Kasalukuyang naghahanap ng mga survivors ang grupo ng League of Teens at kasabay nito ang pagpaslang sa mga nakikita nilang zombie sa bawat lugar na madadaanan nila. Pero ang hindi nila alam ay naghahanda na naman umatake si Ghost sa sangkatauhan. "Alam kong mangyayari ang bagay na ito na may maninira ng plano ko. Kaya ngayon, ititigil ko na ang apocalypse na ito at isusunod ko naman ang mass control sa sangkatauhan." bigkas ni Ghost.
Nagtaka ang mga ka.grupo niya sa mga pinagsasabi niyang plano. "Ano yun? Gagawin mo ng tao ulit ang mga namatay na at naging zombie. Ganun ba? " sabi ni Angelica. Umiling si Ghost at sinabing, "Ibabalik ko ang panahon sa nakaraan noong hindi pa nagkakaroon ng apocalypse."
Ginawa na nga ni Ghost ang panibago niyang plano sa sangkatauhan. Binalik niya sa nakaraan ang oras at panahon kung saan wala pang nagaganap na apocalypse sa bawat parte ng mundo. Dahil dito, nagtaka ang League of Teens sa mga nangyayari sa buong paligid nila. "Anong nangyayari? Bakit parang bumabalik sa dati ang lahat." naguguluhang tanong ni Renielle. "Ewan ko lang. Pero sa tingin ko may nagbabalik ng oras sa nakaraan. Yung wala pa ang lahat ng mga ito." sabi ni Maynard. "Parang nirerewind niya? " sabi ni Zyrus. Tumango lang si Maynard atsaka muling tinuon ang pansin sa buong paligid.
Pagkaraan ng limang minuto, bumalik na ang lahat sa dati. Maraming tao na ulit ang nasa labas, buo na muli ang mga gusali, marami na rin nagmamaneho sa kalsada at bukas na ang mga restaurant sa buong paligid. "Shit, parang walang nangyari dito ah." sabi ko. "Oo nga eh, para bang walang nangyaring apocalypse dito." sabi ni Lea. Habang pinagmamasdan namin ang buong kapaligiran, may tumawag sa aking pangalan na napakapamilyar sa akin. "Richard? " tawag nito sa akin. Pagkalingon ko si Jake pala iyon, si Jake na kasama namin noon sa klase at may abilidad na maging pating(shark). "Oh ikaw pala Jake! Kamusta na? Atsaka sino iyang kasama mo? " sabi ko sakanya. Napangiti ito at sinabing, "Ahh ito ba? Girlfriend ko ito, siya si Aubrey." Napatango nalang ako sa sinabi niya. "Ahm Aubrey, siya si Richard. Kasama ko noon sa klase namin. Siya din ang tinuring naming Kuya sa klase, kasi masyado siyang strict at pala
utos." patuloy na sinabi nito. Natawa ang Girlfriend ni Jake atsaka napangiti sa mga pinagsasabi niya sa akin.
"So Richard, ano nga pala ginagawa niyo dito? May problema ba at napasugod kayong lahat dito sa United States." sabi ni Jake sa akin. Nagulat ako sa narinig ko at gayundin ang mga pinsan ko. "Seryoso? United States na ito? Shit! Nateleport tayo ng computer sa ibang bansa. Este sabi sa amin ng computer na magteleport kami sa destinasyong pinakita niya sa amin, kasi marami raw nanghihingi ng tulong dito." sabi ko. Nagtaka si Jake sa mga sinabi ko. "Hindi ko alam kung ano tinutukoy mo pero ano maitutulong namin? " sabi ni Jake. "Well, kanina lang kasi parang nagkakagulo dito. Puno ng mga zombies sa bawat paligid at nagdulot ito ng world apocalypse. Kaya ngayon nagtataka kami kung bakit biglang---Jake, Aubrey, ayos lang ba kayong dalawa? " sabi ni Vince. Nilibot ko ang tingin ko sa bawat paligid, lahat ng tao ay nakatulala at nakatayo lamang. Pati mga nasa loob ng sasakyan ay nakatulala din. "Bakit parang tayo lang ang hindi apektado sa mga nangyayari ngayon? " tanong ni Danielle. "Ewan ko lang, kahit ako ay naguguluhan ngayon. Wala akong ideya kung anong meron ngayon." sagot ko. Biglang nagtaka ako sa amoy ng dugo ni Jake, parang may kakaiba. "Hindi ata si Jake ang nasa harapan natin, iba amoy ng dugo niya. Kung siya man iyan, malamang normal na tao na siya." patuloy ko.
Napatingin silang lahat sa akin at nabigla sa mga sinabi ko. Napabuntong hininga ako at tumingin sakanila. "Mga pinsan, isa akong bampira. Tinago ko ito sa inyo dahil sa isang dahilan at iyon ay upang hindi kayo madamay sa patakaran ng clan namin, clan nila Lea I mean." sabi ko. "Pati si Lea? " naguguluhang tanong ni Danielle. Tumango ako at sinabing, "Si Lea ang nagpalit sa akin at siya rin ang master ko." Nakatulala silang lahat sa amin nang biglang nagsalita si Vince. "Wow, astig naman nun. Mga pinsan, sang ayon din kayo diba? Kasi tignan ninyo, may dalawa tayong kasamang mga bampira at malaki ang tiyansa(chances) natin na mahanap ang mga kalaban natin, diba? " sabi ni Vince. Nagtinginan sa isa't-isa ang mga pinsan ko nang biglang, "Well, may punto nga si Vince doon." sabi ni Maynard. "Sakin, hmm okay lang rin." sabi ni Jireh. "Nag.isip ka pa Jireh, tsk." sabi ko. "Okay rin sa akin iyon." sabi ni Lance. "Very well, mukhang lahat ay sang-ayon na at tanggap ang tunay na pagkatao nila Richard at Lea. Ngayon, hanapin na natin ang pasimuno sa mga nangyayari ngayon." sabi ni Jeffrey.
Tumango nalang kami atsaka na kami kumilos kaagad. Habang naglalakad kami, may lumitaw sa harapan namin. "Hello League of Teens! " sabi ng isang lalaki. "Shit! Mag.ingat kayo, si Blink iyan." sabi ko. Nang bigla naglaho siya at lumitaw sa tapat ni Joshua. Dahil sa pagkabigla, hindi siya umano kaagad nakapaghanda sa ginawa ni Blink atsaka ulit naglaho. "Kinuha niya si Joshua." sabi ni Vince. "Maging alerto kayo, siguradong andiyan lang sila sa paligid! " sigaw ni Lisha. At hindi nga nagkamali si Lisha sa sinabi niya. Biglang lumitaw sila Yin at Yang sa harapan namin atsaka nila kami kinuha at naglaho kasama nila. "Kinuha na rin nila sila Richard at Lea." sabi ni Johanna. Problemado na ngayon ang League of Teens dahil ang natatanging transportasyon nila na si Joshua ay kinuha ng Death Guild at gayundin ang natatanging alas(ace) nila upang matunton ang mga kalaban ay kinuha na rin ng Death Guild. Magawan pa kaya nila ng solusyon ang mga problemang ito. May darating pa kayang pag.asa sa League of Teens. "Ano ng gagawin natin? " sabi ni Reign. "Kamusta na kayo League of Teens! Kailangan niyo ba ng tulong namin? " sabi ng isang lalaki. Pagkalingon sa likuran nila, nagulat sila ng makita nila ang pag.asang hinihintay nila. "Tony?! " sigaw ni Lisha.
===========================
BINABASA MO ANG
Legendary Teens
Historische RomaneSa isang bayan may kumakalat na balita kung saan may mga Diyos daw na bumababa sa lupa upang tulungan ang mga tao sa binit ng kamatayan. Sa kabilang banda naman, may isang factory na gumagawa ng antidote para sa sakit ng presidente, at dahil walang...