Chapter 1

34 7 0
                                    

Maria Clara's POV

"MARIA Clara naman," agad na bungad sa akin ni Pa-pah. "Bakit mo ginawa iyon sa iyong Propesor!"

He was angry for a reason. Pabalik balik ito sa aking harap na wari'y di alam ang gagawin. Ngunit, hindi ko siya pinansin, nagpatuloy lamang ako sa aking ginagawang pagpipinta dahil iyon ang tanging libangan ko sa mga oras na kinagagalitan ako.

Maya't maya ay pumasok si Ma-mah na maluha-luha. Pupunas-punas pa ito ng puting panyo sa kaniyang mga mata ngunit wala naman talagang luha. That's Mama, her makeup is more important than tearing his eyes for me. Pero wala akong pake!

"Manuel, may nahanap na akong paaralang tumanggap sa ating anak." Biglang itong parang natutuwa pero agad ding nanlumo. "Ngunit napakalayo nito sa ating tahanan" mangiyak-ngiyak na sabi ni Ma-mah. "At huling paaralan na ito"

"Maria Clara," hindi pinansin ni Pa-Pah ang Ma-mah. "Hindi mo pa nasasagot ang tinatanong ko, bakit mo pinutulan ng kamay ang iyong Propesor!"

At sa pagkakataong ito, napalingon ako sa aking mga magulang na napahakbang paatras. Maging sila ay natatakot sa akin. I don't want to answer Pa-pah's question dahil sa huli, pangangaralan niya lamang ako. Tumayo ako at hindi sinasadyang matabig ang aking obra-maestra. Natumba ito sa kanilang harap at doon nila nakita kung bakit karapatdapat lamang maputulan ng kamay ang manyakis na Professor na 'yun!

NAPABALIKWAS ako ng bangon ng maalala kong may klase ako ngayon, at ang malala it is my first day na pumasok sa paaralang ito. I jumped out of my bed at madaling pumasok ng banyo para maligo. Pagkatapos sinuot kong muli ang makalumang saya ni inay, biro lang, ang uniform ng weird na school na'to. Medyo maalikabok pa ito dahil sa paghahabulan namin ng mga cowards na humarang sa akin, nakakita lang ng shotgun ay bumahag na ang buntot. Akala ko'y makakaabot ako sa klase kahapon kung hindi lamang ako hinarang.

Walang paghinay-hinay kong binuksan ang pinto ng aking kwarto at kumaripas ng takbo. Mahuhuli na ako sa klase! Pinagbigyan na nga ako ng Principal ng school kahapon dahil nga nauunawaan niyang hinarang ako, ngayon ay talagang kagagalitan ako. O di kaya ma-expell uli na ayoko ng mangyari muli. Sa pagmamadali ko ay hindi ko naramdamang may nakabuntot pala sa akin. Kapwa ko estudyante dahil magkatugma ang aming kasuotan, nakita ko na rin kasi kahapon ang damit uniform ng mga kalalakihan dito.

"Señorita, hinay-hinay naman" hinihingal nitong sabi "ang bilis mo, parang hinahabol ng sampong kabayo"

I stopped for a moment at hinarap siya. "At ano namang pake mo!"

Tumakbo akong muli at kung minamalas ka nga naman, nasa loob na ang guro.

"O, nandito na pala ang inyong bagong kaklase, halika dito iha at magpakilala" biglang bumoses si Teacher samantalang napansin ko kanina ay nakaupo lamang at pinapakopya ang klase sa mga nakasulat sa blackboard.

"Hello, I am–" natigil naman ako noong tumikhim ang teacher. "Bakit po?"

"Wikang filipino lamang ang ginagamit na salita rito Senyorita" pagpapaliwanag nito. Ahh kaya pala, pinaninindigan talaga ang ngalan ng school no?

"O, siya, magsisimula muli ako sa umpisa" tumikhim pa ako before continuing. "Ang aking ngalan ay Maria Clara Contes Ibarra."

Balak ko na sanang umalis sa harap dahil wala na akong ibang sasabihin pa noong pumasok ang lalaking tinarayan ko kanina. "Iyon lang?" tanong agad nito. Kaklase ko pa talaga,

"Gusto mong dagdagan, sige, dagdagan mo. Baka kilala mo ang buong pagkatao ko" pagtataray ko uli dito. Ay abah, it's a no na di ako makarebutt.

