Chapter 15

23 5 0
                                    

Maria Clara's POV

Maggagabi na noong sabay kaming lumabas ni Lehvriss. Nagkataon lang siguro dahil maging siya ay tila nagulat. "How's your night, Lehv?" tanong ko na hindi man lamang niya pinansin.

"Hey, I'm asking you Lehvriss!" sigaw ko noong nagmamdali siyang lumakad. Iniiwasan ba niya ako? At anong dahilan. Is it because of what happened last night? Bakit din.

"Señorita, saka na tayo mag-uusap kung hindi ka sinasapian ng iyong foreign side" aniya na huminto at hinarap ako.

"Aba, iyon lamang pala ang iyong dahilan kung bakit ikaw ay tila lumalayo sa akin" saad ko na pinaliit ang distansy namin.

"Lumalayo? Bakit naman ako lalayo sa'yo?" he denied.

"Well, akala ko ay natatakot ka sa akin. Sa mga nalaman mo sa akin" sabi ko na inilingkis ang mga kamay sa kaniyang batok.

Naramdaman ko namang nanigas siya bigla. "Anong ginagawa mo Señorita Maria Clara?"

Nanlaki naman bigla ang mata ko. Ano nga bang ginagawa ko. Nakakahiya ka Maria Clara!

"Saan ka nga pala pupunta ngayon at parang nagmamadali ka?" paglilipat ko ng eksena. "Hindi naman siguro dahil sa akin kaya ka nagmamadali diba?"

Napakamot naman siya sa kaniyang ulo, "si Andrea kasi nakita kong pumasok ng maze"

"Paano mo nakita eh ang layo entrada ng maze sa dorm" naguguluhan kong tanong. Saka si Andrea talaga, eh halos hindi na iyon lumalabas ng kwarto sa takot. "Eh si Andrea nga ba iyon, baka namamalikmata ka lang"

Itinaas nito ang hawak na telescope. "Sigurado akong siya iyon. Hindi ako pwedeng magkamali"

Akto itong aalis pero hinawakan ko ang kamay niya. "At anong gagawin mo? Hoy Lehvriss, hindi natin alam kung anong nag-aabang sa atin dyan sa loob ng maze. Kung ano mang binabalak mo, wag mo ng ituloy."

"Kahit na. Naroroon si Andrea" aniya na nag-aalala sa babaita.

"Sabihin mo nga. Bakit ganyan ka na lang mag-alala sa Andrea na 'yan?" wala sa wisyo kong tanong.

Napatingin naman siya sa akin na parang sinusuri ang mukha ko, "Nagseselos ka ba, Señorita"

Napaiwas naman ako ng tingin dahil hindi ko inaasahan ang nangyayari. "Ako, magseselos, kanino naman?"

Naramdaman kong humakbang ito papalit sa akin at marahang humaplos ang kamay nito sa aking bewang. This is not happening!

"Wag kang mag-alala dahil gumuho man lahat ng kalupaang tinatapakan natin, ikaw at ikaw lamang ang aking sinisinta," napatingin naman ako sa kaniya at ang kaniyang mga mata ay kumikinang sa sikat ng papalubog na araw. "maging aswang man ako"

Nahampas ko naman siya dahil sa huli nitong sinabi. "Seryoso! Naku kapag ikaw naging aswang, isang putok ka lang"

"Aalis na ako Señorita at baka napa'no na ang pinsan ko" aniya.

"Saglit, sasama ako" Kaya naharap siya sa akin.

"Ngunit delikado ang pupuntahan k-" naputol naman ang sasabihin nito noong mapatingin sa aking likod. "Andrea?"

Napaharap na rin ako sa tinitingnan niya at doon ko nakikita ng malinaw ang babaitang nakasimangot at handa akong tuklawin ano mang oras.

"At saan kayo pupuntang dalawa Lehvriss?!" galit ito. Ano bang kinagagalit niya, eh siya itong irerescue sana namin. Pero sa huli naririto siya.

"Paanong nangyari iyon, diba lumabas ka ng maze Drey?" tanong ni Lehv.

"Huh? Ako, lalabas, eh labas pa lang dormitory ay kailangan kong mag-ipon ng lakas" aniya.

"So, kung hindi ikaw ang pumasok sa maze, sino ang babaeng kamukha mo!" natatarantang sabi ni Lehvriss.

"Hindi pa ba malinaw. Isa iyong aswang na ginaya ang wangis ni Andrea para linlangin ka, estupido!" biglang labas ni Crisostomo. "Magpasalamat ka dahil nakonbinsi ko ang dalaga na lumabas dahil kung hindi, magiging hapunan ka ng mga aswang na nakaabang sa mga pader"

Akala ko ay magwawala si Lehvriss dahil sa tinawag ni Cris sa kaniya pero nakakapagtakang kalmado ito. O mas mainam sabihing kinakalma nito ang sarili.

"Crisostomo, bumalik ka na sa iyong kwarto" utos ko na sinunod naman niya. Hindi ito nakipag-argumento. Tumalikod ito sa amin at aalis na sana.

"Sandali lamang." Pagpigil ni Lehvriss. Ano na namang maling desisyon ang gagawin mong lalaki ka. Nilayo ko na nga, pinababalik mo pa. "Ako ay humihingi ng pasasalamat sa iyong ginawa"

Natigil naman si Crisostomo ngunit agad ring nagpatuloy sa paglalakad. Hindi man lamang tumugonn sa sinabi ni Lehvriss.

"Lehv, dali na at maggagabi na" ani Andrea na masama pa rin ang tingin sa akin.

"Tara na Señorita at baka mapagdiskitahan pa tayo ng mga aswang" aya ni Lehvriss sa akin.

"Hayaan mo siya, tutal pinagyayabang niya sa lahat na hindi siya takot sa mga aswang" ani Andrea na inirapan ako bago umalis.

"Ipagwalang-bahala mo na lamang ang lumalabas sa bibig ni Andrea. Alam mo naman at minsa'y walang preno din ang kaniyang bibig" ani Lehvriss na hindi pa rin pala pumapasok ng tuluyan. "Tulad mo ay sinasabi nito kung anong kaniyang iniisip"

"Hindi ako magiging tulad ninuman dahil ako ay si Maria Clara, nag-iisang Señorita Maria Clara Contes Ibarra at wala ng katulad gumuho man ang mundo"

Beware of Señorita Maria ClaraWhere stories live. Discover now