"GABI ng lagim para sa mga katulad mo, Senyorita. Pagsapit ng ikalabing dalawa ng gabi, lalabas ang mga engkantong susubok ng iyong tapang. Kapag naibigan ka nila, marahil ay magiging gaya ka ng ibang ibang estudyante dito na biniyayan ng kakaibang kapangyarihan" maikli ngunit madaling unawain. Subalit hindi kapani-paniwala. Engkanto? huh, subukan nila akong takutin at baka hindi na nila masisilayan pa ang bukas.
Pinakatitigan ko siya, akala ko naman ay mahaba ang ikukwento niya, hirap unawain ang gawi ng babae na 'to. Di ko matukoy kung ano talaga ang intensyon niya.
"O siya, hindi mo pa napapaliwanag kung bakit gabi ng hiwaga para sa mga dating estudyante na ang gabi na ito" I asked para naman maibsan ang takot na kaniyang nararamdam. Nanginginig kasi siya na para bang may naaalala sa kinukwento niya.
"Ahh, dahil para sa mga dating estudyante, ang gabing ito ay kapana-panabik dahil ang mga diwata ay pipili ng isang kahilingan na kanilang tutuparin" aniya na biglang na-excite. "Sana ang hiling ko ang mapili sa taong ito"
"Alam mo, walang sinuman ang makakatupad ng iyong kahilingan, kundi ikaw lang din. Kung hindi ka magsusumikap talagang hindi matutupad ang pangarap mo" saad ko na ikinanganga niya "tara na nga at kailangan nating matulog, maaga pa ang almusal bukas. Kung hindi ka pa matutulog, ay patutulugin kita sa labas"
Umakyat siya ng madali sa itaas na higaan dahil sa aking mga sinabi. Pinasadya talaga na double-deck ang higaan Principal no? Samantalang napansin ko sa ibang kwarto ay hindi naman! "Goodnight Senyorita" biglang salita ng kasama ko na hindi ko pa nakikilala ang pangalan. Pero wala akong balak na kilalanin siya. I did not respond to her, natulog ako.
NAALIMPUNGATAN ako sa aking mahimbing na pagtulog ng may marinig akong kumakaluskos sa labas ng aming kwarto. Tarages, don't tell me totoo ang sinasabi ng babaeng kasama ko. Pero dahil dakila akong walang pakialam, bumalik ako sa aking pagtulog. Pero ayaw talagang papigil, katok ng katok. "Senyorita, gising ka ba?" biglang salita ng kasama ko na nasa taas. "Kapag may naririnig kang katok o kaluskos man lang, wag na wag kang lalabas"
Babala ng kasama ko, na siyang sinunod ko naman dahil tinatamad akong bumangon. Pero, hayop! Ang ingayyyyy. May tormga tumatakbo at nagtatawanan. Pati ung mga katok ay ayaw papigil. Minsan ay tinatawag pa ang pangalan ko. At dahil imbyerna ang Senyorita niyo, bumangon ako't kinuha ang shotgun na pinamana pa sa akin ng lolo. "Ayaw niyong manahimik, pwes, magtutuos tayo!" naiinis kong sabi.
"Senyorita, maling desisyon na lumabas kayo ng kwarto niyo. Pinaglalaruan ka lamang nila." Biglang hila ng aking kasama sa damit ko kaya napatigil ako. "Kapag lumabas ka, ililigaw ka nila at sa oras na hindi mo mahanap ang daan pabalik dito baka hindi mo na masilayan ang bukas"
"Alam mo Senyorita... Kung ano mang pangit na pangalan mo, bitawan mo ako o ikaw ang hindi na masisilayan ang bukas" tumitimpi kong sabi dito na napabitaw sa akin. "Good, matulog ka na dahil may papatayin lamang akong panira ng aking gabi"
Lumabas nga ako ng aking kwarto, hindi sumunod ang aking kasama. "O, nasaan na kayo, bakit kayo biglang natahimik"
Nakakabinging katahimikan ang umiral sa buong hallway ng dormitory. Ikinasa ko ang hawak na shotgun ng may mamataan akong pigura ng isang kabayo na ang ulo'y katawan ng tao. "Tikbalang. Sayang naman at wala akong dalang tabas. Nangangati pa namtan ang aking kamay na paghiwalayin ang iyong katawang tao sa katawan mong kabayo" saad ko.
Tumakbo ito na siyang hinabol ko naman, at ang hayop dinala ako sa labas ng dormitory. Hindi ko na rin mahagilap ang tikbalang. "Wala pala kayo eh, puro pananakot lang ang kaya niyong gawin"
"Lapastangan!" Biglang dumagundong ang boses ng isang lalaki na parang nakalunok ng megaphone.
