Chapter 6

27 7 1
                                    

Sabado. Ako at si Cindy ay napasama sa nakaschedule ngayon para lumuwas ng bayan upang mamalengke. At kung minamalas ka nga naman, kasama din namin sina Lehvriss, Simoun, at isa pang mag-aaral na sa tingin ko'y higher year na.

"Halina kayo mga Senyorito at Senyorita. Tayo'y aalis na't mahirap gabihin" ani Manang Nerissa.

Walang pag-aalinlanganang sumampa si Luzero at tangkang abutin ang mga kamay ko. "Señorita Maria Clara, akin na ang mga kamay mo" ngunit tinanggihan ko ang kaniyang alok na pag-alalay dahil kaya ko ang sarili ko.

Umupo ako ng maayos sa kakaibang sasakyan na ito na hugis kahon at walang bubong. Hila-hila ng baka ang aming sinasakyan na minamaneho ni Mang Tiago.

"Ehem.ehem" biglang tikhim ng di nakikilalang kasama namin. "Ipagpaumanhin ninyo ang ang aking kapangahasan para sirain ang katahimikan mga binibini, ngunit nais ko lamang na magkakilala tayo. Ang aking ngalan ay Lucerio Magdangal. Nakatatandang kapatid ni Lehvriss"

Kaya pala magkahawig sila ng kumag dahil magkadugo ang dalawa. "Ako naman si Cindy. Cindy Santos" napansin kong kumikinang ang mga mata ni Cindy na nakatingin sa lalaki. Mukhang natitipuhan niya. Hindi na nagpakilala ang dalawa pang kasama namin dahil mukhang magkakilala na silang tatlo.

Tumingin sa akin ang Lucerio na may ngiting naghihintay ng aking pagpapakilala. "Maria Clara na lamang ay ayos na" saad ko na ibinalik na ang paningin sa tanawing ngayon ko lamang napansin.

Bakit noong dumaan ako rito'y di ko napansin ang malaparadisong lugar na ito.

"Wag mo na lamang pansinin Kuya. Maldita ang isang 'to" rinig kong paninirang puri ni Lehvriss na hinayaan ko na lamang dahil totoo naman. Magsawa ka!

"Sayang naman at singrikit ng mga bituin sa gabi ang kaniyang kagandahan. Siguradong gaganda lalo ang ating lahi kung mapapa-sa'yo ang binibini, Lehv" walang-hiyang sabi ni Lucerio nas animo'y sinadyang iparinig ang kanilang pinag-uusapan.

"Kuya, husto na!" biglang napasigaw si Lehvriss na parang kinakabahan. "Kailan man ay hindi ko babalaking ligawan ang baliw na Senyoritang ito!"

"Sige, sabi mo eh" saad na lamang ng kaniyang Kuya.

"Tapos na kayo? Ang kakapal naman ng pagmumukha niyo para pag-usapan ang mga bagay. At talagang sinasadya niyong marinig ko ano? Ako, baliw! hoy Luzero, sinong baliw? Baka gusto mong kutussan kita" nagwawala kong sabi. Bakit ba nawawala ang poise ko sa magkapatid na'to, lalo na sa Lehvriss na ubod ng yabang!

"Kita mo na, Kuya." napapakamot ito sa kaniyang ulo.

"Minus points ka na agad bunso" at tumawa pa nga.

Magsasalita na sana akong muli ngunit pinatigil na kami ni Manang Nerissa. "Tama na'yan at baka kayo'y magkasakitan"

SA PAGDATING namin sa bayan, sa palengke, kami'y pinagtitinginan ng mga tao roon. Siguro dahil magandas ako? Bumaba kami ng aming sinasakyan. Binigyan ng kani-kaniyang listahan ng mga bibilhin, kaming mga babae. Mukhang marami-rami ang bibilhin.

At kung minamalas nga naman ako, si Levhriss ang bubuntot sa akin para maging taga-bitbit ng mga binili. Si Simoun ay kay Cindy at si Lucerio ay kay Manang sasama. Si Mang Tiago naman ay mananatili sa aming sasakyan upang magbantay sa mga ikakarga namin.

"O siya, magsimula na tayo at ayokong gabihin tayo" ani Manang Nerissa.

We enter the very center of the palengke at doon napansin ang isang tindera na magiliw sa pagbebenta ng kaniyang mga gulay. "Hala mga suki, halina na kayo sa Gulayan ni Aling Teresa!" sumasayaw pa ito habang tinataboy ang mga langaw na dumadapo sa kaniyang pabenta. "Fresh na fresh like me~"

Lumapit ako dito na agad namang bumuntot ang Luzerong may dala-dala malaking basket. "Besshy" bungad agad sa'min ng Teresita. "Bibili kayo? Mayro'n kaming singkamas at talong, sigarilyas at mani. May sitaw din, bataw, patani" aniya nahalatang galing sa bahay kubo ang pagkakasunod-sunod ng kaniyang sinasabi. Pero di maitatangging halos makumpleto niya ang mga pananim sa bahay-kubo.

"Magkano ang petchay niyo, Aling Teresita" tanong ko.

"Isang bugkos, trentay pesos!" tugon nito sa magiliw na boses.

"Sige, kukumprahin ko ang lahat ng pechay sa halagang piso kada bugkos" seryoso kong sabi na tinitigan pa siya. Nanahimik naman siya at tila di makapaniwala sa aking sinabi.

"Naku, besshy, luging-lugi ako kapag piso la-ang isang bugkos" aniya na biglang nanghina.

"Sige, singko kada bugkos. Tatanggapin mo o ipapatanggal kita sa pwesto mo." pagbabanta ko rito na ikinalaki ng kaniyang mata.

"Ay aber, sino ka naman sa inaakala mo. Ngay-on lamang kita na see sa lugar na ito at kung makaasta ka ay ikaw ang may ari ng market na ito" pumewang pa ito na hindi ko nagustuhan. Sisilaban ko na sana ang aking bibig para siya'y laitin ngunit may pakialamerong sumingit.

"Aling Teresita, naaalala niyo po ba ako. Ako 'to si Lehvlehv" ani ng lalaking tinanggal pa ang suot na subrero. "Ipagpaumanhin niyo na ang katabilan ng aking kasama sapagkat mahilig lamang siyang magbiro. Wag niyo ng seryosohin at baka ika'y pumangit"

"Lehvlehv? Oo, ang batang chinito na laging kasa-kasama ni Madam mamili rito" halos mapatalon sa tuwa ang Ale at lumapit pa sa Lehvriss ito. "Ang laki-laki mo na. Pwedeng-pwede na sa aking dalaga"

Umikot naman ang mata ko sa narinig. "Ale, mawalang-galang na'po pero kung di niyo ipagbibili ang inyong gulay sa amin sa halagang anim n piso ay sa iba na lamang kami bibili. Lehvriss, halika na!"

"Para kay Lehvlehv, ibebenta ko ng bente singko ang kada bugkos ng pechay ko" mukhang di nito narinig ang aking sinabi.

"Aling Teresita, baka naman ay makadiskwentro ako ng mas mababa. Maaari bang bente na lamang kada bugkos?" ang ale ay parasng tuta na tumango. "Salamat po"

"Naku, basta ikaw Lehv" tugon naman ng Ale na nagsimula ng ilagay sa lalagyan ang lahat ng pechay.

"Ang talong magkano?" tanong ko na hindi pinansin ng Ale. Tuluyan na akong ginawang hangin ng Teresitang ito. "Lehvriss, tanungin mo nga ang Ale kung ipagbibili ba niya ang talong for only Ten pesos. Mataas na 'yan ha, baka tanggihan niya"

Napapakamot naman ito sa ulo at pailing-iling pa. Bakit naman siya iiling-iling aber?! Matapos naming mabili ang nasa listahan ay bumalik na kami kung nasaan si Mang Tiago. Naabutan namin itong umiidlip. Tulad namin ay kararating lamang nina Manang, naghintay pa kami ng ilang sandali bago dumating sina Cindy at Simoun. Kaawa-awang Simoun, mukhang nabibigatan sa kaniyang karga.

"Tara na at ilang oras na lamang ay lulubog na ang araw!" Saad ni Manang na halatang kinakabahan.

Beware of Señorita Maria ClaraWhere stories live. Discover now