbo pabalik sa base namin. "Andiyan na kami mga kasama, hintayin ninyo ang pagbabalik namin." bulong ko sa sarili ko.
===========================
BINABASA MO ANG
Legendary Teens
Historical FictionSa isang bayan may kumakalat na balita kung saan may mga Diyos daw na bumababa sa lupa upang tulungan ang mga tao sa binit ng kamatayan. Sa kabilang banda naman, may isang factory na gumagawa ng antidote para sa sakit ng presidente, at dahil walang...