Ngayon ang araw ng aming pag-alis. Nasa kabuuang labing dalawa ang bilang namin. Hinati sa dalawang grupo. Una ay pinamumunuan ni Pres na may kabuuang anim katao. Sa amin naman ay si Lehvriss ang namumuno. Sama-sama kami nina Cindy at Crissostomo.
Naunang umalis ang grupo ng kabila, ang plano ay susunod kami matapos ang kalahating oras. Kailangan hiwalay para hindi mahirap sa maneuvering daw. May nalalaman pang ganun eh ang lapad naman daraanan sa maze.
Nang matapos ang kalahating oras ay nagsimula na rin kaming gumayak. Marahan ang paglalakad namin. "Señorita, nararamdaman mo bang parang may kakaiba sa ikinikilos ng Council President?"
"Tumatalas na ang pandama mo ah" tugon ko. "Tiyak may masamang nangyayari"
"Shh, wag kayong masyadong masalita baka may makarinig sa atin"
Sabay naman kaming napatingin kay Crissostomo. Mukhang pareho kami ng naiisip ni Cindy.
"Cris, subukan mo kayang gamitin ang pandinig mo para malaman natin kung ano ang pinaplano nila?" sabi ko kay Crissostomo na wala namang pag-aatubiling ginawa ang nais ko.
"Wala akong marinig mula sa kanila, pero may nasasagap ako mula sa itaas?"
"Huh?"
"Lever"
"Lever? Baka liber, binabalak ba nilang ipabili ang mga lamang loob natin?" saad ni Cindy na biglang naghehestirical.
Nagiging maingat ang grupo nila. Nalalaman nilang kasama namin si Crissostomo kaya kahit walang matibay na ebidensya ay pinaniniwalaan nila. Tiyak gumagamit ng mga hand signals o papel ang mga iyon para makapagplano.
"Pwede ba, magfocus tayo sa mission, may mga kasama tayong umaasa sa atin"
Tumingin naman ako sa mga kasama naming tinutukoy ni Lehv. Puro babae na naman ang napunta sa grupo namin. Talaga namang may masamang balak ang Council President at ganito ang line up namin. Hindi sa minamaliit ko ang girl power dahil babae din naman ako pero nakakapag-isip talaga ako na minamaliit niya kaming mga babae! Sila roon ay puro lalaki, naroroon din si Sabro. Ano kayang plano ng hunghang na iyon!
Narating namin ang paroroonan namin ngunit hindi namin mahagilap ang grupo nina Pres. Sumilip si Lehvriss sa kinaroroonan ng pinto. "Naroroon ang mga halimaw" bulong niya.
"Pero nasaan ang unang grupo?" bulong ng isa sa mga kasama namin.
Nagkatinginan kaming lahat.
"Mukhang bisugo ang council president na binoto niyo" saad ko.
Nauunawaan ko na ang nais niyang mangyari. Kami ang pa-in sa mga halimaw. Bago man kami makaalis ay biglang tinamaan ng ligaw na bala ang isa sa kasama namin.
"May silencer ang tumira sa kaniya" ani Crissostomo.
Hinanap naman agad namin, nakahanda ang hawak naming mga armas makipagputukan kung sakali.
"Kumusta Señorita Maria Clara?" biglang salita ng pamilyar na boses.
Napaangat naman kami sa itaas ng pader at doon nakaabang ang mga walanghiya. Nakatutok ang hawak nilang armas sa amin.
"Anong ibig sabihin nito Council President?!" sigaw ng isa pang kasama namin.
"Haha, gusto niyo talagang nag-iingay no? Paalala lang, hindi bingi ang mga halimaw na nagbabantay sa Door of Doomsday"
Kung ako lang ang nasa likod niyang bw*sit na tao na yan, tinulak ko na.
"Alam mo kung para saan ang pinto?" tanong ni Cindy.
"Oo naman, dahil ako ay chosen one ng mga nasa itaas. Kasama ng mapa ay ang sulat. Sulat na kung saan sinasabing tayo ay nasa isang laro. Pinapanood tayo ng mayayamang tao at ang doomsday door ang susi para manalo. Alam niyo ba kung magkano ang premyo ng makakapasok ng pinto na iyon?"

YOU ARE READING
Beware of Señorita Maria Clara
Mystery / ThrillerIn a world where tradition clashes with modernity, Señorita Maria Clara stands defiantly-a fierce embodiment of rebellion and strength. Sent to a prestigious yet archaic school steeped in customs, she finds herself navigating a labyrinth of outdated...