Chapter 5

29 7 0
                                    

ANG ARAW na ito ay sadyang nakakapagod. I hate the P.E instructor. Hamakin mo, isang oras kaming pinatakbo sa field, akala siguro niya'y di kami tao. Hayop nga napapagod, kami pang mga tao lamang. Mabuti na lang ay maraming nawalan ng malay dahil hindi na kinaya ang pinapagawa sa amin ng kalbong instructor.

"Ang gurong iyon ay sadyang malademonyo" narinig kong sabi ng aking kaklase na babae habang pinapaypayan ang sarili dahil sa init.

"Tama pala talaga ang sabi ng ate" tugon ng kaniyang kausap. "Si Ginoong Salbi ay sadyang walang-awa sa kaniyang mga estudyante"

Uminom ako sa aking dalang tumblr at kamuntik pa akong mabilaukan noong gulatin ako mula sa likuran ng lalaking nagngangalang Levhriss, kassama nito si Simoun na mukhang hindi mapakali. "Kumusta Senyorita Maria Clara" nangingiting tanong ng Lehvriss.

"Simoun, halika nga rito at napakadungis mo" hindi ko pinsansin ang nangangamusta. Mainit ang ulo ko sa kaniya sa 'di malamang dahilan. "Uupo ka rito o mawawalan ka ng ma-uupuan sa room"

Madali namang umupo ang lalaking ubod ng pagkamahiyain. Kinuha ko ang aking panyo at pupunasan na sana ang pawising pagmumukha nito. "Senyorita, ano ang inyong gagawin" aniya na iniiwas ang mukha. Naramdaman ko namang umalis ang kasama nito. "Senyorito, ssaglit lamang, hintay!"

At kumaripas ng takbo si Simoun para habulin ang nagdadabog na kaibigan. "Mukhang magiging masaya ang aking pamamalagi rito" ngiting demonyitang sabi ko. "May sisirain akong pagkakaibigan"

KINAHAPUNAN, nasa loob kami ng room noong may pumasok na babaeng 'di ko malaman kung galing ba sa patay o sa isang party club. Nakapurong-itim ito na pinarisan pa ng itim na maliit na kalo. Iniikot nito ang paningin at wari'y nagtataka kung bakit kakarampot lamang ang bilang namin. Marami talagang lumiban sapagkat nasa clinic ng school ang iba kong kaklase, at ang iba'y umuwi ng dormitoryo para doon na magpahinga.

"By the way, I am Madame Beronika O, but you can call me Madame B." aniya sa wikang ingles na ikinalingon ng mga kaklase ko sa isa't isa. "I am your newly appointed english instructor"

"Madame B. Anong nangyari kay Ginang Tasya?" napatanong ng kaklase ko sa harap.

"Pardon, Ms?...." napakaarte nito.

"Carla Sulling po Madame B." tugon ng aking kaklase.

"Ms. Sulling, what a name, I do not understand whatever you asking. Please talk in english so we can converse" at may nadagdag na nga sa listahan ko.

"A-ano, where is Ma'am Tasya. What, what happened to her?" nahihirapan pang bumuo ng sasabihin si Carla. Mukhang hindi sanay sa wikang ingles.

"Well, Ms. Sulling. Your oldy english instructor, Tasya Mangacop, resigned for no specific reason. Hence, I am here" aniya na naglagay pa ng black lipstick sa kaniyang labi. "Sure naman ako na you will learn more from me kaysa sa Gurang na Tasyang iyon!"

Inilapag nito ang hawak na salamin at lipstick sa teacher's table. Kumuha ng kapirasong chalk at nagsimulang magsulat ng salitang english sa blackboard. "Now, how do we pronounce this word?!" biglang naging terror niyang tanong. "You!" turo niya sa akin na ikinataas lamang ng aking kilay.

Akala siguro niya ay manginginig ako sa takot tulad ng mga kaklase ko sa biglang pagbabago ng presensya niya. Mas lalo lamang akong naiirita sa kaniya. "How do you pronounce this word!" pag-uulit nito ng tanong niya.

Itinuro ko ang aking sarili para makasigurong ako nga, mamaya ang itinuturo niya ay si Luzero. "Of course, ikaw nga, wala ng iba. Stand up!" she commanded. Tunay ngang sumasakit ang aking tainga sa kaniyang paninigaw. Hindi ko siya sinunod, instead binigkas ko na lamang kung paano bigkasin ang salitang nakasulat sa blackboard. Wiseacre.

"Good, good. Now, what's the meaning of the word wiseacre?" tanong uli nito na nasa akin pa rin nakatingin.

Ay abah! hindi lamang ako ang estudyante rito. Nalalaman ko man kung ano ang kahulugan ng wiseacre ay ipinagkibit balikat ko na ikinataas naman ng kilay niya. "What's your name, iha" may bigat sa kaniyang boses.

"Maria Clara Contes Ibarra" tugon ko.

"Well, Ms. Ibarra. Pinag-aral ka ba ng iyong mga magulang para maging boba!" aniya na ikinapanting ng tainga ko. "Tonta!"

Napatayo ako sa aking upuan. "At least ang bobang sinasabi mo ay hindi kagaya ng mga taong nakapag-aral lamang sa malayo ay kung sino ng nagmamarunong. Wala ba siyang utak para umaktong nalalaman niya ang lahat? Kung magsalita ng ibang lengguwahe ay halatang pilit naman" tugon ko rito na ikinapula niya. Mabuti naman at nalalaman niyang siya ang pinapatamaan ko. "O, Madame B. tila kayo ay nagagalit, Samantalang iyon naman talaga ang kahulugan ng salitang wiseacre. 'Ung someone who pretends knowlegeable about erything. Pinalawak ko lamang."

Bago pa man siya makatugon ay tumunog na ang kampana para sa susunod na klase. "We are not done yet Ms. Ibarra. May oras ka rin" aniya na nililigpit ang mga gamit na dala.

"Bakit naman kasi nahuli kayo ng forty-five minutes. Ayan tuloy, konti lang ang natutunan namin sa'yo" saad ko na inirapan lamang niya.

Beware of Señorita Maria ClaraWhere stories live. Discover now