Chapter 17

13 5 0
                                    

Maria Clara's POV

Isang gabing kumukulog at kumikidlat ngunit hindi naman umuulan. Hindi ako mapakali sa aking higaan dahil kinukutuban ako. Tingin ko'y babala ang pagkulog at kidlat na may masamang mangyayari.

Tatlong katok ang nagpabangon sa akin, "Senyoritas, nagpatawag po ang Council President para sa isang mahalagang pagpupulong. Bumaba na lamang po kayo sa bulwagan kung kayo'y handa na"

"Sige Señorito Rosito. Kami'y bababa na" tugon ni Cindy. Gising pala ang babaita.

Sabay kaming lumabas ng kwarto para dumalo sa nasabing pulong. "Anong sabi mo? Hindi maaari ang iyong mungkahi Council President!"

"Ang aking mungkahi ay nararapat lamang sapagkat kung wala tayong gagawin, gutom ang papataybsa atin."

"Gaano ka naman nakasisiguro na totoo ang nakaguhit sa mapang iyan?"

"Paano natin malalaman kung hindi natin gagalugarin ang maze gamit ang mapa. Ayon dito, may bahagi sa maze na palayan ang naroroon."

"Pres, nakaguhitb din ba riyan ang lagusan palabas ng maze?"

Umiling-iling ang council president. "Kahit na anong pag-aaral ko sa mapa simula na makuha ko ito, kasama ng mga armas noong unang beses tayong mapadpad dito ay walang lagusan akong nakita palabas"

"Kung ganoon, anong silbi ng ating pamamalagi rito kung wala namang lagusang naghihintay sa atin"

"Huwag kayong mag-alala. Sa tingin niyo ba'y mangmang sila para ibigay ang mapa upang mahanap natin ang lagusan agad? Hindi, dahil ang mapa ay may mga parte na putol. Tingin ko'y sinadya at sa tingin ko rin, sa mga bahaging iyon matatagpuan ang lagusan."

"Kung gayon, ano pang hinihintay natin. Tara na't sulungin ang maze!"

"Hindi tayo maaaring magpadalos-dalos lalo na't haka-haka pa lamang kung mapang hawak natin ay mapa ng maze"

"Ano ng mainam nating gawin lalo na sa panahong may ipapasok sila sa maze. Sila ba ang unang makikinabang sa maze!"

"Imposible na ang iyong mga sinasabi. Isang linggo na ang nakalilipas matapos makaalis ng dalawang estudyante. At hanggang ngayon walang aksyon ang Committee. Marahil ay alam nilang mapipilitan din tayong pumasok ng maze dahil kakarampot na lamang ang mga pagkain natin"

"Ngayon ang naisip kong paraan ay mag-gugrupo tayo. Isang grupo, pupunta para sa mga palay at ang pangalawang grupo naman ay titingin sa mga bahaging putol sa mapa."

***

Tikom ang aming mga bibig noong binabaybay namin ang maze. Sa aming grupo ay pinangungunahan kami ni Lehv. Itinaas nito ang kaliwang kamay at nagpahiwatig na huminto kami.

Sumilip ito sa lilikuan namin, lumingon din sa kabilang direksyon saka sumenyas na magpatuloy kami. "Tapos kakaliwa tayo." ani Cindy na may hawak ng kinopya naming mapa.

Ganito lamang ang naging takbo ng aming grupo sa mahigit isang oras naming pagbaybay papunta sa lugar, para masuri kung ano ang talagang mayro'n sa putol na mga hangganan ng mapa. Unang hangganan ay dead end. Ngayon ay pupunta kami sa ikalawang hangganan na nakaatas sa amin.

Limang grupo ang pumasok sa loob ng maze. Tatlo katao bawat grupo. Sa group namin si Lehvriss, Cindy, at ako. Pilit pang sumama ni Crissostomo sa grupo namin pero may grupo ng nakatalaga sa kaniya.

Nakakapangilabot ang katahimikan. Pero ang katahimikang ito ay nagbabadya ng trahedya. Napansin ko na ang mga pader ay gawa sa bricks. Mataas at nilulumot na.

"Malapit na tayo," biglang salita ni Cindy. "Isang liko sa kanan at sa kaliwa, doon ang hangganan"

Bigla naman akong kinabahan sa hindi malamang dahilan. Bakit ako kakabahan?

