Maria Clara's POV
Kumakain kami ng nilugaw na kanin. Mas mabuti na ito lalo na't wala naman kaming maipapares sa kanin, makakatipid din kami sa ganitong paraan.
Pagkatapos ng aming panggabihan ay gumayak kami sa malawak na hall ng dormitory. Mayroong nasa baba, sa hagdaan paakyat ng second floor.
"Kung nandirito na ang lahat, nais kong magtungo ang isa na magpresent sa grupo na tumingin sa gising hangganan sa mapa, nais naming malaman kung ano ang natuklasan niyo"
Nauna ang grupo nina Mario pero wala silang kahit na anong nakitang kakaiba. Mataas na pader ang sumalubong sa kanila. Sumunod na nagpresent ay ang grupo ni Crissostomo.
"Well, we have nothing to say" Crissostomo speaking sleepy and bored.
"Anong wala, ginabi nga tayo dahil sa'yo!"
"Anong ibig mong sabihin Señorita?" Curious na tanong ng council president.
"Kung hindi lamang baliw ang lalaking ito, hindi sana kami mapapansin ng halimaw na nagbabantay sa pader" dinuro nito si Crissostomo."Oo, pader lang ang nakita namin kahit na anong pagmamasid. Pero ang baliw na Crissostomo, pinaputukan ang mabangis na aso. Hindi man lamang niya tinamaan!"
"So paano kayo nakaligtas at maayos na nakabalik dito?"
"Oo nga naman, kung totoo ang iyong sinabi syempre ay hahabulin kayo ng halimaw"
"Hindi kayo nagkakamali. Mahaba-haba ang naging habulan namin. Nagawa naming makapagtago ng kasama namin sa makakapal na baging na kumakapit sa mga pader. Pero ang lalaki, kahit na may pagkakataon ay parang baliw na nakipaghabulan sa aso. Nagagawa niyang umiwas na parang nararamdaman niya kung kailan siya susunggaban ng halimaw. Sinasadya niya pang dumaan pabalik-balik sa pinagtataguan namin. Angn laki-laki pa ng ngiti niya na tila hindi natatakot sa maaari niyang kahahantungan"
"Talaga namang nasisiraan ng pag-iisip ang chinito"
"Dahil sa kaniyang ginawa ay nasuri namin ng maayos ang mabangis na aso. May nakabaon sa kaniyang ulo na lumiliwanag. Sa galing umasinta ni Lily ay tinamaan niya sa isang kalabit ng kaniyang baril ang kakaibang bato sa ulo ng halimaw na ikinamatay nun"
Pinagkibit-balikat lamang ni Crissostomo ang sinabi ng kasama nito.
"Balak pa niyang dalhin ang katawan ng halimaw. Kakarnehin niya daw!"
Napailing naman ang council president. Hindi na ako nabigla sa mga gawi ni Crissostomo. Tiyak lulutuin nga niya ang karne ng halimaw kung madadala niya iyon. Ngunit hindi niya magagawa iyon, dahil walang nais tumulong sa mga nakasama niya para dalhin ang karne.
Sumunod ang grupo namin at si Lehvriss ang nagsalita para sa amin. "Sa aming grupo. Payapa ang naging daloy ng aming paglalakbay. Narating namin ang sirang hangganan sa mapa ngunit hindi kami makalapit ni tumagal sa kinaroroonan namin. Unang-una sa lahat, may tatlong mababangis na aso ang nakaabang sa amin. Kailangan naming umalis agad dahil hindi pwedeng malaman ng mga iyon na naroroon kami. Imposible na makakaligtas kami kung nagkataon. Kung isa, nasa hukay na ang kalahati ng aming katawan pero tatlo, anong laban ng bilang namin!"
Umalis siya sa gitna dahil tapos na ang presentation niya. Huminga ng malalim ang council president saka magsasalita na sana pero inunahan ko.
"Mukhang may nakakalimutan si Señorito Lehvriss"
"Sige, magsalita ka Señorita Maria Clara"
"Nakalimutan niyang banggitin ang patungkol sa pagsilip ko. Syempre, hahayaan ko bang umalis kami ng wala akong nalalaman. Guess what I discovered?"
"Ano?"
"A strange door. Mas malaki nga lang ng bahagya ang mga aso kaya natatabunan nila ang pinto. Hindi agad iyon makikita kung hindi pakatitigan."
***
"Señorita?"
basag ni Cindy sa katahimikang namamagitan sa amin.
"hmm?" I replied while cleaning my rifle.
"Ilang araw na ba tayo sa lugar na ito?"
Tiningnan ko kung nasaan siya. She's on my bed. She's on her belly at nakapangalumbaba pa habang nakataas ang mga paa. I returned my focus to my gun.
"Close to death"
"Sa tinagal-tagal na nating magkasama, kailan mo balak sagutin si Lehvriss?"
Her sudden change of topic shunned me a bit. "Ano bang pinagsasabi mo, Lehvriss and I are.... enemies"
"May enemies bang nag-aalala sa isa't isa? Sagutin mo na kaya, tutal close to death nama~" natigil siya sa pagsasalita noong makitang nakatutok sa kaniya ang hawak kong rifle. I'm done assembling and I can shoot anyone right now if I want to.
"You know that I can be as insanely as my brother, Cindy"
"Señorita naman, hindi na mabiro" naupo pa ito at itinakip ang unan. Ibinaba ko ang rifle at pinunasan ang buong katawan nito.
"Bukas gaganapin ang Selection of Hunters. Ano ng naiisip mong paraan para mapasama ka sa mission?" tanong ko. Inilapag ang hawak na baril.
"Map reading?"
Tinanggal ko naman ang knot na nakatali sa buhok ko.
"Kahit sino marunong namang magbasa ng mapa" Kinuha ko ang gunting sa drawer.
"Iyon lang naman kasi ang kaya kong gawin. Saka hindi pa ako sigurado kung sasama ako. Magiging pabigat lamang ako sa grupo"
I smiled bitterly in front of the mirror. I looked sweet and innocent.
"Kailangan mong sumama Cindy. Wala akong tiwala sa council president simula pa lang. Paano kung lagusan ang pinto na nakita ko, kung hindi tayo sasama hindi tayo makaaasang babalikan nila tayo"
Without a second thought, pinutol ko ang aking buhok. Kung dati'y hanggang bewang ang haba ng aking buhok, ngayon ay hanggang balikat na lamang.
"Señorita, anong ginawa mo?!" sigaw ni Cindy.
"Buhok mo, buhok mo??" I said playfully. "Besides, it looks perfectly fit on me. I look brave and a g*ddamn bitch like you all perceived me as"
YOU ARE READING
Beware of Señorita Maria Clara
Mystery / ThrillerIn a world where tradition clashes with modernity, Señorita Maria Clara stands defiantly-a fierce embodiment of rebellion and strength. Sent to a prestigious yet archaic school steeped in customs, she finds herself navigating a labyrinth of outdated...