CHAPTER 9: STORY OF THE HEROES

183 1 0
                                    

Ako nga pala si Vince, isa akong gifted teen. Nakuha ko ang ability ko sa isang factory at pinag.eksperimentuhan nila ang katawan ko. Nagsimula iyon ng mabangga ako sa isang sasakyan at imbes na dalhin ako sa hospital ay dinala ako sa isang factory na iyon pala ay isang laboratory. At dun na nga nagsimula ang aking pagiging gifted.

Ako nga pala si Lisha, isa akong gifted teen. Naging white witch ako dahil sa isang pangyayari sa loob ng gubat. Gustong-gusto ko na sanang umuwi sa amin ng mga hapon na iyon pero ng mga oras na yun ay naliligaw na ako. Inabutan na ako ng gabi sa loob ng gubat at patuloy lang akong umiikot at hindi makalabas ng gubat. Umiyak na ako ng mga sandaling iyon nang biglang may lumitaw na ilaw sa harapan ko. Dahil sa tulong ng good witch, ligtas akong naka.uwi sa amin at bilang kapalit daw ng pagtulong niya sa akin. Ipapasa na niya raw sakin ang kapangyarihan niya pero kailangan araw araw ko siyang dalhan ng pagkain hanggang tumungtong daw ako ng labing limang. At dun ko nakuha ang pagiging witch ko.

Ako nga pala si Zyrus, gifted teen. Nakuha ko ang ability ko sa loob ng school namin, bale high school student palang ako nun. Parati ako binubully ng mga klasmeyts ko at nang humantong sa pambubugbog ang pagbubully nila sa akin. Lumabas ang mga metal sa buong katawan ko nang magalit ako.Yan ang nangyari kung paano ko nakuha ko ang ability ko.

Ako nga pala si Michael, gifted teen. Isang scientist ang daddy namin. Gumagawa siya ng kung anu ano na maaaring magamit sa pang.araw araw. Ngunit, aksidente niyang natusok sakin ang Enhancing Strength Drug nung 9yrs. old palang ako. Mga ilang taon ng lumipas nung mangyari yung aksidente, yung Enhancing Strength Drug na nasa katawan ko ay hindi na nawala. Dun ko nakuha ang ability ko.

Ako nga pala si Kevin Carl for short KC, isa akong gifted teen. Dahil sa isang aksidente dulot ng kidlat. Nagkaroon ako ng kapangyarihan. Inaayos ko ang aming T.v. nung panahon na may bagyo sa amin nang biglang tamaan ng kidlat ang antenna namin at dumaloy ito sa T.v. namin hanggang sa makuryente ako nito. Kinabukasan, hindi ko namalayan bumilis ang kilos ko. Nagkaroon ako ng super-speed nang dahil sa short-circuit at sa kidlat.

Ako nga pala si Maynard, gifted teen. Kaya ko makita ang hinaharap(future) at ang nakaraan(past), at kaya ko rin ma.predict ang desisyon ng isang tao, kumabaga makikita ko kaagad ang gagawin niyang galaw o pag.atake na na.aayon sa kanyang gagawing desisyon. Dahil sa outbreak kaya ako naging special.

Ako nga pala si Danielle, isa akong gifted teen. Nung panahon na may outbreak sa lugar namin, kumakanta ako nun nang malanghap ko isang di ka nais-nais na amoy. Pagkalipas ng 3 araw, nagulat ako ng biglang lumakas ang sigaw ko. Ayon sa niresearch ko, super-sonic daw ang dulot ng paglakas ng boses ng isang tao. Nakakabingi at posibilidad na makabasag ng mga salamin sa isang sigaw lang daw. At dun ako naging gifted dahil sa outbreak.

Ako nga pala si Justine, gifted teen. Kaya ko gumawa ng isang ilusyon na maaari kong gamitin sa oras ng pangangailangan. Na.exposed ako at ang ate ko sa isang radio-active material na may halong gamma. Nalanghap ko ang masamang amoy nung outbreak sa lugar namin. Nung una nalilito ako at natatakot sa mga nangyayari sa akin dulot ng mga ilusyon na nakikita ko. Matagal-tagal din bago ko ito nalaman at na.kontrol ng maayos. At dun ako naging gifted dahil sa outbreak.

Ako nga pala si Jeffrey, gifted teen. Abilidad kong magpalaho ng isang bagay sa isang tingin ko lang. May sakit ako noon na sore-eyes, kasabay pa nito ang outbreak sa lugar namin. Nang malanghap ko ang kemikal na kumalat sa hangin, sumakit ang ulo ko gayundin ang mga mata ko. Tinignan ko sa salamin ang mga mata ko upang malaman ko kung anong nangyayari nang biglang napunta ako sa kawalan. Sa madaling salita, other dimension. Nakulong ako dun ng halos 5 oras na katumbas sa mundo naminn na dalawa't kalahating taon. Nakabalik ako sa mundo namin ng tumingin ako sa repleksyon ko sa tubig. At dun ko nalaman na may special na ako.

Legendary TeensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon