Chapter 16

15 5 0
                                    

Maria Clara's POV

"Umamin ka na" ani Crissostomo. Nasa loob kami ng dormitoryo. Pababa ako ng hagdan noong maabutan ko ang kawalang modo ni Crissostomo.

"Anong aaminin ko kung wala namang katotohanan ang iyong binibintang" tila inosenteng tugon ng kaniyang target.

Dumami ang nagsidatingan para makiusyoso.

"Kailangan ko pa bang ilabas ang baho mo para umamin kang ikaw ang pumatay sa guro" aniya na ikinataas ng kilay ko. Ano naman bang kasinungalingan ang iyong pinagsasabi Crissostomo.

"Pero hindi ko magagawa iyon sa guro" tanggi ng lalaki. Napatingin ito sa akin. "Señorita, Tulungan mo naman ako sa iyong Kuya. Inosente ako!"

"Makinig kayong lahat. Ang lalaking ito ay mula sa lahi ng mga aswang. Ang kaniyang Ama ay ang namatay na guro na siya ring pumatay dito. Dahil ang totoo, siya'y anak lamang sa labas" pagbubunyag nito. Hindi ko magawang maniwala sa sinasabi nito dahil kilala ko ang pagiging likas niyang manipulator.

"Hindi. Hindi. Gawa-gawa mo lamang iyan para idiin ako!" pilit pa ring itinatanggi ng lalaki.

"Gawa-gawa?" Mapaglaro itong ngumiti at itinaas ang kamay na may hawak na pistol. "Sige nga. Nanaisin mo bang mamatay ang iyong kapatid na babae kaysa aminin ang iyong sala!"

Itinutok nito ang pistol sa babaeng katabi ko lamang. Isang first year student gaya ko. Talaga ngang maitim na ang iyong budhi Crissostomo.

"Senyorito, nagmamakaawa ako. Ako na lamang, wag mo ng idamay ang aking kapatid" lumuhod ito at pinagkikiskis ang mga palad, nagmamakaawa.

"Hindi ako maaawa kailanman sa mga tulad mong hayok sa lamang loob ng tao" alam kong may pinanghuhugutan ka Crissostomo. Pero tama bang ganito ang gawin mo?

Agad akong kumilos dahil hindi tama ang kaniyang ginagawa. Ikinasa ko ang shotgun na aking hawak. Tumayo sa harapan ng kapatid ng lalaki at itinutok ang armas kay Crissostomo.

"Subukan mo Crissostomo. Sasabog ang iyong bungo o papakawalan mo ang lalaking 'yan" matapang kong sabi.

Inilipat nito ang pagtutok sa lalaki. "May magagawa ka ba para ako'y pigilan" aniya na mas lalong lumapad ang mga ngiti nito.

"Sa ating lahat, ikaw ang tunay na may alam sa totoong nangyari sa guro" sabi ko na ikinainis niya.

"At wala akong pakialam" nagmamatigas nitong sabi.

"Nais mo rin bang mawalan ako ng pake sa'yo Kuya" sabi ko na ikinangitngit ng kaniyang mga ngipin. Ibinaba nito ang hawak na pistol.

"Hoy lalaki, kung sino ka man. Dalhin mo ang iyong kapatid. Umalis na kayo sa lugar na ito" utos ko sa lalaking nakaluhod pa rin.

"Pero Senyorita, saan naman kami tutungo kung aalis kami" nagugulumihanan nitong tanong.

"Saan pa, edi sa loob ng maze"

"Pero delikado doon" aniya na tila natatakot.

"Ang mga gaya niyo ay hindi mapapano sa loob ng maze. Kaya umalis na kayo."

Saglit itong napaisip. Isang tango ang kaniyang ginawa bago sabay silang umalis ng kaniyang kapatid sa anyong uwak na may mapupulang mata. Lumipad sila palabas ng dormitory, sa labas ng safe zone.

"Totoo ngang aswang ang dalawang iyon" rinig kong usal ng isa sa mga kasama namin.

"Akala ko'y nababaliw lamang ang Crissostomo na iyan" segundo naman ng isa.

"Kumakampi ba sa mga aswang ang Senyorita o isa rin siyang aswang?" At napuno ng bulong-bulungan ang hall.

"Kaya ba naaamoy niya ang mga ito dahil aswang din siya?"

Umalis ako at lumabas ng dormitory dahil hindi ko kayang marinig ang kakitiran ng kanilang pag-iisip.

"Alam kong tinulungan mo ang dalawang iyon dahil magagamit mo sila kung sakaling ikaw na ang susunod na lalabas sa safe zone" Sumunod pala si Crissostomo, tumabi pa talaga sa akin. "Tama lamang ang aking ginawa"

"Kailan pa naging tama ang iyong mga ginagawa" saad ko. "Hindi ako tulad mo Kuya. Tao pa rin ako, may nararamdamang awa para sa iba"

Nakita ko kung paanong napapailing ito habang tinatanaw sa malayo ang lumilipad na dalawang uwak palabas ng entrada.

"Awa? nakararamdam ka ng awa sa mga aswang. Baka nakakalimutan mo Maria Clara, kung sinong mga hayop ang kumain sa ating pinakamamahal na lola Tasya. Tayo mismo ang nakasaksi noong mga bata pa tayo kung paanong winalanghiya nila ang walang kalaban-laban na matanda!"

Iniharap niya ako sa kaniya at mariing hinawakan ang magkabilang balikat ko. Tila naalala na naman niya ang nangyari noong mga bata pa kami.

"At iyon ang dahilan kung bakit nagpakasuwail ako, makabalik lamang sa lugar na ito" sabi ko. "Alam kong buhay pa ang mga aswang na iyon dahil kilalang-kilalan ko ang amoy nila. Malakas ang kutob ko na naririto sila sa labas ng safe zone"

Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa akin at bumalik sa loob ng dormitory. Tila nagbabadya ang malakas na ulan.

Beware of Señorita Maria ClaraWhere stories live. Discover now