Claire's POV
Dumating ang umaga. Hindi pa nag-aagahan ay nagtitipon-tipon na ang mga estudyante na nais sumama sa mission.
"Magandang umaga. Sa inyong lahat. Ang ating umagahan ay inihahanda na ng mga nakatalagang tagaluto na nagbigay salita na hindi sila sasama sa gagawin nating pagpatay sa mga bantay ng lagusan."
Nagsihiyawan naman ang mga naroroon na tila tuwang-tuwa sa mga sinabi ng council president kahit wala namang nakakatuwa doon.
"Simple lang ang inyong gagawin, magpapakitang gilas kayo sa harap ng marami. Pagkatapos ay pagbobotohan nating lahat kung karapatdapat dapat ka bang isama sa grupo."
Napuno ng hiyawan muli ang lugar na kinaroroonan namin. May kalayuan ito sa dormitory kaya hindi malabong tugisin kami. Pero hindi mangyayari iyon, may isip ang mga aswang at delikado ang sumugod sila ng may araw. Wala nga kaming naka-ingkwentro nakaraan dahil malakas ang sinag ng araw, tiyak mapapasubo sila kung nagkataon.
"Sino ang boluntaryong mauuna na magpakitang gilas?"
"Ako?"
At sumaharap namin ang lalaki na halatang barbaro. Pulido ang mga muscles nito at hindi maitatangging malaking tao siya kumpara sa mga lalaki dito. Bakit ngayon ko lamang nakita ang isang 'to.
"Naalala mo ba angb sinabi ko sa'yo tungkol sa gabi ng hiwaga?"
Bumulong si Cindy. Tumango naman ako kahit hindi ko naman alam ang pinupunto niya.
"Isa siya sa mga biniyayaan ng mga diwata. Siya si Sabro, ang lalaking payatot na ngayo'y naging isang malaking tao. Hindi maitatangging may lakas siya na hindi maihahalintulad sa ordinaryo. Nagising na lamang siya matapos ang gabi ng hiwaga at iyan ang gantimpalang natanggap niya."
Diwata. Gabi ng lagim ata iyong nangyari sa akin dati dahil puro maligno at aswang ang nakasagupa ko.
"Itaas ang kanang kamay kung karapatdapat bang makasama ang lalaking ito sa mission."
Ibinaba ni Sabro ang bato na iniangat niya gamit ang isang kamay. Lumindol ng kaunti sa kinaroroonan namin noong pabagsak niya itong binaba.
"Majority wins. Pasado ka Sabro, isa ka na sa mga hunters"
Hindi ito tumugon sa council president.
"Sinong susunod?"
Ang bilang namin ay sadyang kakaunti kumpara sa dami namin na naririto sa maze. Ang sumadya na sumali ay humigit kumulang na trenta. Mababawasan pa ang mga 'yan dahil pansin kong mapili ang council president. Maliban sa dalawang tao na laging nakabantay sa kaniya at kay Sabro. Sila pa lang ang mga hunters, kahit na limang katao na ang sumubok matapos ni Sabro.
"Sunod!"
Napansin ko naman na gumalaw ang katabi namin ni Cindy. "Mukhang kailangan kong putulin ang sumpa" aniya.
Anong sumpa ang sinasabi niya. Pumunta ito sa harap, "kailangan ko ng target"
Tumingin naman ang council president sa lalaking nasa likod nito. Madali naman itong may inilabas na platito. Hanep, boy scout, always ready.
"Okay na ba ito," malalim ang boses nito na tila nagsasalita ito mula sa dibdib.
"Ayos na iyan"
"Ilalagay ko ba sa kung saan?"
"Hindi, ganito ang gagawin mo"
Pagkatapos nitong ibigay ang instructions niya ay tumalikod ito, humarap sa amin. Huminga ito ng malalim. "Isa...dalawa..."
Pumikit ito, "tatlo"
Tulad ng sabi niya ay itinapon sa ere ng lalaki ang platito. Mabilis na tumalikod sa amin si Lehvriss at inihagis ang hawak na kutsilyo.
YOU ARE READING
Beware of Señorita Maria Clara
Mystery / ThrillerIn a world where tradition clashes with modernity, Señorita Maria Clara stands defiantly-a fierce embodiment of rebellion and strength. Sent to a prestigious yet archaic school steeped in customs, she finds herself navigating a labyrinth of outdated...