Chapter 7

19 7 0
                                    

"Kung nagising lamang ang Senyora ng mas maaga ay hindi sana tayo gagabihin" pagpaparinig ni Lehvriss.

"At kung hindi ka lamang nangialam sa aking pakikipagnegosasyon sa pagbili ay mabilis sana nating nabili ang lahat ng nasa listahan" resbak ko.

"Negosasyon ba 'yon? Twenty pesos na gulay bibilhin mong piso na lamang? Nasaan ang negosasyon doon. Nasaan ang awa mo para sa mga tindera na halos manginig sa takot sa iyong pagtitig" napairap na lamang ako sa narinig. "Nasaan ang iyong dangal bilang mamimili?" dagdag pa nito na ikinainis ko lalo.

"Husto na, pwede ba!" pagmamaldita ko. "You win, okay! Gusto ko lang namang makatipid tayo lalo na't kakarampot lamang ang salaping ipinadala ssa atin. Sa tingin mo, kung hindi tayo hihingi ng tawad, ganito ba karami ang mabibili natin!"

"Pero sobrang tawad naman kasi ang hinihingi mo Senyorita. Malulugi ang tindera, kaawa-awa rin" pagkampi ni Cindy kay Lehvriss.

"O siya, maling-mali na ako." Pagsuko ko sa argument na ito.

"Maling-mali" at talagang pinapamukha sa akin ng Lehvriss na ito ang aking kamalian!

"Isa pang pagdidiin mo sa akin, Senyorito, bubusalan ko ng pechay ang matabil mong bibig" saad ko na ikinatahimik niya.

Hindi man lamang nila sinisi sina Cindy at Simoun samantalang nagtagal din naman sila sa pamimili. Sila ang nahuli tapos sa akin ang lahat ng sisi. Napaka-unfair. "Shh!" biglang bumilis ang takbo ng aming sinasakyan. "Maghanda kayo dahil may sumusunod sa atin."

Ang bakang dapat ay naglalakad lamang ay singbilis ng kabayo kung tumakbo. "Ang mga binili natin, hawakan niyong mabuti baka mahulog"

"Hanep, akala ko gabi ng hiwaga lamang nagpaparamdam ang mga wakwak" saad ko na ikinalingon nila.

"Walang wakwak sa gabi ng hiwaga, maging sa mga baguhang mag-aaral. Oo, may mga enkanto ngunit di sila tulad ng mga wakwak" pagpapaliwanag ni Lucerio na nagpataas ng kilay ko.

Sasabihin ko sanang hindi engkanto ang nakasagupa ko kundi mga wakwak pero isang pagaspas ang nagpatigil sa akin. "Yuko!" Sigaw ni Mang Tiago. Isa pa lang manananggal ang tumatarget sa amin. Mabuti na lamang at mabilis ang naging kilos namin kaya isang basket ang nadagit ng manananggal.

That biatch! Pinaghirapan ko ang mga pechay na 'yun tapos dadagitin lang ng bruhang iyon. "Mang Tiago, itigil mo ang sinasakyan natin. Ngayon mismo!"

"Nahihibang ka na ba Senyorita. Delikado na nga ang lagay natin ay patitigil mo pa ang baka?!" di makapaniwalang sabi ni Manang.

"Nababaliw na naman siya" narinig kong bulong ni Lehvriss pero wala akong pake.

"Ititigil niyo o kayo ang gagawin kong pechay!" Kinuha ko ang bolo na suot lamang ni Mang Tiago na ikinabigla nila. Tumigil ang sasakyan at walang katakot-takot akong bumaba para kunin ang basket na inihulog ng manananggal. "Akin na ang flashlight!"

Nagsimula akong pumunta sa kinahulugan ng basket ay di pa man ako nakakalapit, sinalubong naman ako ng manananggal. Inilawan ko ang pagmumukha niya na pamilyar sa akin. "Nagkita tayong muli, akala mo ba ay hindi ko nakikilala ang pangit mong pagmumukha" saad ko na ikinatigil niya. "Naaalala mo ba si Senyorita Maria Clara. Gusto mo bang ulitin ang laro natin?!"

Halos hindi ito mapakali sa pagpagaspas ng kaniyang pakpak noong makilala ako. "Hindi, hindi!" aniya at mabilis na kumaripas ng lipad papalayo. Mukhang na-trauma sa aking ginawa noon.

