CHAPTER 1: THE BEGINNING

744 6 1
                                        

Taon 1800 kung saan may mga balitang kumakalat na may Diyos daw sa lupa. Sinasabi din nila na may kanya-kanya silang katangian ng kapangyarihan.

Ang unang Diyos, si Tony. Diyos ng mga Kidlat. Siya ang leader ng iba pang Diyos.

Ang ikalawang Diyos, si Leon. Diyos ng mga Apoy. Siya ang kanang kamay ni Tony.

Ang ikatlong Diyos, si Lyan. Diyos ng mga Tubig. Kapatid at kakambal ni Leon.

Ang ika-apat na Diyos, si Ron. Diyos ng mga Lupa. Guwardiya at Taga-pagtanggol ng mga tao.

Ang ika-lima na Diyos, si Aira. Diyos ng mga Hangin. Guwardiya ni Lyan at Leon.

At ang pinakahuling Diyos, si Crimson. Diyos ng Kadiliman at Liwanag. Pinsan ni Tony at dating kanang kamay niya.

Silang anim ang natatanging Diyos na nasa lupa. At sila rin ang nagbibigay ginhawa sa buong populasyon ng mga tao. Ngunit, sa hindi inaasahang pangyayari. Araw ng paglitaw ng Solar Eclipse at kasabay pa nito ang pagbagsak ng isang bulalakaw. Kung saan ang anim na Diyos ay lumipad patungo sa labas ng mundo upang salubungin at wasakin ang bulalakaw na iyon. Nang mawasak na nila ito, biglang nagreact ang kapangyarihan ni Crimson sa pagkawasak ng bulalakaw. Nag.iba bigla ang kulay ng mga mata niya na para bang uhaw sa pagpatay at mas nangibabaw ang kulay itim na aura nito sa katawan. Walang magawa ang iba pa niyang kasamang mga Diyos kundi manuod at tignan nalang ang kasamahan nilang nasasaktan at nag.iiba ng katauhan. Pagkatapos ng mga ilang minuto, tinitigan ni Crimson ng masama ang iba pa niyang kasamahang Diyos. Nang biglang inatake ni Crimson si Tony na parang gusto niya itong patayin. "Anong nangyari sa iyo Crimson? Bakit mo kami inaatake? Kami ito, mga kaibigan mo." sabi ni Tony. Pero, parang walang paki-alam si Crimson at patuloy siyang umaatake sa mga kasamahan niya. Dahil ayaw masaktan nila Tony, Leon, Lyan, Aira at Ron si Crimson ay kusang loob nalang silang umalis at muling hindi na nagpakita pagkatapos ng pangyayaring iyon.

Pagkalipas ng 20yrs. Ang dating itsura ni Crimson ay nagbago. Hindi na siya mukang Diyos at aakalain mong normal na itong tao. Namuhay siyang normal, nagsikap ng parang normal, at nakipagkaibigan sa iba na parang normal na tao lamang siya. Doon niya nakilala si Angelica at ang pinsan nitong si Victor. Pero, kahit na nagkaroon siya ng mga kaibigan. Hindi niya parin maitatago ang tunay na nangyari noon. Tuluyan siyang nilamon ng kadiliman, hanggang ngayon nasa katauhan niya parin ito. Natutulog at magigising lamang uli ito kapag nagkataong makapatay siya ng tao. Si Angelica ay may kakaibang kakayahan. Abilidad niyang magtanggal at maglagay ng gravity sa lugar na gustong niyang lagyan. Katulad nalang ng upuan sa harapan niya, pinaangat niya ito gamit ang zero gravity at binagsak ito gamit ang normal na gravity ng mundo. At si Victor, pinsan ni Angelica. Abilidad ni Victor na mang tanggal ng isang abilidad lalong lalo na sa katulad niyang may kakaibang talento. Katulad nalang ng ginawa niya sa abilidad ni Angelica, kahit na anong pilit ni Angelica gamitin ang abilidad niya ay hindi niya magawa. At dahil iyon sa kapangyarihan ni Victor. In other words, Ability Remover. Pero, ang natatanging kahinaan niya ay ang born abilities at more than his age. Katulad nalang kapag kapapanganak palang sa iyo ay may angking abilidad kana galing sa mga magulang mo o kaya naman kapag mas matanda ka sakanya ng sobra sobra.

Lumipas ang 62yrs. Silang dalawa ay hindi na tumanda sa simula't simula ng pagkakakilala nila kay Crimson. Siguro may ginawa si Crimson kila Angelica at Victor kaya hindi na sila tumanda. At sa taong iyon ako pinanganak 1882, at ang pinangalan sakin ng mga magulang ko ay Richard. Lumipas ang 4 na taon, sumunod sakin ang kapatid ko na si Joshua. At pagkalipas ulit ng 4 na taon, pinanganak na ang pinakahuli namin kapatid na si Jireh. Lumipas ang ilang taon, tinuruan na ako ng magulang ko na mamuhay magisa. Pero, hindi ibig sabihin ay iniwanan na nila kami kundi tinuro lang samin kung anu-ano ang dapat gawin namin kung sakaling mahiwalay na kami sakanila.

Legendary TeensMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon