NAMUMUGTO pa ang mga mata ko noong umupo ako sa guest chair ng principal's office. Nasa canteen ako noon nag-aalmusal nang may estudyanteng lumapit sa akin at sinabing pinapatawag ako ng principal.
"Senyorita Maria Clara Contes Ibarra" pambungad ni madam principal. "Tapatin mo ako, ikaw ba ay may dalang baril at dahilan ng paggambala kagabi? Aba eh akala ng lahat ay pinasok na tayo ng mga tulisan"
Napatingin naman ako sa guro na halatang pinipilit na kumalma. "Madam, ano naman sa inyo kung may dala akong shotgun"
"dios na mahabagin, ang bata mo pa para humawak ng mga ganoong bagay" aniya na napatayo na.
"At saka Madam, ginagamit ko lamang iyon para depensahan ang aking sarili" I defended my gun."di niyo naman sinabi na may mga halimaw sa eskwelahan niyo"
"Kahit na, Senyorita. Mas maiging isuko mo sa akin ang iyong baril" utos nito na hindi ko nagustuhan.
"I will not agree hangga't di ko napapatay ang manananggal at tikbalang na umistorbo sa akin" tumayo ako. "Pero pwede din ang iyong ulo Madam Principal, kapalit ng aking shotgun"
"Husto na Senyorita" aniya na napaatras noong pabagsak kong inilagay ang mga kamay sa kaniyang mesa.
"Goodbye Madam" saad ko.
"Jusko, ano klasing tao ang pinapasok ko sa aming eskwela" rinig ko salita nito bago ako makaaliss sa loob ng kaniysang opisina.
SAKTONG pagpasok ko sa loob ng aming room ay ang pagpasok ng aming guro.
"Magandang umaga mga Senyorito at Senyorita" bati nito na tinugunan naman ng mga kaklase ko.
"Magandang umaga rin, Guro" at abay sabay-sabay ah.
"Ngayong umaga ay ating tatalakayin ang nakaraan, kung paano nabuo ang ating eskwelahan" aniya na umintriga sa akin. Paano nga ba nabuo ang wirdong school na ito.
"Guro, eh diba si Don Dario ang nagmamay-ari nito. Nasaan na siya?" biglang epal ng kaklase ko.
"Mas mabuti ng hindi natin alam kung nasaan talaga siya" tugon ng guro na ikinatahimik ng klase. "Panahon ng pananakop ng mga español, isang Ginoo ang napapadpad sa lugar na ito. Mayaman at may katalinuhang taglay. Ngunit hindi mawari kung siya ba ay tunay na español o isang filipinong nagtatago sa katauhang mala-dayuhan. Lumagi siya sa lugar na ito, naging alkalde ng bayan at minahal ng lubos ng mamayan. Subalit, isang araw hindi na muling nasilayan pa ang butihing Ginoo na nagmalasakit sa komunidad na ito. Sa puno ng akasya, kung saan matatagpuan ang kaniyang tirahan, tila isang himala na matayog na nakatirik ang Paaralang ito. Mala-español ang dating ngunit pakiramdam ng mga tao rito ay nabubuhay ang kanilang pagka-Filipino. Ito ang mga sabi-sabi kung paano nabuo ang ating West Upi Filipino Heritage Academy" maigsing kwento ng aming guro.
Akala ko naman ay totoo, chismiss lang pala.
"Eh kayo guro, naniniwala ba kayo sa kwentong 'yan" biglang tanong ng supposed to be seatmate ko sana.
"Kung ako ang tatanungin, syempre ay hindi, sapagkat ang mga ganoong pangyayari ay hindi kapani-paniwala" tugon naman ng guro.
"Eh bakit niyo pa tinuturo kung wala namang katotohanan" I spoke. "Ganito ba ang eskwelahang ito. Nagtuturo ng maling haka-haka. Sinasayang niyo lamang ang aking oras!"
At saka tumayo ako at lumabas ng room. Mabuti pang maglamyerda kaysa ang mag-aral sa walang kabuluhan nilang lectures. Tinahak ko ang daan paakyat ng bundok, mga ilang minuto rin siguro ang aking pag-akyat noong makatagpo ako ng matabang puno na may malalagong dahon. Umupo ako at pinakiramdaman ang paligid kung may banta ba. Nang masigurong wala ay pinagmasdan ko ang kapaligiran, nadama ang malamyos na ihip ng hangin. Payapa, napakapayapa.
"I hate this place, too peaceful" sabi ko.
"Ako naman ay mahal na mahal ang lugar na ito" napatayo naman ako ng wala sa oras. Hinanap ang nagsalita."Naririto ako sa itaas Senyorita Maria Clara"
Napatingala ako at isang matipunong ginoo ang aking nasilayan. Napakakinis ng balat at may matatamis na ngiti na gusto kong sirain!
"At sino ka naman, bakit mo ako kilala?" tanong ko na amba siyang sipain.
"Hinay-hinay lang sa pagiging palaban Senyorita" aniya na iniharang pa ang tungkod na halatang mamahalin. "Hindi na mahalaga ang kung ano at sino ako. Ang mahalaga, maipabatid ko sa'yo ang aking sadya"
Napahalukipkip ako sa tinuran niya. "Anong sadya mo."
"Ang nais ko, ay nais mo rin. Baguhin ang sistema ng paaralan. Paalisin ang mga diablong nagmistulang anghel" tugon nito at ano raw? umpisa pa lang ay magkaiba na kami ng gusto tapos ngayon sasabihin niyang pareho kami ng nais? Nahihibang na ata ang lalaking ito.
"Well, hindi ako pumapayag ng walang kapalit" sabi ko.
"Itong tungkod, ang halaga nito ay higit pa sa yaman na pag-aari ng iyong familia" pangmamaliit niya sa aking pamilya.
"Hindi ko nais ng yaman o salapi" pagtatanggi ko sa mamahaling walking stick niya.
"Sige Senyorita, pangalanan mo" aniya na ikinataas ng kilay ko.
"I doubt na kaya mong ibigay ang nais ko" pagtataray ko.
"Kahit na ano Senyorita, kayang-kaya kong ibigay" may pagmamataas nitong sabi.
"Sige nga, bigyan mo nga ako ng kakayahang makita ang tunay na anyo ng isang nilalang" saad ko na siyang ikinangiti ng malaki nito.
"Your wish is on the way. Paalam Senyorita. Hanggang sa muli nating pagkikita" Saglit, is it true na kaya niyang ibigay. "Wait, wai-"
Natigil na lamang ako na sa isang ihip ng hangin ay nawala siya na parang bula. Na-engkanto ata ako, kailangan ko ng bumalik at baka ako'y masisiraan na ng bait.
YOU ARE READING
Beware of Señorita Maria Clara
Mystery / ThrillerIn a world where tradition clashes with modernity, Señorita Maria Clara stands defiantly-a fierce embodiment of rebellion and strength. Sent to a prestigious yet archaic school steeped in customs, she finds herself navigating a labyrinth of outdated...