CHAPTER 19: GHOST OF THE PAST

73 2 0
                                    

Sa bagong base nila Crimson, matiyaga silang nag.eespiya sa base ng League of Teens sa pamamagitan ng ability ni Sight. "So, may bago na pala silang kasama. At mukhang kasing edad mo lang ito, ha Goliath." sabi ni Crimson kay Goliath. Napatango nalang si Goliath sa sinabi ni Crimson sakanya. "Boss, tignan niyo ito. Nakita ko kanina nung wala kayo rito." sabi ni Sight. Pinakita ni Sight kay Crimson ang lahat ng mga nangyari sa kagubatan. At laking gulat nito nang makita niyang naging abo yung oso pagkatama ng ability ni Scott rito. "Malakas ang batang ito. Dapat hindi siya abutan ng teen-age years sa base ng League of Teens, kasi kung nagkataon ay gagawin na siyang isang ganap na kasapi ng League of Teens." sabi ni Crimson na may bahid ng pag.aalala sa boses nito.

Sa base ng League of Teens, sila Scott, Lance, Lea, Vince at Zyrus ay masayang nag.swimming sa pool at naglalaro sila ng pool volleyball. "Mukhang enjoy kayo diyan sa pool ah." sabi ko. Tumango lang si Scott at ngumiti sa akin. "Oh Scott, ingat ka ha, huwag kang malikot sa Floaters mo kung hindi malulunod ka." sabi ko kay Scott. "Okay po Kuya." sabi nito sa akin.

Sa kasalukuyan, naghahanda na ng isang plano ang grupo ng Death Guild laban sa grupo ng League of Teens nang makuhang pansin ni Crimson ang isang nilalang sa likuran ni Dark Mage(Nicole). "Ano iyang nasa likuran mo? Isa ba yang multo o summon? " tanong ni Crimson sakanya. Napalingon siya sa likuran nito at sinabing, "Ahh eto ba? Siya si Ghost, summon ko siya. Kaya niyang mang.angkin ng kaluluwa ng iba at gawin itong reserved soul. Kumbaga, kung sakaling mamatay ang isa sa amin ay maaari niyang gamitin ang reserved soul na iyon at ilagay sa dead body namin. At mga ilang sandali lang ay mabubuhay na siyang muli." Napatango nalang si Crimson sa mga sinabi ni Dark Mage sakanya. At mukhang natuwa si Crimson sa mga narinig niya.

Kinagabihan, lumabas ng base nila si Dark Mage upang kumolekta ng panibagong kaluluwa. Dahil tumatagal lamang ng dalawang buwan ang mga reserved souls na nakukuha niya. Pumunta sila sa isang bayan at sinimulan na nilang mangolekta ng mga kaluluwa. Sa loob ng limang minuto, nakakuha si Dark Mage ng mahigit isang daang(100) kaluluwa(souls) sa isang bayan pa lamang. Mas karaniwan niyang kinukuhanan ang mga batang edad lima pataas at mga malapit ng humantong sa dulo ng buhay nila, mga may edad(age) na singkwenta(50) pataas. "Gusto ko pang kumain ng mga kaluluwa. Kulang pa ito upang mapanatili ko ang pagka.imortal ko." sabi ni Ghost. "Sshh! Huwag kang maingay Ghost, baka may makarinig sa'yo. Malaking sekreto natin ang tunay mong pagkatao, diba? Hmm, huwag mong sabihin nakalimutan mo na tungkol doon. Ha, Ghost? " sabi ni Dark Mage kay Ghost. "Puwede ba alila ay manahimik ka nalang diyan. Huwag na huwag mo akong pagsasabihan ng ganyan. Baka ikaw ang nakakalimot kung sino talaga ako." bigkas ni Ghost na may halong galit sa boses nito. Napabuntong hininga si Dark Mage atsaka sinabi kay Ghost na, "Oo na, oo na. Ikaw ang nagbigay sa akin ng ability ko at ikaw rin ang nagbigay ng bago kong buhay. Kung hindi dahil sa'yo, malamang patay na ako ngayon." Namula ang mga mata ni Ghost at biglang, "Magaling! Mabuti nang nagkakaliwanagan tayo. Ako parin ang iyong Master at hindi si Crimson. Tama ba ako, aking munting alila? " sabi ni Ghost. Ngumiti si Dark Mage atsaka sinabing, "Yes Master! "

Ako si Ghost, isa akong darklord noong may katawan pa ako. Kilala ako sa kaharian namin sa tawag na Doom. Ngayong isa na akong anino na lamang, pina.alis ako sa sarili kong kaharian. Dati pinamumunuan ko ang Underworld o mas kilala sa tawag na Hell at nagkakalat ako ng lagim sa mundong ibabaw kung saan maraming tao ang nais makatikim ng kapangyarihan. Ang hindi nila alam na may kapalit ang bawat hiling nila sa akin. At isapa, kaya nawala ang aking pisikal na katawan ay dahil sa isang giyera(war) laban sa kampon ng liwanag, nagalusan ako ng espada ng liwanag(sword of light) sa aking katawan. Dahil dito pinag.hiniwalay ng liwanag ang aking aking pisikal na anyo sa aking kaluluwa at ginawa akong anino nito mula sa kaluluwa ko. Kasalukuyan akong kasapi ng Death Guild, sinali kami ni Crimson na mas kilalang Diyos ng Liwanag at Kadiliman. Pero ang hindi niya alam ay may malaking kapalit ang pagsali niya sa amin sa grupo niya. Aangkinin ko ang katawan niya at maghahari akong muli sa Underworld at sasakupin ang mundong ibabaw.

Sa base ng League of Teens, nagsisipaghanda na sila sa pagtulog nang biglang sumakit ang ulo ni Maynard. "Argh! " sabi ni Maynard at sabay hawak sa ulo nito. "Anong nangyari Nard? " tanong ni Michael sa kapatid nito. "May nakita ako sa prediction ko, mula ito sa hinaharap. Oh shit, hindi si Crimson ang tunay na kalaban. Isang nilalang na kulay itim at miyembro siya ng Death Guild. Hindi ko alam pangalan niya pero isa siyang darklord ng Underworld." sabi ni Maynard. "Ano kamo? " gulat na sinabi nila Michael at KC. "At sasakupin niya tayong lahat sa takdang panahon." patuloy ni Maynard. Natahimik silang tatlo pagkatapos sabihin niya sa mga kapatid nito ang mga nakita niya sa hinaharap(future). Sa takdang panahon na iyon, handa na kaya ang League of Teens sa pagdating ng tunay na kalaban nila. Ano kaya magiging reaksyon ng League of Teens.

============================

Legendary TeensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon