NOONG makababa kami sa bus ay agad kaming nagtipon-tipon sa harapan ni Madame B. Nasa likod ako ng kumpulan kaya hindi ko gaanong naririnig ang pinagsasabi ng bruha naming advisor.
Napansin ko na lamang na nagsimula na silang umakyat, sinusundan ang lalaking naghihintay sa amin kanina. Si Mang Rigor, ang Tagapangalaga ng Mt. Malaya. Inaalalayan nito si Madame B na nakatakong pa. Super maarte talaga ang bruhilda naming teacher, aakyat na lang ng bundok nakatakong pa.
“Oh, tara na Senyorita. Wag mong sabihin na naiingit ka kay Madame” biglang salita ni Lehvriss na kanina pa dikit ng dikit sa akin. “akin na ang iyong maleta at ako na ang magdadala”
“No, I can handle my things hindi kaya ng bruhildang iyon” pagtanggi ko. Sino ba siya para magdala ng aking gamit, hindi ko naman siya bodyguard right?
“Alam mo, kanina ka pa ingles ng ingles” aniya. “pwede ba magsalita ka naman ng sariling wika natin”
“ano bang pakialam mo?! Bahala kanga, I don’t need your help!” naiinis kong sabi.
Iniwan ko siya ngunit talagang napakulit, bumuntot pa rin sa akin. “pwede ba, wag kang buntot ng buntot sa akin. Naiirita na ako sa’yo!”
“Senyorita, hindi ako bumubuntot sa’yo. Malamang susunod ako sa’yo dahil iisa lang naman ang daan nating lahat”
“Oh!” ibinigay ko sa kaniya ang dala kong maleta. “Gusto mong dalhin diba, sige, magdusa ka!”
ISANG mahabang paglalakad ang aming nilakbay na halos mapudpod na ang balat sa aking talampakan. Hamakin mo, sa gitnang bahagi lamang ang aming patutunguhan pero ang nilakad naming paakyat ay matarik pa sa bato. Madami pa kaming dinaanan na samantalang pinaikot-ikot lamang kami. Bakit ba kasi hindi pa dineretso ang daan, pinaligoy-ligoy pa kami ng matandang si Mang Rigor.
Papalubog na ang araw nung dumating kami sa campsite, madilim at napapalibutan ng matatayog na punong kahoy.
“okay class, magsitipon muna kayo here before setting up your tents.” Tawag ni Madame B na buong pag-akyat naming ay kinarga ni Mang Rigor. “May ilang bilin lamang siyang sasabihin, bago siya umalis”
“Mga mag-aaral ng West Upi, nais ko lamang itagubilin ang ilang bagay” simula nito. May kakaibang misteryo sa kaniyang mga mata. “Una, maaari kayong maligo sa batis na malapit lamang sa campsite. Ngunit dapat ay may kasa-kasama kayo. Pangalawa, pagsapit ng alas-dyes ng gabi, wag na wag kayong lalagpas sa mga punong nakapalibot sa campsite na ito. Iyon lamang, salamat”
Tahimik ang grupo. Walang nagtangkang magtanong kung bakit dahil umpisa pa lang kilala na ang bundok na ito bilang tirahan ng mga kakila-kilabot na mga nilalang. Mga nilalang na mahilig maglaro, mga nilalang na kumakain ng lamang tao.
Hanggang sa makaalis ang tagapangalaga ng bundok na si Mang Rigor ay tahimik ang grupo. Si Madame B ay tila hindi naapektuhan sa mga nalalaman sa kilabot ng bundok, na tila sanay na sa ganitong eksena.
“Students, set up your tents na” aniya na binubuksan ang dalang maleta. “magdidilim na and boys, let the girls do your tents. Magsikuha na kayo ng mga tuyong kahoy para makapagbonfire tayo later”
Nagsialisan nga ang mga lalaki kaya naiwan kaming mga lalaki. Pinagmasdan ko ang mga babaeng nagtatayo ng mga tents. Buti naman at sa pagset-up ng tents ay hindi sila nahihirapan. Pero halata sa kanilang mukha na tila nababagabag sila, na hindi sila masaya. Parang binagsakan ng langit at lupa.
“Oh, Senyorita Maria Clara, bakit hindi mo pa itinatayo ang iyong tent?” tanong ng isa sa mga kaklase ko. Napalingon naman ang iba sa gawi naming dahil ditto.
“I don’t have a tent” tugon ko na nagsisinungaling.
“Wala?! Edi sa’n ka matutulog niyan?” hesterical nitong reply.
“Ako ba ikaw? Pwede ba wag kang nangingialam sa buhay ng iba” naiirita kong sabi. “At saka, kaibigan ba kita para mag-alala ka ng ganiyan?!”
Hindi ko na hinintay ang tugon niya. Nakakainis ‘ung reaction niya eh. I followed the boys na nagtitipon ng mga kahoy. At kung may malas-malasin nga naman, napatabi ako sa Lehvriss ubod ng yabang.
“Senyorita, mukhang ikaw ata ang bumubuntot sa akin. Umamin ka na kasi na nahuhulog ka na sa taglay kong karisma at kagwapuhan” aniya na tinataas ang sarili.
“Mamatay muna ang puting uwak bago mangyari ang mga sinasabi mo” sabi ko na sinadyang ilagay sa kaniyang mga hawak na kahoy ang sangang maraming tinik.
“Puting uwak? Napaka-imposible naman na may puting uwak ahit saang sulok naman ng mundo” aniya na hindi pinansin ang kahoy na tinik.
“Talagang napaka-imposible. Katulad ng magkakagusto ako sa’yo, never!”
“Sus, hele-hele pero gusto din naman ako” aniya na pabalik ng campsite.
“Hindi ako pakipot!”

YOU ARE READING
Beware of Señorita Maria Clara
Mystery / ThrillerIn a world where tradition clashes with modernity, Señorita Maria Clara stands defiantly-a fierce embodiment of rebellion and strength. Sent to a prestigious yet archaic school steeped in customs, she finds herself navigating a labyrinth of outdated...