"Sakit mo sa ears ha." Panunudyo ko sa kapre di kalayuan "dalasdalasan mo din uminom ng mouthwash, ang baho ng hininga mo eh"
Papuputukan ko sana pero biglang naagaw ng pansin ko ang lumilipad na may pakpak na katulad ng isang paniki. "Sa wakas, makakakain na rin ako ng lamang tao"
"Manang, ipaubaya niyo na sa akin ang taong ito" biglang sulpot ni Tikbalang.
"Napag-usapan na natin ito, Romero, paghahati-hatian natin ang tao bago pa dumating ang ibang engkanto." sabi ni Manananggal.
"Pero Manang, nakausap ko ang Reyna ng mga engkanto na hindi na gagalawin ang taong ito" tugon ni Tikbalang na nakakaumay.
"Bahala nga kayo dyan" biglang alis ni Kapre na nawala sa dilim ng kagubatan. Nainip ata tulad ko.
"Hoy! Wala akong pakialam sa magiging desisyon niyo" sigaw ko kaya natuon ang atensyon ng dalawa sa akin. "Sino sa inyo ang katok ng katok sa aking kwarto!"
Napataas naman ng kamay ang tikbalang, "ikaw pala, mauuna ka na" I aimed at him na napatakbo ng mabilis. Mukhang mahihirapan ako sa isang 'to. Kaya ibinaling ko ang tutok ng shotgun sa rumaragasang manananggal, huli na ang lahat para umatras. Headshot! Hindi pa ako tapos dahil pinatamaan ko din ang mga pakpak niya kaya di magawang lumipad ng maayos. Sinundan ko siya kung saan patutungo at tama nga ako na sa lower part na bahagi ng katawan niya siya babalik.
"Hi Manang, miss me?" lumabas ako mula sa anino na pinagtataguan ko noong matapos siyang idugtong ang sariling katawan. "hinding-hindi ka makakatakas sa isang Maria Clara"
"Senyorita, paumanhin ngunit napag-utusan lamang ako." halos halikan nito ang lupa sa pagyukod. "Di ko naman nais na gambalain kayo lalo na't bali-balita sa buong kabundukan ang inyong ginawang paghabol sa mga tulisan"
"Sino ang nag-utos sa'yo?" tanong ko na hindi niya sinagot. "Sasabihin mo o puputok ang bungo mo ng ilang beses. Masaya 'un dahil paulit-ulit mong mararamdaman ang pagwarak ng iyong utak. Lalo na't ang mga kagaya mo ay may mabilis na regenerative healing ability"
"Nagmamakaawa po ako Senyorita" at walang pag-aalinlangan kong pinutok ang shotgun sa kaniyang ulo. Tama nga ako, ilang minuto lamang ay nabuo nang muli ang kaniyang ulo. Aktong papuputukan ko siya uli ngunit,
"Senyorita, tama na po, sasabihin ko na" naiiyak niya ng sabi "Ang nag-utos ay si–"
Hindi ko narinig ang kaniyang sinabi dahil sa isang malakas na tadyak ang sumipa sa aking tagiliran kaya tumilapon ako. Mabilis na binuhat ng Tikbalang ang manananggal paalis ng aming kinaroroonan. "Mahahanap ko rin kayo!" Sigaw ko sa kawalan. Masisiraan ata ako ng bait dahil wala man lang akong napatay sa kanila, how weak of me!
Bumalik ako sa dormitoryo, hindi na sinubukang maghintay sa iba nilang kasama dahil siguradong hindi na tutuloy ang mga iyon. Kung susuway sila sa kanilang Reyna edi mabuti, pero kung matatakot sila dahil sa ginawa ko sa manananggal, how pathetic of them! Pumasok ako sa kwarto na naabutan ang kasama ko na nananalangin sa kaniyang higaan. Muntik pa itong sumigaw ng makita akong gulo-gulo na ang buhok.
"Senyorita Maria Clara! Mabuti naman at nakabalik ka, tunay ngang mapagpala ang mga diwata" napataas naman ako ng kilay. Akala ko sa poong maykapal siya nananalangin, sa pinaniniwalaan pala nilang diwata.
YOU ARE READING
Beware of Señorita Maria Clara
Mystery / ThrillerIn a world where tradition clashes with modernity, Señorita Maria Clara stands defiantly-a fierce embodiment of rebellion and strength. Sent to a prestigious yet archaic school steeped in customs, she finds herself navigating a labyrinth of outdated...