Ang pagkilos namin ay naging mabilis noong lumiko kami pakanan. Noong marating namin ang papakaliwa, dahan-dahan muli ang naging pagkilos namin. Kailangan naming maging maingat dahil hindi namin nalalaman ang nakaabang sa amin. Panganib ba o pag-asa.

Sumilip si Lehvriss pero wala pang isang segundo ay hinila nito ang sarili upang magtago. "Kailangan na nating umalis at lumayo dito"

"Bakit?" biglang nanginginig na tanong ni Cindy. Tila nag-iisip ng kung ano-ano.

"Mababangis na itim na aso" ani Lehvriss at naunang umalis. Sumunod naman ang huli.

Sumilip ako para malaman ang kinatatakutan niya. Tatlong naglalakihang mga aso, mababangis, mahahabang pangil, at may matutulis na mga kuko. Pinakatitigan ko ang kanilang kinaroroonan hanggang sa may mapansin ako.

"Maria Clara, halika na!"

Bigla akong hinagit ni Lehvriss. Hindi na ako nagmatigas pa dahil nakita ko na ang nais kong makita. Sumunod na ako sa nais niya dahil hindi magandang makipaghabulan sa mga asong iyon lalo na't hindi pa namin kabisaso ang Maze.

***

Kasabayan naming nakabalik sina Council President kasama ang isa pang grupo. May dala-dala silang sako ng mga bigas. Ibig sabihin nun ay legit ang mapa na hawak namin. Hindi kami nililinlang ng mga nasa itaas. Anim na sako. Sasapat kaya sa aming lahat ang bigas?

Maya-maya ay bumalik na ang isa pang grupo na tulad namin ang layunin sa maze. Alamin ang kung anong mayro'n sa putol na hangganan ng mapa. Hinintay pa namin bumalik ang nahuling grupo, ang grupo ni Crissostomo ngunit papalubog na ang araw ay wala pa rin sila.

Gabi, nagmamasid ako sa paligid lalong-lalo na sa entrada ng maze. Hindi ko duty pero I volunteered myself to guard. Kahit na hindi maganda ang layunin ng lalaking iyon sa akin, nag-aalala pa rin ako. May pinagsamahan kami simula bata and I considered him as my real brother kahit na may mga hindi kami pagkakaunawaan.

"Psycho na 'un. Kung ano-ano naman siguro ang ginawa"

I patted Lehvriss na sinamahan ako, he's sleeping. Hindi niya duty or volunteered himself.

Bumaba kami at nagtatakbo ako ng makita ko si Crissostomo, nag-iisa at nanghihina. Niyakap ko siya, "you fr*ak! Pinag-alala mo'ko!"

"Maria" aniya na ikinakunot ng noo ko.

Malakas ko siyang itinulak kaya napaupo siya sa damuhan. Itinutok ko ang baril sa kaniya na ikinagulat niya lalo.

"Maria, ano ang iyong ginagawa?"

"Sabihin mo, anong ginawa mo kay Crissostomo!"

"Ako si Crissostomo, nanlalabo na ba ang iyong paningin Maria?"

Sumingit naman bigla si Lehvriss, "Señorita Maria Clara. Maghunos-dili ka. Pwede naman nating pag-usapan ng maayos ito"

"Lehvriss, kailanman ay hindi ako tinawag ni Crissostomo ng Maria!"

Bang!

Kinalabit ko ang gatilyo at tinamaan sa ulo ang hayop na gumaya sa anyo ni Crissostomo. Tulad ng nangyayari sa mga aswang kapag namatay ay parang abo na pinanid ng hangin ang kaniyang katawan.

"Aswang pala ang isang 'un"

Aalis na sana ako noong may tatlong pigura akong napansin, tumatakbo papasok ng safe zone. Inihanda ko ang hawak kong armas, maging si Lehv ay napatutok din sa kanila.

"I will never ever team up with you again, you psycho!" sigaw ng babae.

"And so do I, mas maganda kung si Claire ang nakasama ko kaysa sa'yo!" And that voice, the way he is naming me. Surely, that's Crissostomo Nuevaespaña-Ibarra.

Beware of Señorita Maria ClaraWhere stories live. Discover now