Ang nakaraan:
"Kamukha mo itong Anak natin Dear." sabi ng asawa ni Zeus. Ngumiti lang si Zeus, "Kamukha natin siya Dear. Huwag mo nalang ako kontrahan at maging masaya nalang tayo dahil kapiling na natin sa wakas ang Anak nating si Thor." bigkas ni Zeus sa Asawa nito. Lumaki si Thor ng may karangalan sa pangalan niya at kilalang-kilala siya sa kaharian ng Ama niya si Zeus. Subalit pagtungtong niya ng dalawamput-dalawang kaarawan ni Thor ay ginawa na siyang Diyos ng mga kidlat ng kanyang Ama.
Pagkalipas ng limampung taon:
Naglaho ang Ama ni Thor kasama pa ang iba pang Diyos. Kung kaya naman ang mga Anak ng mga Diyos ay umupo sa trono ng kani-kanilang magulang. At dito na nabuo ang anim na Diyos na nakilala pagdating ng kasalukuyang panahon. Sila Tony, Leon, Lyan, Ron, Aira, at Crimson. Ito na ang pinangalan nila sa modernong panahon nang sa ganoon ay hindi malaman ng iba ang tunay na pagkatao nila.
"Tony, Maligayang kaarawan pala sa iyo. Mabuti nalang naalala ko bigla." sabi ni Crimson kay Tony. Nagpasalamat si Tony kay Crimson habang sila Lyan, Leon, Ron, at Aira ay binati din si Tony sa kaarawan nito. Nang biglang naistorbo ang kasiyahan nila dahil sa isang pangyayari sa lupa...
"Tony, nagkakagulo mga tao sa ibaba. " sabi ni Crimson. Natahimik si Tony, at napagisipan niyang puntahan ang mga tao. Nagteleport sila sa lupa at tinignan kung ano nangyayari sa mga tao. Nilibot nila ang tingin nila sa bawat paligid at nakuha pansin ni Lyan ang isang bulalakaw na babagsak sa Earth. Hindi na sila nag-dalawang isip pa at lumipad na sila palabas ng mundo. Sa isang iglap lang ay nawasak na nila ang bulalakaw na iyon, ngunit nagkaroon ng problema sa kasamahan nilang si Crimson. Para itong nasasaktan at nangingibabaw ang dark aura sa buong katawan nito. Unti-unting naglalaho ang puting aura ni Crimson at hindi nagtagal namula ang mga mata ni Crimson at pinagaatake na niya ang mga kasamahan niyang Diyos. Panay ang iwas nila Tony sa pagatake sakanila ni Crimson. Sinubukan nila Tony na kausapin ang kaibigan nila, pero kahit na anong gawin nila patuloy parin si Crimson sa pagatake sakanila. Wala ng magawa sila kundi umalis na lamang. Naiwan si Crimson sa labas ng mundo, nakatayo lang siya sa kawalan at maya-maya lang ay bumaba na siya sa lupa. Imbes na patayin niya lahat ng mga tao sa paligid ay nag-ibang anyo nalang siya. Mula sa pagiging Diyos ay naging normal na tao na siya. Walang aura, ibang mukha na, pati pagiging immortal niya ay tinanggal na rin niya. Namuhay siyang normal, nakipagusap sa iba na parang walang nangyari noon, nagsikap at naghanap buhay para lang may makain siya, at nakipagkaibigan sa mga nakikilala niya.
Sa kasalukuyan, "Anong nangyari kay Crimson? Bakit parang nagiba bigla pagkatao niya, ha Tony? sabi ni Ron. Natahimik lang si Tony at hindi niya alam kung ano sasabihin niya sa mga kasamahan nito. Nagbuntong hininga si Tony, "Sa tingin ko may kinalaman yung bulalakaw na sinira natin kanina lang." sabi ni Tony sakanila. "Ano bang meron sa bulalakaw na iyon? " tanong ni Lyan kay Tony. "Nung una palang ay nakaramdam na ako ng kakaibang enerhiya sa bulalakaw na iyon. Parang may pinang galingan ito at sinubukang sirain ang mundo natin." sabi niya. "Pero saan mundo galing naman? " tanong ni Aira. Umiling lang ito, at sinabing hindi niya alam. Napaisip ang limang Diyos sa dahilan kung bakit nagiba bigla si Crimson. At dahil dito, bumuo si Tony ng isang pagpupulong(meeting) sa iba pang mga konsehal ng Kaharian ni Zeus. Sa lahat ng nasasakupan ni Crimson ay hindi mapakali sa magiging desisyon ng mga konsehal. Lumipas ang ilang oras at lumabas na rin sa wakas ang tagapag-salita ng mga pinuno sa iba't ibang lugar. Bale may sampung parte ang Kaharian ni Zeus at bawat parte na iyon ay may namumuno at magsisilbing Diyos. Lumabas na nga ang tagapag-salita ng mga Diyos at ng mga konsehal, inanunsiyo na nito ang naging pasya ng pagpupulong ng mga Diyos. Nabigla ang lahat sa naging resulta ng pagpupulong at hindi sila makapaniwala sa narinig nilang sagot ng iba pang mga Diyos. Pero, sinabi naman nilang si Tony na ang magiging pinuno nila kahit na magiging dalawa na ang masasakupan ni Tony ay hindi daw dapat mawawalan ng isang Diyos o hahawak sa mga tao sa isang parte ng Kaharian at baka daw mawala ang balanse sa Kaharian ni Zeus. Hindi na sila tumangi pa at tinanggap nalang ang naging desisyon ng mga konsehal.
BINABASA MO ANG
Legendary Teens
Historical FictionSa isang bayan may kumakalat na balita kung saan may mga Diyos daw na bumababa sa lupa upang tulungan ang mga tao sa binit ng kamatayan. Sa kabilang banda naman, may isang factory na gumagawa ng antidote para sa sakit ng presidente, at dahil walang...
