CHAPTER 15: SURPASSING THE LIMITS

117 3 0
                                    

Sa loob ng base, mahimbing na natutulog pa ang lahat pero si Vince ay maagang nagising. "Oh Vince aga mong nagising ah. Alas-singko palang ng madaling araw." sabi ko. Nagulat siya ng makita niya akong bihis at naka.porma ng pang jogging. "Mag.jojogging ka Richard? " tanong niya sa akin. Natapos ko na ang pagtali sa mga sintas ng sapatos, "Ayan, natali na. Ahm oo, gusto mo bang sumama samin? " sabi ko. Nagtaka siya sa sinabi ko. "Kasama? Sino kasama mo? " tanong niya sa akin. Tinuro ko sa may likuran ko na katapat lang ng pintuan. "Hello! " sabi ni Lea. "Si Lea?! " sabi ni Vince. Tumayo na ako sa kinauupuan ko at sinabi ko kay Vince na, "Hintayin ka nalang namin sa ibaba." Tumango nalang siya sa sinabi ko.

Pagkalipas ng limang minuto, nakahanda ng mag.jogging si Vince kasabay namin. "Tara na! " sabi niya. Lumabas na kaming tatlo at nag.jogging na.

Sa may daan, habang nag.jojogging kami, biglang may sinabi si Vince sa akin na ikina.gulat ko. "Gusto ko pang mas lumakas katulad niyo ni Lea." sabi niya. Napahinto ako sa pag.jogging. "Gusto mong lumakas katulad namin ni Lea? " sabi ko. Tumango siya sa akin. Nagbuntong hininga ako at tinitigan siya. Bakas sa mukha niya ang pagka.seryoso sa mga sinabi niya. "Bakit naman hindi." sabi ni Lea. Tinignan ko si Lea at biglang ngiti sa akin. "Okay Vince! Palalakasin ka namin." sabi ko. Sa sobrang tuwa ni Vince, humiyaw siya ng napakalakas. "Chill Vince! Baka madinig ka ng mga pinsan natin. Alalahanin mo tulog parin sila." sabi ko. Tumango ito at humingi siya ng paumanhin sa akin.

Pagkatapos mag.jogging, naka.uwi na kami sa base mga bandang alas-siyete(7am) ng umaga. "Argh! Ang sakit ng mga binti ko." sabi ni Vince. "Una sa lahat, mag.banat ka muna bago sumabak sa jogging, kung hindi ayan mangyayari sa iyo." sabi ko. "Hindi ko naman kasi alam at isapa hindi ko kayo nakitang nag.banat(stretching) bago tayo mag.jogging eh." sabi ni Vince. Biglang natawa si Lea kay Vince. "Sorry! Pero actually Vince, nag.banat na kami ni Richard. 5 minutes bago ka gumising." sabi ni Lea. Tinignan ko si Vince at sinabi sakanya na, "Ano Vince? Kaya mo pa bang sumabak muli? Diba, sabi mo sa amin na tulungan kang mas lumakas? " sabi ko. Pinilit niyang tumayo at "Oo naman! Kaya ko ito, sisiw sa akin itong pulikat ko." sabi ni Vince. Pina.upo ko itong muli at "Oh siya, mamayang gabi ka nalang namin tuturuan. Magpahinga ka na ngayon at mamayang gabi siguradong matinding ensayo(training) ang gagawin namin para sayo." sabi ko sakanya. Sa sobrang tuwa niya, napasigaw siyang muli, "Ayos!!! "

Pagtungtong ng alas-sais(6pm) ng gabi, pumunta kaagad kaming tatlo sa may basement upang mag.ensayo. "Okay! First things first, matinding ensayo ang gagawin namin sayo. Pero, gusto ko munang malaman kung ano ang kaya mong gawin." sabi ko. "Well, kaya ko gumawa ng isang bagay at gawin itong totoo sa pamamagitan ng ice ability ko." sabi niya. "Hmm, interesting. How about making a snow falls here in basement? Kaya mo ba?" sabi ko. Napa.isip siya sa sinabi ko. "A-ano kasi Richard. Hindi ko magagawa ang bagay na iyon. Kasi una sa lahat walang ulap o kahit na anong bagay na maaari kong gamitin para magpa.ulan ng yelo dito." sabi niya sa akin. "Okay! Sige ganito nalang, tirahin mo ako ng pinaka.best attack mo. At siguraduhin mong mapapatumba mo ako. As in mawawalan ako ng malay." sabi ko. Ngumiti siya sa akin at sinabing, "Oo ba! Yun lang pala eh. Patutumbahin kita gamit ang ability ko." Napa.ngisi ako at binulong ko kay Lea na umurong siya ng kaunti. "Pero Richard, hindi ka pa naka-vampire form. Mapapahamak ka sa gagawin mo." sabi ni Lea. Umiling lang ako at sinabing, "Trust me Lea! Walang mangyayari sa akin." Pumorma na ako at gayundin si Vince.

Lumipas ang mga oras hanggang abutin kami ng magdamagan sa basement. Nakakain na kami, nakapagpahinga na kami, at nag.ensayo ng todo pero hindi ko parin magawang palakasin si Vince. "Ano ba yan, Vince. Parang wala akong nakikitang bago sayo. Pati mga atake mo parang hindi lumalakas." sabi ko. "Please, isa pang subok. Baka dito magawa ko ng patumbahin ikaw." sabi ni Vince sa akin.

Umatake na akong muli, habang si Vince ay panay iwas sa akin, hanggang sa tamaan ko siya sa mukha at tumilapon ito ng malayo. "Vince! " sabi ko at sabay takbo papunta sakanya. "Argh! Ang lakas nun ah." sabi niya at sabay dura ng dugo. Tinapik ako ni Lea at sinabing, "Hindi ka dapat nagpalit ng form. Pasalamat ka suot ni Vince yung armor na binigay sa atin kung hindi napatay mo na siya." Tumingin akong muli kay Vince at humingi ako sakanya ng paumanhin. "Ayos lang iyon. Pero ang hindi ko maintindihan ay yung sinabi ni Lea sayo. Palit ng form? Bakit Richard may tinatago ka ba sa amin? " sabi niya sa akin. Natahimik ako ng mga sandaling iyon at hindi ko alam ang sasabihin ko. "Bakit rin pala maputla masyado ang balat mo? Pati mga mata mo ay kulay pula. Ano Richard? Ano ka ba talaga? " sabi niya.

Tumayo ako at sinabi sakanya ng buong tapang na, "Isa akong bampira. Half-human, Half-vampire. Kaya ko magpalit ng anyo kung kelan ko gusto. Tinago ko ito dahil sa isang dahilan, upang hindi kayo huntingin ng mga ka.uri namin." Natahimik at gulat na gulat si Vince sa mga sinabi ko sakanya. "Ako rin Vince ay isang bampira. Half-human, Half-vampire. Ako rin nagpalit kay Richard dahil kailangan ko siyang iligtas sa kamatayan. Isa kaming Dhampir ni Richard at kailangan naming itago ang buong katotohanan dahil one's na malaman ng higher-ups na nabisto na ang pagkatao namin. Huhuntingin ka at papatayin, gayundun sa mga bampirang nabisto." sabi ni Lea sakanya. "A-anong sabi mo? Okay, okay. Mananahimik ako at hindi ko ito ipagsasabi sa iba. Pero, umiinom ba kayo ng dugo ng tao? " sabi ni Vince sa amin. Umiling ako at sinabing, "Dugo lang ng hayop ang iniinom namin. Kung minsan kumakain kami ng pagkain ng mga tao upang ang mga hayop sa gubat ay makapagparami bago namin sila ulit huntingin at inuman ng dugo." sabi ko sakanya. Napahanga siya sa sinabi ko. "Cool !! " sabi ni Vince at biglang nagyelo ng malakas sa buong paligid ng basement. "Wow ! Ngayon Vince, gusto mo ulit mag.ensayo? " tanong ko sakanya. "Oo naman! " sagot niya.

Pinagpatuloy namin ang pag.eensayo, hanggang sa magawa na ni Vince tawagin ang blizzard kahit na walang tulong ng mga ulap o ng hangin. "Congratulations Vince! Well done! " puri ko sakanya. "Salamat Richard! Salamat Lea! Kung hindi dahil sa inyo siguradong hindi ko ito magagawa mag.isa." sabi niya. "Naku, wala iyon. Oh, paano akyat na tayo sa itaas? Malamang nagtataka na sila nian." sabi ko. Tumango nalang sila at sabay-sabay na kaming umakyat gamit ang elevator.

============================

Legendary TeensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon