"Kuya, san ka na naman pupunta? " tanong ni Jireh sakin. "Papahangin lang sa labas. Bakit may problema ba sa pag-alis ko? " sabi ko sakanya. "Wala naman. Sige, bumaba kana kung aalis ka na. " sabi ni Jireh. Tumungo na ako sa pinto at bumaba na sa ground floor. Palabas na ako ng Hotel nang biglang tawagin ako ni Lyan. "Anong kailangan mo sakin Lyan? " tanong ko sakanya. Ngumiti lang siya at sinabing wala naman. Binuksan ko na ang Hotel Door at lumabas na ng tuluyan. Pumunta ako sa kagubatan para makipag-wrestling ulit sa Oso. Pero, bago ko matungo ang kinaroroonan ng Oso. Nakuha pansin ko ang isang kakaibang amoy na sinundan ko noon at dinala ako sa may secret hideout laboratory sa kaloob-looban ng kagubatan. Sinundan ko itong muli at may narinig akong sumisipol habang papalapit ako sa secret hideout laboratory na nakita ko noon. Biglang nawala ang naririnig kong sumisipol. Siguro napansin na niya ako, sabi ko sa sarili ko. Nang may tumalon mula sa itaas ng mga puno at bumagsak mismo sa harapan ko. "Sino ikaw? Anong ginagawa mo rito? " sabi ni niya sakin. Tinitigan ko siya ng matagal hanggang sa sinagot ko na ang mga tanong niya sakin. "Kung may hinahanap ka o sinusundan, siguradong wala na iyon dito." sabi niya. "Well, sa totoo lang wala akong taong sinusundan kundi amoy ang sinusundan ko." sabi ko sakanya. Huli ko na naisip na mali ang sinabi ko sakanya. "Huwag kang mag-alala. Hindi na bago sakin ang ganyang mga sagot. Karamihan ng mga nakakasalamuha kong tao ay weird at parang hindi normal na tao." sabi niya sakin. Napatango nalang ako at sinimulan ko ng magpakilala sakanya, "Ako nga pala si Richard." sabi ko. "Lance naman ang pangalan ko. " sabi niya. "Nga pala, hindi ka ba natatakot sumipol mag-isa dito sa kagubatan? Kasi, alam ko may kuwento na kumakalat dito na may nakatirang mangkukulam(witch) dito sa kinatatayuan natin ngayon. Iyon ang pagka-alala ko sa kuwento nila." sabi ko. Ngumisi siya at sinabing hindi totoo mga kuwentong iyon dahil daw matagal na niyang ginagawa ang pagsipol simula ng madiskubre niya ang tambayan niyang ito.
"Oh sige Lance, kailangan ko ng umalis at may sinusundan pa akong nilalang." sabi ko. Tumango lang siya at sinabing mag-ingat ako. Nang maka-alis na ako, si Lance ay bumalik ng muling sa itaas ng puno at sumipol muli. Pero, mga ilang minuto palang ako nakaalis biglang may lumitaw na itim na anino sa ibaba ni Lance at sa aninong iyon ay lumabas ang isang mangkukulam. " Iho! " tawag nito kay Lance. Napatigil si Lance sa pagsipol at napatingin siya sa ibaba niya. "Ano po iyon? Ahm Lola. " sabi ni Lance sakanya. "Puwede ka bang bumaba muna diyan saglit at may sasabihin lang ako saiyo. Importante lang kasi ito, Iho. " sabi niya. Dali-dali naman bumaba sa puno si Lance. "Heto na po ako, Lola. Ano po iyo-- " putol na sinabi ni Lance dahil nagulat siya sa nakita niya. Biglang may lumitaw na itim na aura sa kamay ng matandang mangkukulam na iyon at hinipan papunta kay Lance. Nahilo si Lance ng malanghap niya iyon at bumagsak siya sa lupa. "Ngayon binigay ko na saiyo ang sumpa ko. Hinding-hindi ka na makakasipol muli pero kung susubukan mo naman sumipol, lahat ng makakarinig ng munting sipol mo ay may mangyayaring hindi maganda sakanila. " sabi ng mangkukulam atsaka siya humalaklak ng malakas. Pero, dahil sa nangyari kay Lance. Wala siyang marinig at kalaunan ay nawalan na siya ng malay. Sa pangyayaring iyon, naglaho na ang mangkukulam habang si Lance ay nakahiga parin sa lupa at walang malay. Pagkalipas ng kalahating-oras, nagkamalay na siyang muli at hawak-hawak niya ang ulo nito na parang masakit parin dahil sa nangyari sakanya. "Argh, sakit ng ulo ko. Ano kayang ginawa sakin ng matandang iyon at parang ang bigat ng pakiramdam ng ulo ko. " sabi ni Lance sa sarili niya. Tumayo na ito at tumungo na papunta sakanilang bahay.
Sa kasalukuyan, hinahanap ko parin ang naaamoy kong dugo. Wala akong kamalay-malay kung ano makakaharap ko sa dulo ng aking sinusundan. Patuloy ko parin ito sinusundan hanggang sa umabot ako sa isang lugar kung saan may malawak na kapaligiran at may nakatayong kampo(camp). "Sino kaya mga nakatira dito? At bakit parang walang katao-tao. " sabi ko sa sarili ko. "Richard ! " sigaw ng napaka-pamiliar na boses sakin. Lumingon ako sa likuran ko at nagulat ako sa nakita ko. "Lyan! A-anong ginagawa mo rito? Paano mo ako nasundan dito? " sabi ko sakanya. "Sabihin mo nga sakin ang totoo. Gifted ka rin ba tulad ng iba? " tanong niya sakin. Hindi ako makasagot sa tanong niya, dahil sa pagkaka-alam ko wala naman nagbabanggit sakanya na gifted ako. "Ano Richard? Gifted ka rin ba? " tanong niya ulit sakin. "Paano kung sinabi kong gifted din ako. Anong gagawin mo? " sabi ko sakanya. Biglang inangat niya ang kamay at may nabuong tubig sa paligid ng katawan ko. Mga ilang segundo lang ay nakulong na ako sa bolang tubig. "Ano itong ginagawa mo Lyan? " tanong ko kay Lyan. "Nasa loob ka ng water-lock ko. Hindi magtatagal ay mawawalan kana ng oxygen at kalaunan ay mamamatay kana diyan. " sabi ni Lyan sakin. Sinubukan kong suntukin ito pero ang galaw ko sa loob ay mabagal at pinipigilan ako sa pagkilos. "Pakawalan mo ako dito Lyan! " sigaw ko sakanya. "Kailangan niyo mamatay para maiwasan makuha ni Crimson ang mga abilidad ninyo at lumakas pa siyang lalo." sabi niya. Wala akong clue kung ano ang mga pinagsasabi niya. "Hindi ko kilala si Crimson at bakit mo pa ako kailangan patayin kung kaya ko naman iwasan ang taong tinutukoy mo." sabi ko. Inangat muli ni Lyan ang kamay niya at bumuo siya ng isang sandata na hugis spear. "Itong water-spear ko ang tatapos sa buhay mo." sabi niya.
BINABASA MO ANG
Legendary Teens
Ficção HistóricaSa isang bayan may kumakalat na balita kung saan may mga Diyos daw na bumababa sa lupa upang tulungan ang mga tao sa binit ng kamatayan. Sa kabilang banda naman, may isang factory na gumagawa ng antidote para sa sakit ng presidente, at dahil walang...