"Tama na Senyorita at Senyorito" awat ng teacher sa amin. "Maaari ka ng maupo sa bakanteng upuan katabi ni Senyorito Levhriss"

At kung pinaglalaruan nga naman ako, ang tinutukoy niyang Senyorito ay ang kinaiinisan ko simula pa kanina.

"Sir, ba't ang baho niyo. Naliligo pa ba kayo?" agad kong salita sa guro na halos mamula.

Pasimple nitong inamoy nito ang sarili, "maupo ka na o palalabasin kita"

Siyempre dahil unang araw ko ngayon, I followed his intruction ngunit bago pa ako makarating sa mismong bakanteng upuan ay tumigil ako. Pinakatitigan ko ang Señoritang nakipagtagisan din ng titig sa akin. Pero sino bang makakatalo sa akin, kapag gusto ko makukuha ko. Umalis ang kaawa-awang Senyorita at siya ang tumabi sa Luzerong iyon. I will never sit beside him lalo na't pinapakahulugan niyang mas mabilis pa ako sa sampong kabayo!

"Guro, ito bang bakanteng upuan ang sinasabi mo?" lingon ko na may ngiting tagumpay sa namumula paring guro. Mukhang nainsulto sa sinabi ko. Totoo naman kasi, talagang ang baho niya, parang naaagnas na katawan.

Naupo ako sa dating inuupuan ng Señorita. "Hi, you can call me Señorita Maria Clara. You're Lehvriss right?" pagpapakilala ko sa katabi.

"Simoun ang aking ngalan, Señorita" aniya na tangkain abutin ang mga kamay ko for shake hands. Agaran kong iniwas ang aking kamay.

"Okay" saad ko ng hindi tumitingin sa kaniya. Bakit ko tatanggapin ang kamay niya kung di siya marunong makisama.

I took out my pen at tulad ng ginagawa nila. Nagsulat ako sa aking notebook, bakit? dahil gusto ko lang. Nakakayamot pero kailangan kong gawin ito. Natapos ang klase ng hindi man lamang napiga ang utak ko. Anong klaseng paaralan ba ito at hindi man lamang nagtuturo ang mga guro. Puro na lang sulat, sulat, sulat!

BUMALIK ako sa aking kwarto na nanginginig ang mga daliri hindi dahil sa gutom, kundi dahil sa pagsusulat maghapon. Ngayong araw ko lang din natutunan na libre pala ang pagkain dito sa canteen, hindi na kailangang bumili. Ang dami ko pa namang salaping dala.

Napalingon ako sa may pinto noong may kumatok. Marahan ngunit sapat upang malaman ko na pinto ng kwarto ko ang kinakatok. "Ano ba 'yan, istorbo!" may kalakasang sabi ko habang papunta sa may pinto upang buksan. "What do you want." hindi patanong na sabi ko at hindi pa binubuksan ang pinto.

"Senyorita, ako'y pinalilipat ng ating punong-guro para maging kasama mo sa kwarto" malambing na reply na siyang ikinataas ng kilay.

I opened the door. "Pakisabi sa principal na hindi ako pumapayag!" napaatras naman ng bahagya ang babaitang nakasuot pa ng makapal na salamin.

"Ngunit, kabilin-bilinan ng punong-guro na may makasama ka kahit ngayong gabi lang" hindi papigil na saad ng babaita.

"And why?!"

"Sapagkat, ang gabing ito ay gabi ng hiwaga" aniya na ikinatigil ko saglit.

Hinila ko siya na siyang ikinagulat niya. Maging ang maleta niyang malalaki ay walang kahirap-hirap kong hinatak papasok ng mabilisan.

"Grabe ka naman Senyorita, ika'y balingkinitan ngunit ang lakas mo'y maihahalintulad sa mga lalaki" aniya.

"Kung iniinsulto mo ako sa mga oras na ako'y galit, tiyak libingan ang kahahantungan mo" pananakot ko rito. "Pero mas interesado ako sa sinasabi mong gabi ng hiwaga, tell me moh-rrr!"

"Senyorita. Tunay ngang nakakatakot ang inyong pag-uugali kaysa sa inyong wangis" napa-roll eyes naman ako. Ang babaitang ito ay wala ring preno kung magsalita.

"Magkwento ka o itatapon kita sa labas" nauubusan kong pasensya.

"Eto na nga po, magkukuwento na" aniya na umayos pa ng upo, senyales na mahaba-haba ang pag-uusapan namin. "Ang gabi ng hiwaga ay gabi ng lagim para sa mga estudyanteng baguhan na tulad mo Senyorita Maria Clara"

Beware of Señorita Maria ClaraWhere stories live. Discover now