"O, ano pang ginagawa niyo riyan. Gusto niyo pa atang ako ang bumuhat ng napakabigat na basket na ito!" Sigaw ko kaya natauhan ang mga kasama kong halos maestatwa sa kanilang pwesto. Mabilis namang rumespunde ang tatlong lalaki at pinagtulungan ang basket.

"Paano mo nagawa iyon Senyorita?" tanong ni Manang noong makaupo ako sa dating pwesto. Muli ng umandar ang aming sinasakyan.

"Ang alin ho?" maangmangan ko.

"Iyong manananggal ay halatang natatakot sa iyo." saad ni Cindy.

"Naka-engkwentro mo na ba ang nilalang na iyon Senyorita Maria Clara?" tanong ni Lucerio.

Ano ba 'yan daming tanong. "Kuya, hayaan na muna natin si Maria. Siguradong natatakot din siya sa kaniyang ginawa"

Napataas naman ang kilay ko sa tinuran ni Lehvriss. Ako? Si Maria Clara, matatakot? Saan? At kailan pa siya nagkaroon ng awtoridad na ako'y tawagin lamang sa unang pangalan. Lapastangan!

MAGHAHATING gabi na noong dumating kami sa eskwela, madali naming pinagtulungang ibaba ang mga pinamili namin sa imbakan. Matapos ang aming ginagawa, walang pasabi akong umalis at bumalik sa dormitoryo. Sa pagtapak ng aking mga paa sa loob ng dormotory ay para bigla na lamang nagkaroon ng kakaibang pakiramdam. Para bang umiba ang presensya ng dormitoryo. Nang tuluyan na akong makapasok, agad na pumatay sindi ang mga ilaw. Maya-maya ay may naririnig akong umiiyak na babae. At ano namang pakulo ito.

I started walking through the stairs paakyat sa ikalawang palapag, sa aking kwarto papunta. Ngunit napahinto na lamang ako noong mapansin ang babaeng nakatalikod. Mahaba ang buhok na umaabot sa sahig. Nakaputing bestida din ito na tila isang... White lady? Mangiyak-ngiyak ito na tila nasasaktan.

"Ms. Gabing-gabi na. Dito mo pa balak mag-emote" wika ko. Tumigil ito sa pag-iyak noong marinig ako.

Akmang hahawak ko siya noong mapansing kong marahan itong humarap sa akin. Napaatras ako ng bahagya na kamuntik ko ng ikahulog dahil nasa hagdan pala ako. Dahan-dahan itong umabante na tila nagagalit sa aking pang-iistorbo, ngunit nagkamali siya ng tinatakot. Walang katakot-takot akong umabante na siyang ikinakunot ng kaniyang noo. Napaatras din siya noong mabilis akong lumapit sa kaniya.

"Ikaw, hindi ka ba natatakot sa akin?" biglang salita nito.

"Natakot, syempre, sinong hindi matatakot sa makeup mong pang-clown" I replied.

"Huh?" napatanong niya at madaling naglabas ng salamin. Tumigil na din ang pagpatay sindi ng ilaw kaya mas lalo kong nakita ang kapangitan ng kaniyang pagmumukha. Mukhang tinapal lamang ang foundation sa kaniyang mukha.

"Sa susunod, kung may tatakutin kayo, ayus-ayusin niyo naman ang pagmake-up" sabi ko na siyang ikinalabas ng mga kasama nito. Talagang puro babae pa silang tatlo ah. "Tabi o tatabingi 'yang pisngi mong singpula ng kamatis!"

Pumasok ako ng kwarto at umupo. At doon pinakawalan ang tawang kanina ko pa pinipigilan. Sinong hindi matatawa sa mukhang pinaglaruan lamang ng kaniyang mga kasama. Ayos na sana ang light effects, ang acting skills pero pumalya ang makeup. Hahaha. Napatigil naman ako noong pumasok si Cindy.

"Senyorita, anong tinatawanan mo? Mukha ang saya-saya mo ah" she asked.

"Wala. Wag mo ng alamin" sabi ko.

"Sus, sabihin mo, kinikilig ka lamang kay Senyorito" aniya na ikinataas ng kilay ko.

"Senyorito! sinong senyorito!"

"Sino pa ba, edi si Senyorito Lehvriss" halos umakyat naman ang dugo ko sa narinig. Marinig ko lamang ang kaniyang pangalan ay parang tutubuan ako ng sungay.

Beware of Señorita Maria ClaraWhere stories live. Discover now